Katatapos ko lang makipag usap sa ilang possible na maging supplier ng restaurant namin. Naisipan kong umupo sa labas ng convenient store. pinagmamasdan ko ang kapaligiran. Napakaganda talaga ng Japan. Gusto kong mag isip rin tungkol sa bagay na bumabagabag sa aking isipan. 0o mahal ko si Dior, una pa lang alam ko na agad na s'ya na ang babaeng gusto kong makasama. Handa na rin akong ligawan s'ya, madami na akong plano para sa amin dalawa. Si Dior ang dahilan kung bakit ako nagiging masaya. Everytime na nariyan s'ya panatag ako. Musika sa aking pandinig ang kanyang tawa. Kahit sa simpleng gesture n'ya natutuwa ako. Nangarap ako na kay Dior ko na mararanasan na magkaroon ng sariling pamilya na hindi ko naranasan noon. Lumaki ako sa mga taong umapon sa akin. Yes 'nong una masaya ako ramdam

