Nang makarating kami sa Hacienda nagmadali pang bumaba si Kurt para pagbuksan ako ng pinto "Thanks." walang gana ko pang sagot. Tuloy-tuloy pa akong pumasok sa loob ng mansyon narito halos lahat ng kakilala namin. Sinalubong pa ako ni Ate Jo. Na abala sa paghahain. "Dior! Ang ganda mo ngayon huh! Pero teka nakita ko 'yon," tukso pa n'ya sa akin. "Huh? Alin Ate Jo?" Inosenteng tanong ko pa. Kinurot pa ako ni Ate Jo sa tagiliran. "Sus! Umamin ka na Dior!" Pamimilit pa n'ya sa akin. "Hay naku Ate Jo! Nagugutom na ako. Kakain muna ako," "Umiiwas ka lang sa usapan! Mamaya ka sa akin. Sige na pumasok ka na doon." nakangiti pa na taboy sa akin. Nagpalinga linga ako sa paligid dahil nawala bigla si Kurt. "Dior..." masayang salubong ni Madam Adelaida sa akin. "Good evening, Madam Adel

