"What?" Sabay pa naming naibulalas ni Kurt nang sabihin ni Hayden na kaming dalawa ang pupunta sa bagong pinapatayong restaurant sa La Union bakit naman kami pa. Narito kami sa office ni Hayden may sasabihin daw s'yang importante. Simula ng bumalik si Hayden galing sa Japan parang pakiramdam ko iniiwasan na n'ya ako. Kinausap lang n'ya ako patungkol sa trabaho. Nang sabihin nito ang tungkol sa pagpunta ng La Union halos malaglag ang mga mata ko dahil sa gulat. Like what the? Magkasama kami ni Kurt malaking NO ito para sa akin. Baka mawala ang kalayaan ko at sa kulungan ang bagsak ko. Lalo na pag hindi ako nakapagtimpi sa Kurt na 'yon. "May problema ba Chef D? Kurt? Beside trabaho ang pupuntahan n'yo bakit ganyan ang mga reaction n'yo?" Tatawa tawa pang tanong ni Hayden. "Saka Kurt,

