PANGHIHINAYANG

1041 Words
"Adik ka ba?" Nakangising tanong nito ng makababa kami ng sasakyan. May pangit ngiti ka pa d'yan habang tulog malala ka na Dior," pang aasar pa nito. "Anong paki mo!" singal ko binigyan ko pa s'ya nang nakakamatay na irap para lang ma pagtakpan ang pagkapahiya ko dito. "Woohh..! relax lalo kang pumapangit" pang aasar pa nito at ngumiti pa ng ubod ng tamis. Sino ba naman hindi kikiligin ang alak alakan pag ganitong mukha ang haharap sayo kaya naiinis ako pag may bagong mga Studyante na nag papansin sa mokong na 'to. Halos lahat ata ng Studyante dito may crush kay Kurt,paano ba naman gwapo, matalino, mayaman, at mabait pa nasa kanya na ang lahat. "Tara na" untag nito sa'kin "H-ha?" gulat ko pang tanong dito. Gusto ko nang i untog ang sarili ko dahil sa lintek na panaginip na yun nagulo na ang buong sistema ko. Pag pasok pa lang namin sa Gate ng School nag aabang na agad ang mga grupo ng mga kababaihan na patay na patay sa herodes na Kurt. "Babyyyyy!!!! Kurt,!!! "sigaw ng mga ito. Sarap mga bigwasan talaga bulong ko sa isip hindi ko hindi ko maiwasan di tumaas ang kilay. "Nakataas na naman ang kilay mo, masanay ka na na may gwapo kang Bestfriend "sambit nito " Really ? saang banda naman kaya yon?". " Dito oh" sabay lapit ng mukha nito sa mukha ko. "P-pede ba lumayo ka "sabay tulak ko dito. "Bro" sigaw ng kaibigan ni Kurt. Sabay pa kaming napalingon dito. Nang makalapit nag fist bump pa ang dalawa. "Hi Dior" bati nito sa 'kin. "Hi Drake" ganting bati ko. "Bro nag papatawag ng meeting si Coach". " Daan muna daw tayo bago mag start ang class". " Sige Bro" sagot ni Kurt. "Dior, mauna ka na sa room punta lang muna kami kay Coach," baling nito sa 'kin. "DIOR!," tawag ni Janice,patakbo pang lumapit ito sa 'min. "Na miss kita Friendship, alam mo ba 'yon?" umarte pa itong kunwareng nag papahid ng luha. "Janice, tantanan mo ako sa kalokahan mo, today wag ngayon baka saktan kita." mahinang wika ko dito. "Ito naman hindi na mabiro" lumapit pa itong bahagya para may ibulong sa'kin. " Sige sasabihin ko kay Kurt,na crush mo sya" . Pinandilatan ko sya sabay hila dito. " I miss you more Friendship," madamdamin ko pang arte. Napapa iling na lang ang dalawang lalaki sa gilid namin. "Hi Kurt" bati ni Janice. "Buti naman napansin mo ako" palagi na lang si Dior,"kunwareng nag tatampo pang sagot ni Kurt. "Wag Kang maarte d'yan" sabad ko sa usapan nila ni Janice. Bumaling naman si Janice sa kaibigan ni Kurt na ultimate crush nito. "Hi Drake endyen ke pele ehehe kemeste kene?" Pag papa cute ni Janice, na akala mo na engkanto ang boses. Inipit pa ang buhok sa gilid ng tenga nito. Gusto Kong sabunutan ang kaibigan ko sa pag iinarte nito. Habang si Drake,naman hindi man Lang sinulyapan si Janice. " Una na kami," Paalam ko sa dalawa sabay hila kay Janice, na titig na titig kay drake. Kababata namin si Janice, katulad ko mahirap Lang din ang pamilya nito.Kaya nag susumikap din syang makatapos para makatulong sa Nanay, nya pareho kaming iskolar sa paaralan na pinapasukan namin. " Ano ba friendship basag trip ka talaga" reklamo nito nang makalayo na kami. "Janice, mahiya ka nga sa mga inaasta mo isusumbong kita sa Nanay mo," Banta ko pa dito. "Friendship,umamin ka nga sa akin pangit ba ako? bakit hindi ako mapansin ni Drake?" tanong nito sa'kin. Natawa pa ako sa tanong nito. " Basta tandaan mo Janice, mabait ka" pang aasar ko dito. "Hahaha Funny Friendship" sarcastic nitong turan. "Tara na nga hila nito sa 'kin. Malapit na kami sa room namin ng biglang napatigil si Janice, kinalabit pa ako nito. "Bakit?" "Friendship,ang mga mang kukulam nakaharang" tukoy nya sa grupo ng mga kababaihan na schoolmates namin na kulang sa aruga. " Hey beggars" Maarteng turan ng pinaka lider ng mga ito At nagtawanan pa ang mga alipores nito. "Friendship,wag tayong papatalo" bulong ni Janice, sa'kin. "Pwede ba wag ngayon tabi d'yan" Naiirita kong turan pag ganitong nabitin ang panaginip ko. " Tara na! Janice". Hinarangan pa lalo nila ang dadaanan namin at sabay- sabay na nagtawanan. ." No! No! No!."sabay sabay na bigkas ng mga ito. Hindi ko na napigil ang sarili ko dahil sa iritasyon isa isa kong nilapitan ang tatlo at tinanong ang mga pangalan nito. "Ikaw anong pangalan mo?" Tanong ko sa babaeng pulang pula ang nguso. "Fiona" maarteng sagot nito. " Mas kamukha mo si Shrek" walang kabuhay buhay na sagot ko dito. Hindi maipinta ang naging reaction nito sabay lapit sa mga kasamahan nito. "Ikaw anong pangalan mo?" Tanong ko sa katabi nito na puting-puti ang mukha. " Princess" confident pang sagot nito kala mo kinaganda nya 'yon " Mas mukha kang kawal" pang iinis ko dito halos mamula ang mukha nito sa pagka pahiya. Tatawa tawa naman sa gilid si Janice. Nang balingan ko ang pinaka lider ng mga ito. "Ikaw anong pangalan mo?" inis na tanong ko. Nagtaas muna ng kilay ito bago sumagot. "Jasmine" pabebe pa itong sagot. "Mas mukha kang carpet" sagot ko dito sabay pang nagtawanan ang dalawa nyang alipores. Na agad naman nitong pinandilatan. Bumanghalit ng tawa si Janice. " Go! Friendship" cheer pa nito sakin. " Ano"? Tatabi kayo o itutulak ko kayo?" untag ko sa mga ito. " Tara na Girls! may araw ka din sa 'min banta pa ng lider ng mga ito sabay takbo paalis. "Anong petsa? Para mapaghandaan ko" habol ko pang tanong sa mga ito. " Janice,ano tawang tawa? tanong ko dito nang balingan ko s'ya halos mamatay sa kakatawa habang nakahawak pa sa tyan nito. "Friendship, ikaw na talaga " maluha luha pa ito sa labis na pag tawa. " Iba talaga ang taong nabitin sa panaginip " dagdag pa nito. Agad ko naman itong pinandilat ng mata. "Napaka daldal mo talaga Janice, tumigil ka nga dyan may makarinig sayo" saway ko dito. Nag peace sign pa ito a kanya bago sya hinila papasok ng classroom. Napangiwi pa ako nang bigla kong maalala ang bitin na panaginip ko, konti na Lang sana hindi pa napagbigyan buong panghihinayang kong sambit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD