Sunod-sunod at malalakas na katok sa pinto ang narinig ko mula sa labas ng aking kwarto. Bakit ba ang aga nilang gisingin ako ?
"Kurt! Kurt! Gising na tanghali na, anak!"
tawag ni Nanay Ingrid ang nakapagpagising sa akin ng tuluyan pero tinatamad pa akong bumangon.
Kaya naman nagtakip muli ako ng unan sa mukha upang matulog.
Hays kung wala lang talagang exam ngayon hindi ako papasok sa school.
May usapan kami ng bestfriend ko na maaga kaming papasok ngayong araw para na rin makapag-review sa exam mamaya, last exam na namin ito.
Napakabilis lang talaga ng panahon parang kailan lang ng iwanan ako ni Dad dito. At simula noon ay madalang na kung dumalaw siya rito.
Simula din nang makilala ko si Dior, naging mag-bestfriend na kami. Kahit pa madalas kaming magbangayan. Dahil nag-eenjoy akong asarin siya dahil napaka-cute niya kapag galit.
Simula rin nang umuwi ako rito sa Pinas ay siya na ang naging kalaro at kakampi ko. Dahil din sa kanya ay naging okay rin ako. Mabait naman si Dior noon pero ngayon ay masungit na.
Nahirapan akong mag-adjust pagdating ko dito. May mga times pa na umiiyak ako dahil sa pangungulila ko kay Mommy kahit pa kasama ko si Abuela, hindi pa rin ito naging sapat sa akin.
Wala na din akong naging balita about kay Mom, unti-unting nasanay na ako na wala na siya. Baka hindi niya ako mahal kaya niya ako iniwan.
Palagi kung pinagbubuti ang pag-aaral upang may dahilan si Dad na umuwi rito. At sya mismo ang magsabit sa akin ng medal. Pero kahit kailan hindi nangyari 'yon. Wala siyang pakialam sa akin.
Bigla akong napabalikwas nang bangon nang maalala ko ang usapan namin ni Dior. Kaya naman kahit inaantok pa ako ay wala akong choice kundi bumangon.
Kaagad akong nagderetso sa shower room upang maligo at paniguradong uusok na naman sa galit si Dior kapag na-late kaming dalawa.
Nang makapagbihis ng school uniform, makapag-ayos ay kinuha ko ang bag ko. Pababa na sana ako nang makita ko si Dior na kausap ni Lola habang may hawak-hawak na tubig natawa ako sa isip ko dahil alam ko ang balak ng amazona na ito sa akin.
Kaya naman dali-dali akong bumalik sa kwarto ko para ayusin ang kama ko. Kinorteng tao ko itong tila tulog.Mqy naisip kasi akong kalokohan sa kanya.
Pumasok ako sa katabing kwarto para kunin ang maskara na aswang na madalas kong ipanakot kay Dior nang mga bata pa kami, nagkubli ako habang inaantay ko siyang makapasok ng kwarto ko.
At nang makapasok na nga siya ay dahan-dahan akong lumabas sa pinagtataguan ko. At sinilip si Dior sa loob ng kwarto, nailapag na nya ang baso sa center table habanh nakatalikod. Paghila niya ng blanket ay ito na ang pagkakataon ko para gulatin siya. Naglakad ako palapit sa kanya at inaantay ko siyang humarap sa akin.
At halos mabingi nga ako sa lakas ng sigaw niya dahil sa labis na gulat. Pinaghandaan ko yata ang ganti ng api. Saka instant talaga ang karma dahil imbes na may gagawing masama si Dior sa akin ay mas naunahan ko siya.
Halos mamamatay ako sa kakatawa sa naging reaction ni Dio. Hindi ko namalayan ang gagawin niya sa akin kaya hindi na ako nakaiwas pa.
"A-aray!" sigaw ko dito habang pinipingot niya ang tenga ko.
"T-tama! n-na! Dior, pleaseeee!" pakiusap ko sa kanya.
"Ano uulit ka pa?" tanong n'ya sa akin.
"Oo, este hindi na mauulit, sss este best friend." Natatawa ko pang sagot sa kanya kahit pa nasasaktan ako.
"Sa susunod tanggalin ko na 'yang tenga mo, maliwanag ba?!" singhal nito sa akin.
"Ang sakit 'non, amazona ka ba, Dior?" Habang hinihimas ko ang nasaktan kong tenga mula sa pingot niya.
"Bilisan mo, tara na ang bagal mong kumilos!" naiinis pa nyang sambit.
"Opo, Amazona, Dior," nakangising sagot ko.
Aambahan pa sana ako nito ng nang suntok pero bigla akong tumakbo pababa.
"Good morning, Abuela."Sabay halik sa pisngi niya.
"Good morning, my handsome apo. Nag- aaway na naman ba kayo ni Dior? tanong niya pa sa akin.
"Naku! Abuela,hindi po. Magkasundo po kaming dalawa," nakangisi kong sagot.
Nang makalapit si Dior ay agad ko s'yang inakbayan.
"Di ba best friend hindi tayo nag aaway?" ngumiti pa ako nang nakakaloko sa kanya.
