"What's your plan bro?" Tanong ni Drake habang nag iinom kami sa bar ngayon.
"I, don't know bro," sagot ko dito sabay lagok ng alak.
"Pero bro, tama ang Abuela mo. Matagal nang panahon 'yon. Hanggang kailan mo balak hindi harapin si Dior?"
Hindi ako sumagot tumingin lang ako kanya.
"Pag isipan mo," patuloy pa ni Drake. Sunod sunod na lagok ng alak ang ginawa ko. Natawa naman si Drake.
"Take it easy bro, malaki ang ginawa mong sacrifice." sabay tapik sa balikat ko.
Tama si Drake hindi na dapat akong matakot. Kung magkita man kami ni Dior. Matagal 'yon isa pa, wala akong pinagsisisihan.
"Let me, think about it, hanggang kailan ka dito bro?" Tanong ko pa kay Drake.
"I'm, leaving tomorrow." tumango tango lang ako.
Maya maya pa may dalawang babae ang lumapit sa amin ni Drake. Nagkatinginan pa kaming dalawa.
Hinawakan pa ako sa balikat ng blonde na babae. Napailing na lang si Drake. Tinapik ko naman si Drake sa hita. Habang bumababa ang kamay ng babae mula sa balikat ko pababa sa dibdib. Agad lumapit si Drake sa tabi ko at biglang niyakap ang braso ko. Nagkatinginan pa ang dalawang babae saka umalis sa tabi namin. Tinulak ko si Drake palayo.
"What the f**k! Bro," mura ko pa habang natatawa lang ito.
"Bro, paalala lang baka mapudpod na ang tasa ng alarm c**k mo," tumatawang sabi pa nito. Maging ako natawa na lang din. Wala din ako sa mood magpa-change oil ngayon.
"Habang nasa sasakyan ako iniisip ko pa rin ang sinabi ni Drake. Handa na ba akong umuwi ng Pilipinas? Nang makarating sa condo sa mini bar ako, nagtuloy para uminom ulit nagsalin ako ng alak saka ko dinukot ang phone ko sa bulsa ng pantalon. Binuksan ko ang isang files na natago mga litrato lahat ni Dior ang laman nito. Debut at Graduation n'ya. Palihim ko s'yang tinatanaw sa malayo.
"Sir, naibigay ko na po," pagbabalita ng Delivery boy sa akin na s'yang inutasan ko na magdala ng bulaklak at lifesize Hello kitty kay Dior. Umuwi rin ako sa Pilipinas 'nong Graduation n'ya. Nang matapos kong panuorin ang pag akyat ni Dior ng stage umalis na rin ako pabalik ng LA. Hindi alam ni Daddy na nasa Pilipinas ako. Gustong gusto kong lapitan si Dior, pero natakot ako na baka pag initan ni Daddy si Dior. Napabuntong hininga pa ako ng maalala ko mga ito. Muli akong nagsalin ng alak hanggang sa mangalahati ang laman ng bote. Baka sakaling malinawan ako. Nagising ako kinabukasan sa tunog ng alarm ko sa may side table. Kahit masakit ang ulo ko dala ng hangover pilit kong bumangon para maligo.
"Good morning sir," bungad na bati ni Dale nang makarating ako sa company.
'Good morning, what is my schedule for today?" Tanong ko dito.
"Sir, 3:00pm meeting with Mr.Chairman and board.
6:00am your flight tomorrow sir,"
"Where?" Kunot noo ko pang tanong.
"Sir, you will attend a seminar in Singapore,"
"Oh! Yeah. I, almost forgot." palatak ko pa.
"Thanks," tipid kong sagot.
Abala ako sa pag rereview ng report hindi ko napansin ang oras.
Tok Tok Tok katok sa pintuan. Napatingin naman ako dito.
"Come in," utos ko pa.
"Sir meeting with Mr.Chairman," paalala ni Dale.
"Oh! shoot! Yes shall we,"
"Good afternoon, everyone," bati ko sa kanila.
"Have a sit." utos ni Daddy.
"We, know you will be the next CEO of this company. Sooner or later." panimula ni Mr. Ramirez nang balingan n'ya ako.
"But, we want you to prove your capability to run this company." segunda naman ni Mr. Cheng.
Nagtanguan naman ang ibang mga board.
"One of our branches in the Philippines have many problems facing right now. So we decided 1 month from now. We will send you there to fix the problem." sabi pa ni Daddy.
"Why? Me?" Tumaas pa ang boses ko.
Tinignan pa ako ng masama ni Daddy.
"Why not?" Susog pa ng iba.
"That's final." Tapos ni Daddy sa usapan.
Pagbalik ko ng office umupo ako sa swivel chair ko habang nagpapaikot ikot. Wala na akong takas See you Pilipinas sambit ko pa.
Muntik na akong ma-late kanina sa flight ko papunta ng Singapore. Kaya naman wala akong naintindihan sa seminar. Dahil sa antok ko.
Nang matapos ang seminar lumabas na ako. Naglakad lakad ako para
humanap ng coffee shop nang may makita ako agad akong pumasok dito. Hello kitty inspired ang theme ng coffee shop napangiti pa ako nang naalala ko bigla si Dior, favourite character n'ya kasi ito. Pumila na ako para mag order ng coffee. Nang mapatingin ako sa malapit na mesa nakita ko ang balat ng chocolate. Biglang kumabog ang dibdib ko. Hindi kaya..? Si Dior lang ang kilala kong kumakain ng chocolate while nagkakape. Hindi ko na ituloy ang pag-order ko sana. Agad akong tumakbo sa labas nagpaling linga ako sa paligid. Baka sakaling tama ang hinala ko na narito s'ya. Lakad takbo ang ginawa ko nang makarating ako sa park. Parang gustong sumabog ng puso ko sa galak. Nang makita ko ang isang babaeng mahaba ang buhok at nakasuot ng yellow summer dress na nakaupo. Hindi ako pwedeng magkamali si Dior, nga tandang tanda ko pa ang mala anghel nitong mukha. Parang walang pinagbago pa rin maliban sa mas matangkad na ito ngayon . Pinagmasdan ko lang s'ya sa di kalayuan. Katulad ng ginagawa ko noon. Wala akong lakas ng loob para lapitan s'ya.
"Mahal pa rin kita hanggang ngayon. Hindi nagbago ang nararamdaman ko para sa'yo," mahinang sambit ko pa. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha sa aking mata habang nakatingin lang sa kanya. Nakita ko pa s'ya ng tumayo na hinayaan ko lang s'ya maglakad papalayo. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong magpakita sa kanya. Hanggang sa mawala s'ya sa paningin ko.
"Dior..." parang may nag udyok na sundan ko s'ya kaya naman kaagad akong tumakbo para sundan s'ya pero hindi ko na s'ya nakita nang pumasok ako sa loob ng train station. Nagpalinga linga ako sa paligid. "Dior..."mahinang sambit ko . Lumabas ako na bagsak ang balikat at may panghihinayang.
Buo na ang desisyon ko uuwi na ako ng Pilipinas handa ko nang harapin ang lahat.
"I will win her back no matter what." sambit ko pa.