TYLER POV Bago ako humiga sa kama, nag punta muna ako sa cr para mag toothbrush pero pag harap na pag harap ko sa salamin, nakita ko ang bakas ng make up ni Stella sa aking labi. Pero bakit ganito, bakit biglang namutla ang pisngi ko sa kanyang halik Sariwang sariwa pa rin ang palitan ng laway namin kanina. Tumindig akong bigla, iwinaksi ko ang mga maling tumatakbo sa isipan ko sa mga sandaling ito. Ipinangako ko kay Coleen na siya lamang ang aking mamahalin kahit na sino pa ang dumating sa aking buhay. At bukas na ang kanyang death anniversary kaya pipilitin kong dumalaw sa puntod niya kahit na ako lang mag isa. Nag toothbrush na ako at natulog. Kinabukasan, maaga akong pumasok sa office. Sobrang excited ko kasi ngayong ko rin ma me meet ang bago kong assistant na si Steffany. Pag p

