TYLER POV Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko. Matapos ng halikan naming dalawa ni Stella noong kasal, tila ay hinahanap hanap na ng labi ko ang labi niya. At ngayon, mas lalo ko napagtanto na masarap pala talagang ang kanyang mga mapupula at malambot na labi. Tila ay nawala ang sama ng pakiramdam ko sa ginawa namin. Diniin ko pa ang halik ko hanggang sa biglang pumiglas si Stella sa akin. "Teka lang? Bakit mo 'yan ginawa?" tanong niya sa akin, naiilang siyang tumingin sa mga mata ko. "Nag babaka sakali lang ako na kapag hinalikan kita sa labi, biglang mag bago ang isipan mo Stella. Ano ba ang pumipigil sayo? I open mo sa akin para magawan natin ng paraan." Kitang kita ko pa rin ang pag aalinlangan sa mga mata ni Stella. "Okay fine, it seems kailangan kong mang hula kung ano

