STELLA POV Kaagad akong tumawag kay Lovely at agan naman niyang sinagot ang tawag ko. "Sis? Napatawag ka?" "Heto na nga... baka pwede mo akong samahan bukas ng maaga? Bibili lang ako ng damit." "Ha? Damit para saan?" "Ipapakilala na ako ni Tyler sa mama niya bukas kaya ang sabi niya sa akin, kailangan ko raw ayusin ang sarili ko bago kami magkita ng nanay niya." "Okay fine, sige 10 am kita tayo bukas. Anyway congrats for your upcoming weird wedding." Natawa na lang ako sa sinabi ni Lovely kasi napag tanto ko na weird naman talaga ang wedding na ito. Kung di lang talaga dahil sa pera, hindi ko papatusin ang offer ni Sir Tyler. I just chose not to be selfish. Kinabukasan, maaga kaming nagkita ni Lovely sa mall. Pero bago kami gumala, kumain muna kaming dalawa ng dinner sa isang fas

