Maaga pa lang ay papunta na ako sa mansyon ng ng mga Jimenez. Ngayon araw ang final exam namin at sabay kaming papasok school ngayon ni Kurt.
Ang bilis ng panahon dahil huling taon na namin sa highschool ni Kurt. Parang kailan lang ay nasa grade school pa lang kami.
Nag-aaral ako sa magandang paaralan dahil isa ako sa napili na maging scholar ng foundation na pagmamay-ari ng mga Jimenez.
Magkaklase din kami ni Kurt pa rin kami hanggang ngayon. Medyo matalino rin naman ang kaibigan ko kahit pasaway.
Parang kailan lang una kaming magkakilala ni Kurt umiiyak pa ako noon dahil sa patay na paro-paro. Simula noon naging malapit na kami sa isa't-isa. Sya ang naging kalaro ko at matalik na kaibigan bukod kay Janice.
Nang dumating si Kurt dito noon ay madalas ko siyang nakikita na umiiyak.
Dahil sa pangungulila sa pamilya niya lalo na sa Mommy nya. Maging Daddy nito madalang kong dumalaw sa Pilipinas kaya si Madam Adelaida lang ang kasama niya.
Pero ngayon ay okay na siguro siya.
Nang malapit na ako sa mansyon ay napansin ko ang isang babae na tila ba may inaabangan ito. Nang mapansin ako nito ay kaagad itong sumakay ng kotse at umalis.
"Sino kaya yon?" tanong ko sa sarili.
Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
"Good morning, Tatay Ben!" bati ko sa gwardiya ng mga Jimenez.
"Good morning, Dior," ganting bati din nito sa akin.
"Maaga ka yata ngayon, anak? Tuloy ka," sambit nito at binuksan nito ang gate.
"Salamat, Tatay Ben. Opo may pagsusulit po kasi kami ngayon. Sabay po kaming papasok ni Kurt," paliwanag ko pa sa matanda.
"Good luck, mga anak!"
"Salamat po. Sige po, maiwan ko na po kayo. Pasok na po ako loob," paalam ko pa.
At naglakad na ako papasok sa loob.
Hindi ko talaga maiwasan na hindi humanga sa mala-palasyong mansyon nila. Napakaraming ibat-ibang uri ng bulaklak at maging mga halaman.
Maging ang Fountain niya ay agaw atensyon din sa aking paningin. " Siguro ay masarap siguro manirahan dito?" tanong ko sa sarili.
Nagmamadali na akong pumasok sa kusina. At baka ma-late na kami.
"Good morning, everybody! Narito na ang pinakamagandang anak ng Kusinera!" bati ko sa mga tao sa kusina. Naabutan ko pa silang nag-aagahan.
"Dior, saluhan mo na kami. Halika!" anyaya ni ate Jo sa akin.
"Salamat ate Jo, tapos na," nakangiti kong sagot sa kanya.
"Sabay ba kayong papasok ni Sir Kurt?" tanong naman ni Ate Lyn.
"Opo, gising na po ba siya?" tanong ko pa.
"Naku! Anak, tulog pa din, kanina ko pang ginigising ang bata na 'yon. Ayaw bumangon." Napapa-iling na turan ni Manang Ingrid.
Hindi ko tuloy maiwasan kumunot ang aking noo Humanda ka talaga sa akin! Palagi mo na lang akong pinapahirapan!
May usapan kaming maaga papasok ngayon. Grrrrr!! Gusto ko na siyang sakalin sa isip ko pa.
"Manang Ingrid, pwede po ba akong humingi ng malamig na tubig?"
"Oo, naman sige, anak kumuha ka na lang sa cabinet ng baso. Nauhaw ka siguro sa pagtakbo. Ikaw na bata ka talaga." Napapa-iling na turan niya.
Naglakad na ako papunta sa cabinet upang kumuha ng baso at nagderetso ako sa katabi nitong water dispenser.
"Hindi po ako nauuhaw, Manang, may gigisingin lang po ako," nakangisi kong sagot sa kanya.
Habang inaantay ko na mapuno ng tubig ang baso na hawak ko ay naisip ko na ang gagawin ko sa aking mahal na kaibigan.
Lagot ka a akin lalaki ka! Pati kaluluwa mo ay magigising sa gagawin ko!
"Sige na, gisingin mo na si sleeping handsome. Baka ma late na kayo sa klase." Natatawang taboy ni Ate Lyn sa akin habang nagpatuloy ito sa pagsubo.
