STELLA POV Gusto kong maiyak sa harapan ni Tyler. Bakit ganito siya mag salita? Feeling niya ay balewala lang sa akin ang mga sinasabi niya pero sa totoo lang nasasaktan talaga ako. "Baka pwede mag taxi na lang tayo?" hirit ko ulit sabay takip sa tainga ko. "Taxi? Medyo malapit na naman tayo kaya mag lalakad na lang tayong dalawa," napatingin bigla si Tyler sa gilid ng kalsada, "tulungan mo ako ipa park natin ang sasakyan sa gilid tapos tsaka tayo maglalakad." "Anong maglalakad ka jan?" gulat na sabi ko, "Hindi ako maglalakad kasi naka heels ako. Mag taxi na lang tayo please." "Hindi nga eh, sino ba kasi nagsabi sayo na mag heels ka? Dapat nag flat shoes ka na lang kasi hindi naman naka dagdag sa height mo ang takong mo. Now, help me push this damn car para makapag lakad na tayong d

