TYLER POV "Anak, naging sunod sunuran ka lang sa tatay mo. You are not a criminal. Kung may dapat mang sisihin sa nangyari, wala yung iba kung di ako. Naging duwag akong ina at hinayaan kitang masama sa organisasyon ng ama mo. Alam kong galit ka sa kanya, pero wala na siya sa piling natin kaya ako na ang dapat mong pag buntungan ng galit." I grinned like a devil, "Sorry ma pero mabigat po ang hinihingi ninyo sa akin. Malinaw ang takbo ng isipan ko at wala akong ibang sisisihin sa nangyari maliban kay Dad. Now, iwan mo muna ako rito at dalhin mo ang gown na yan dahil naaalala ko ang asawa ko." Tiningnan niya ako ng diretso sa mata, "Wala na si Coleen, si Stella na ang magiging asawa mo. I am not saying na kalimutan mo na siya pero ibaling mo na ang pagmamahal mo kay Stella. Sure ako na '

