"Chef ipinapabalik ni Sir Kurt, Hindi daw pasado sa panlasa n'ya," Dahil sa narinig ko kumunot pa ang noo ko. "Ano? Leyana? Pang Ilan na 'yan ah! Hindi pa rin pasado?" Naiinis ko pang sambit. "Naku Chef! Hindi ko rin alam." napakamot pa ito sa batok. "Grrr! Gigil na gigil na talaga ako! Last na talaga ito!" Saka ako tumalikod para magluto ng bago. "Chef, relax umiiyak na ang scallops," natatawa pang puna ni MD na abala sa niluluto nito. Ngumiti lang ako ng peke. Saka nagpatuloy sa pagluluto. "Baka ikaw ang gustong magdala." pang aasar pa ni Kristine nang lumapit Ito para kumuha ng cinnamon stick sa tabi ko. "Chef Hayden bumalik ka na! Bago pa ako may magawa sa kaibigan mo!" Naiinis ko pang sambit. Wala ngayon si Chef Hayden nasa Japan ito. Para kausapin ang supplier doon. In deman

