"Chef D, come to his office daw." kantiyaw pa nila sa akin nang makaalis si Kurt. "Naiinis na talaga ako ng sobra, bakit kailangan ko pang pumunta doon pwede naman n'yang sabihin kanina dito," mahinang sambit ko. "Chef D, masamang paghintayin 'yan si boss," susog naman ni Dehl sa akin. "Ayaw ko! Bakit ako aakyat! Madami akong trabaho dito!" Naiirita ko pang turan saka ako naglakad para umupo. "Chef D, malapit ko nang isipin may nakaraan kayo ni Boss Kurt, palagi mo kasi s'yang iniiwasan. Mga ses napapansin n'yo rin ba?" Tanong pa ni Leyana sa mga kasamahan nito. Tumayo naman sila lahat saka ako pinalibotan. Para ba akong suspect na iniimbestigan. "Dior Grace Solomon, umamin ka! May relasyon ba kayo ni Boss Kurt?" Tanong ni Emelda. "A-ano? Wala! Wala! Tigilan n'yo nga ako!" "Chef D,