"Akyat po muna ako," paalam ko sa kanila.
Sanay na sanay na sila sa ganitong eksena namin ni Kurt. Maging si Madam Adelaida ay natatawa na lang sa aming dalawa ni Kurt. Madalas kasi kaming mag-away at magpikunan ni Kurt. Kaya hindi na bago ito sa kanila.
Naglalakad na ako patungo sa kwarto ni Kurt nang madaan ko si Madam Adelaida sa may salas at abala sa pag-aayos ng mga bulaklak, lumapit ako sa kanya para batiin siya.
"Good morning po, Madam Adelaida," nakangiti kong bati sa kanya.
Habang abala pa rin siya sa pag-aayos ng bulaklak.
Agad naman nag-angat ng tingin ang matanda at ngumiti ng ubod ng tamis sa akin.
Wala pa din pinagbago sa itsura niya maliban sa puting buhok. Hindi nabawasan ang angking ganda niya kahit may edad na siya. Napaka-elegante niyang tingnan sa suot nitong yellow summer dress. Kahit pa nga ubod ng yaman niya ay hindi matapobre. At higit sa lahat ay may puso. Ganyan ang pagkakakilala ko sa Lola ni Kurt. Kaya naman mahal na mahal siya ng mga tao dito sa aming lugar.
"Good morning, Hija.Sabay ba kayong papasok ni Kurt?" tanong nito sa akin.
"Opo," nahihiya kong pang sagot.
"Tingnan mo nga naman, napakabilis talaga ng panahon. Ang laki mo na saka napakagandang bata pa " nakangiting sambit niya pa.
:Salamat po. Kayo rin po ay maganda pa rin," puri ko pa.
"Sige na, gisingin mo na ang apo ko, Hija," turan niya.
"Sige po, Madam Adelaida, aakyat na po ako," magalang kong paalam.
Habang binabagtas ko ang hagdanan paakyat. May masamang balak na ako para kay Kurt. Kaya naman abot-langit ang tuwa ko.
Pagtapat ako sa pinto ng kwarto ni Kurt ay dahan-dahan ko na pinihit ang seradura nito. At tumambad sa akin ang nakatalakbong pa nitong katawan sa kama.
"Aba! talagang ayaw mong gumising ha!" bulong ko sa sarili binababa ko muna ang tubig na dala ko sa may side table. Dahan-dahan akong lumapit sa kama para hilahin ang kumot nito.Paghila ko ng kumot ay walang Kurt akong nakita kundi unan na kinorteng kunwaring tao lang.
Ginigigil mo talaga ako Kurt!" naiinis kong sambit.Pagpihit ko ay halos tumilapon ang puso ko sa kabilang baryo dahil sa gulat dahil sa nakita kong aswang sa harapan ko.
"Waaaaaaaaahhhhhh!" Malakas kong sigaw.
Nang alisin nito ang maskara ay kitang -kita ko na halos mamamatay sa kakatawa ang walanghiyang si Kurt. At habang nakahawak pa sa tiyan nito.
Nang makabawi ako sa pagkakagulat ko ay piningot ang tenga niya.
Na ikinagulat naman nito kaya hindi na siya nakaiwas pa sa kamay ko.
"Sabi ko sayo, wag na wag mo akong gugulatin!"Pinanliitan ko pa ito ng mga mata.
"A-arayy!" Sigaw niya pa habang pinipingot ko pa rin siya sa tenga.
"T-tama! n-na! Dior!" pakiusap niya pa.
"Ano uulit ka pa?" tanong ko sa kanya.
"Oo, este hindi na mauulit amazona este best friend," sagot nito sa akin.
"Sa susunod tanggalin ko na 'yang tenga mo maliwanag ba?" Sabay tanggal ng kamay ko.
"Ang sakit ng tenga ko. Amazona ka ba, Dior ?" tanong niya sa akin. Habang hinihimas, ang nasaktan nitong tenga.
"Gusto mo ba ay dagdagan ko pa 'yan?" matapang kong tanong.
"Sige, isusumbong kita kay, Abuela," pananakot pa niya sa akin.
"Tara na! Ang bagal mong kumilos." naiinis ko pang sambit
"Opo! Amazona Dior," nakangising sagot pa nito sa akin. Saka mabilis na tumakbo pababa.
Napahawak na lang ako sa ulo ko sabay hilot ko dito. Hay maaga akong tatanda sayo.
"Iba ka talaga Kurt Jimenez!" na ibulalas ko sa kawalan.