"Dior. I will miss you," naiiyak pang sambit ni Ms Mad. Nang ihatid n'ya ako sa airport. "Kung may kailangan ka. Don't hesitate na tawagan ako okay? Dior, hold on may mga reason ang lahat ng bagay remember that,"
Ngumiti ako kay Ms. Mad at niyakap ko s'ya.
"I, will miss you too. Natatandaan ko po yan. Ms. Mad, mag iingat ka po palagi dito,"
"Sure. I will."
"Ms. Mad, tawag na ako ng eroplano." biro ko pa dito. "Soon magkikita pa tayo Ms. Mad, saka medyo bawasan mo ang pagiging beast mo," sabay tawa ko ng malakas. Parang bata naman na sumimangot si Ms. Mad sa tinuran ko.
Naglakad na ako papasok habang kumakaway pa ako kay Ms. Mad. Hays ito na 'yon. Salamat Singapore hanggang sa muli natin pagkikita. Habang naglalakad papasok iniisip ko pa rin ang nakita ko kahapon pero impossible na si Kurt 'yon. Baka namalikmata lang ako kumbinsi ko pa sa sarili. Hanggang sa makasakay ako sa loob nasa isip ko pa rin ang nakita ko kahapon. Pilit kong winawaglit sa isip ko. Pinilig ko pa ang ulo ko sa pag aakala na maaalis ito sa isipan ko. Bigla akong napatanong sa sarili. Paano kung magkita kaming muli ni Kurt? Paano ko sya haharapin? Matagal na nga siguro ang panahon na lumipas pero ang sakit na iniwan n'ya narito pa rin. Kinapa ko pa ang dibdib ko. Masakit na iniwan ka sa ere ng tao pa na labis mong pinagkatiwalaan. Siguro nga madali magpatawad pero mahirap makalimot. Hindi naman siguro mahirap na sabihin n'ya na ayaw n'ya na sa akin. Araw-araw akong umaasa 'non na kahit isang chat man lang na galing sa kanya na magpapaliwanag s'ya. Pero wala akong natanggap.
Nagising ako nasa Manila na ang eroplano inayos ko ang sarili ko. Kinuha ko ang bag sa taas at sumunod na sa mga taong naglalakad palabas para kuhanin ang mga bagahe nila.
Ang saya ko finally nakauwi na ako na miss ko na talaga si Nanay at Tatay. Si Janice ang susundo sa akin dahil si Kevs mamaya pang gabi ang flight n'ya pabalik ng Pinas. Naglakad ako palabas para hanapin ang sundo ko agad ko naman nakita si Janice na may pa tarpaulin pa talaga.
Nang makita ako nito tumakbo pa ito para salubungin ako ng yakap.
"Friendship..." sigaw n'ya pa.
Nang makalapit pa ito sa akin niyakap n'ya ako nang mahigpit para kaming bata na nagtatalon dahil sa tuwa.
"Friendship, kamusta ka na? Miss na miss kita,"
Kumulas ako ng yakap dito nang mapansin kong nakaharang kami sa daan agad ko hinila si Janice.
"Tara 'don tayo," yaya ko pa sa kanya.
"Janice kamusta ka? Bakit pati eyebag mo yata kumakaway?" Buska ko pa sa kanya.
"Hay naku! Friendship, kung alam ko lang ganito kahirap maging isang ganap na Nurse. Sana naging pasyente na lang ako," nakasimangot pa nitong reklamo.
"Gaga ka talaga, puro ka kalokohan." Inismiran ko pa s'ya.
"Tara na! Gusto ko nang makita sina Nanay. Saka kami naglakad palabas. Habang hila ko ang maleta ko.
"Friendship, anong pasalubong mo sa akin? Tanong pa ni Janice sa akin.
"Madami Janice,"
Namilog naman ang mata ni Janice sa sinabi ko.
"Talaga friendship?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
"Oo. Janice, isang linggo kasi akong hindi naglaba ng damit." nakangisi ko pang sagot dito.
"Aray." reklamo ko pa ng batukan ako ni Janice.
"Paasa ka, kasi hmmp!"
"Syempre may pasalubong ako sayo. Ikaw pa Janice, makalimutan ko," nakangiti ko pang sambit.
Nang makarating kami sa sasakyan. Agad akong pumasok sa loob.
"Surprise!" Sigaw ng tao sa loob ng sasakyan.
"Nay! Tatay!"
Bigla naman akong umiyak. Dahil sa gulat at saya.
"Anak! Na-miss ka namin," umiiyak na rin si Nanay.
Nagyakapan pa kaming tatlo. Sila ang balak ko sanang I- surprise. Pero ako ang nagulat nila.
"T-tatay, kamusta na po kayo? Miss na miss ko kayo ni Nanay," umiiyak ko pang sabi.
"Tahan na Anak, masayang masaya ako narito ka na." sambit pa ni Tatay habang hinahaplos pa ang ulo ko.
"B-bakit si N-nanay hindi mo ba na-miss?" Umiiyak pang tanong nito sa akin.
Nagkatawanan pa kami ni Tatay. Halata kasing nagtatampo ito.
"Sobra kitang na- miss Nay," mas niyakap ko pa s'ya lalo.
Nang balingan ko si Janice umiiyak din ito.
"Hoy! Janice hindi ka kabilang sa pamilya namin. Wag kang maarte d'yan,"
"Friendship, ang bigat kasi nang maleta mo, ayaw mong tumabi hindi ko mailagay sa loob."
"Bweset ka akala ko naman natutuwa ka sa pamilya namin,"
"Alis na po tayo Kuya Boy," sabi pa ni Janice sa driver.
Nang makarating sa bahay sa kwarto ako nagtuloy. Na-miss ko ang kwarto ko s'yempre saka si Kathy ang malaking Hello kitty stuff toy ko.
"Kinuha ko ito at niyakap. "Miss na miss kita Kathy alam mo ba yon? Nalungkot ka ba dito?" Kausap ko pa rito na akala mo ay isa s'yang bata na sasagot sa akin.
I'm home parang n'gayon ko naramdaman ang matinding pagod hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.
Nagising ako sa mahinang katok sa pintuan. Nagmulat ako ng mata at nag inat inat pa. Bago naglakad papunta ng pinto para pagbuksan ang nakatok.
"Dior, kumain ka muna anak, alam kong gutom ka na." bungad sa akin ni Nanay.
"Sige po Nay, susunod na po ako,"
Tumango lang si Nanay at naglakad na pababa.
"Kain na Dior," alok ni Tatay sa akin ng makababa na ako.
"Sige po."
"Anak, kamusta ang Singapore? Maganda ba?" Tanong ni Nanay habang nagsasandok ito ng adobong manok.
" Opo Nay, maganda at malinis pa."
"Kamusta naman ang mga Chef na nakasalamuha mo Anak?" si Tatay naman ang nagtanong sa akin.
"Mabuti naman po. Saka Tatay Pinay ang head Chef namin 'don mabait po si Ms. Mad.
"Alam mo Nay, parang nakita ko na s'ya dati." Kumunot naman ang noo nito.
"Impossible naman yata 'yon Anak, baka may kamukha lang." sabi pa ni Nanay.
Nang matapos ang hapunan nag ayos na ako Ng sarili para maghanda sa pagtulog plano ko sanang mag apply bukas ng trabaho. Nabanggit ni Janice na may nakita s'yang restaurant sa bayan na bubuksan pa lang nangangailangan sila ng Chef. Kaya nagdesisyon kami ni Kevs mag apply sa GRACE. Sana matanggap kami.