"Opo, h-hindi po kami nag-aaway, Madam,"sagot niya. Plastic talaga ang maganda kong best friend
"Ikaw talaga Kurt, best friend, napakacute mo," sabay hawak sa pisngi ko at pinang gigilan pa.
"A-aray!" mahina kong daing dito.
Pinandilatan lang ako ng mata nito.
"Oh, s'ya Kurt, mag breakfast ka na Apo baka ma late na kayong dalawa" taboy ni Abuela sa Amin dalawa.
" Abuela, sa school na lang po."
"Dior, tara na!" tawag ko sa kanya.
"Taba kasi kaya ang bagal," mahinang bulong ko pa. At ang buong akala ko hindi nya narinig pero matalas talaga ang kanyang pandinig.
Pipingutin pa sana ako niya nang bigla akong sumigaw.
"Abuela---"sinadya kong lakasan ang boses ko at napatigil siya bigla at pinandilat ako ng mata.
" Madam Adelaida," aalis na po kami paalam ni Dior kay Abuela.
"Go ahead." Nakangiting kumaway pa ito.
"See you later, Abuela," paalam ko.
Habang naglalakad kami palabas ay hindi pa rin ako nakaligtas sa pinong kurot ni amazona sa akin.
"Sa susunod hindi na kita dadaan dito!" singal nya sakin.
" Opo, best friend." Sabay kindat ko pa sa kanya.
" Ewww, ka, Kurt." Umasta pang nasusuka siya dahil sa pagkindat ko sa kanya.
"Pangit mo, Dior, wag kang maarte," buska ko sa kanya. Na mas lalong kinanuot ng kanyang kilay.
"Good morning, Sir Kurt," nakangiting bati ni Kuya Danny.
"Good morning, din po," ganting bati namin ni Dior sa kanya.
"Sir, aalis na ba tayo?" tanong niya pa sa akin.
"Yes, po, Kuya Danny," nakangiting sagot ko pa.
"Dior sakay na." At tinulak ko siya papasok ng sasakyan. Saka ako sumunod.
"Kung makatulak ka sa akin ay daig ko ang lalaki!" reklamo niya pa.
"Tulak ng pagmamahal ang tawag doon," palusot ko pa.
"Tse!" sabay irap sa akin.
"Dior, ang cute mo pala kapag nakasuot ka ng uniform. Mukha kang tao, in fairness, " Tumawa pa ako nang malakas.
"Pwede ba, Kurt Jimenez, tantanan mo ako?" napipikon na singhal niya pa sa akin.
"Late ka na nga, ang bagal mo pa. Sa susunod talaga ay bahala ka na. Palagi ka kasing nagpupuyat," kunot-noo pa nitong sermon sa akin.
"Bakit kasi---"
Hindi ko na siya pinatapo sa iba pa nyang gustong sabihin sana.
"Dior ano yon?" Sabay turo ko sa labas ng bintana.
"Saan?" tanong niya pa sabay tingin bigla sa labas kung saan ang tinuro ko.
Pero mabilis kong ipinatong ang ulo ko sa balikat niya.
"Ang ingay mo, inaantok pa ako. Wag kang magulo dyan, bata," naka pikit ko saway sa kanya.
Wala siyang nagawa kaya hinayaan na lang niya ako sa gusto ko.
Samantalang napatawa na lang si Kuya Danny sa pag-aaway namin ni Dior. Sanay na ata ang mga tao na nakakakilala sa amin.
Pero parang mas nauna pang nakatulog si Dior kesa sa akin. Naramdaman ko na lang na bumigat ang balikat ko. At nang silipin ko siya ay tulog nga habang nakangiti pa. Ang cute niya pala kapag tulog, sana palagi na lang siyang tulog.
"Gusto rin kita..." nagulat ako nang bigla siyang magsalita at sakto naman na dumating na kami sa tapat ng school namin.
"Dior! Dior! Dior! Gising nasa school na tayo," sunod-sunod ko lang tawag sa kanya.
Agad naman siyang naalimpungatan at dahan-dahan nagmulat ng mga mata.
"H-ha?" inaantok pa nitong tanong sa akin.
"Sabi ko ay gumising ka na at nasa school na tayo," nakangiti kong sagot sa kanya.
Mukhang nakatulog ang bestfriend ko at kung anu-anong naiisip. Pero sino kaya ang gusto niya?
"Nakakatakot ka, Dior. May sapi ka ba? Tulo pa ang laway mo," biro ko pa.
Kaagad naman niyang pinunasan ang gilid ng labi kahit hindi naman talaga totoo ang sinabi ko. Inaasar ko lang siya.
"Nakatulog pala ako, akala ko totoo na," sambit niya pa.
Anong totoo? Anong sinasabi mo dyan?" usisa ko pa.
"Wala. Napanaginip ko lang na naging halimaw ka raw! Tara na nga!" masungit niyang yaya pa sa akin.
"Aminin mo na napanaginipan mo ang kagwapuhan ko," pang-iinis ko pa sa kanya.
Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya pero hindi mo maintindihan kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso ko habang nakatitig kami sa isa't-isa.
Totoo nga siguro ang nararamdaman ko para sa bestfriend ko.