Abala sa buong kusina ngayon dahil weekend maraming kumakain. Sunod-sunod na order ang maririnig sa loob ng kusina.
"Steamed mussels and chorizo!"
"Cauliflower balognese!"
"Creamy Carbonara!"
"Panacota!"
"Clam toast with pancetta!"
"Pumpkin soup!" Sigaw namin. Sabay lapag sa counter para kuhanin ng waiter at i-serve ito sa customers. Ganito ang araw-araw na scenario sa loob ng kusina. Luto, serve, paulit ulit man ito para sa iba. Pero sa aming mga Chef ito ang pinakamasarap na pakiramdaman.
Nang matapos ang lahat sa kani-kanilang trabaho nagpahinga muna kami. Lumapit pa si Chef Hayden sa akin.
"Tired? Chef D," tanong nito sa akin habang abala ako sa pagmamasahe ng kamay ko. Nagulat pa ako ng magsalita ito. Kita ko naman sa gilid ng mata ko ang ngisi ng mga kasamahan kong Marites.
"Hindi naman Chef Hayden, okay lang ako,"
Tumango lang ito sa akin. Saka muling nagsalita. "Thank you, everyone for today. We did a great job!" Sambit pa nito. Hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa kanya. Palagi n'ya itong sinasabi bago mag uwian ang lahat. Ramdam ko napaka -genuine n'yang tao.
"Wala 'yon Chef," iisa lang namin na sagot.
Maya- maya pa nag-aayos na ang lahat para sa pagsasara ng restaurant.
10:00 pm ang closing nito pag weekend. At kung weekdays naman ay 9:00 pm. Masasabi ko talagang pumatok ang GRACE kahit bago pa lang ito. Talaga naman binabalikan ng mga tao ang mga pagkain dito.
"Chef D.." tawag ni Hayden sa akin
"Yes, Chef Hayden?" Tanong ko sa kanya.
"Hayden, na lang wala na naman tayo sa kusina." nakangiti pa nitong saad. Natawa pa ako ng mahina.
"Chef D, pwede ba kitang ihatid?" Nahihiya n'ya pang tanong sa akin. Dahil sa sinabi nito narinig ko pa ang impit na tili ng mga Marites.
"Huh? Ano kamo?" Ulit kong tanong sa sinabi nito. Napakamot pa ito sa batok. Tila nahihiya pang ulitin ang sinabi n'ya sa akin.
"Kung pwede ka daw n'yang ihatid ?" Sigaw pa ni MD. Humalakhak pa ng mahina si Hayden. Saka napailing pa ito.
"Yes Chef D, gusto sana kitang ihatid, pati sila," sabay baling nito sa mga kasamahan ko.
"Chef Hayden, wag na susundiin kasi ako ng ML ko," kinilig pang sabi ni Emelda.
"Ayonnn! Malakas nilang kantyaw.
"May nanalo na naman, si Emelda," buska pa ni Leyana.
"Chef Hayden, si Dior na lang ihatid mo," kinilig pang susog ni Dehl.
"Kaya nga Chef," sang ayon pa nila.
'Tara na! Guys," yaya ni Kevs,"
"Kristine, sumabay ka na same way lang naman tayo," sambit ko pa.
"Bye guys," paaalam namin sa isat-isa.
Pumayag na rin ako na ihatid ni Hayden. Nakakahiya naman halos palagi ko na s'yang tinatanggihan.
"Bye guys, enjoy!" Nakangisi pang paaalam ni Kristine nang makababa ito. Kami na lang ang naiwan sa sasakyan ni Hayden.
"Dior..." tawag ni Hayden sa akin habang nasa pagmamaheno ang atensyon nito.
Napalingon naman ako sa kanya.
'Bakit,"Hayden?"
"M-may gagawin k-ka ba sa off mo?" Tanong n'ya sa akin na para bang nahihiya pa.
"Wala naman. Bakit?" Balik tanong ko sa kanya.
"Pwede ba kitang yayain lumabas?" Saka tumingin sa akin. Nagulat pa ako sa sinabi nito.
"Ha? Ah ano kas!" Naguguluhan ko pang sambit.
"Friendly date lang Dior," mabilis pa nitong sambit. "Sige Hayden," paunlak ko sa paanyaya nito sa akin.
Parang naman nagliwanag ang mukha ko buhat sa narinig na pumapayag si Dior.
"Totoo ba?" Mahina ko pang tanong sa sarili.
"T-talaga p-pumapayag ka?" Pautal-utal ko pang tanong.
Gusto ko pang matawa dahil sa uri ng pagtatanong ni Hayden.
Tumango lang ako sinuklian naman ako nito ng ngiti.
"Sige Hayden, dito na lang ako," paalam ko ng makarating kami sa tapat ng bahay namin.
"Ingat ka," habilin ko pa dito. Kumaway pa ako sa kanya.
Nang makababa si Dior ng sasakyan napasigaw pa ako sa loob.
"Whoa! Hayden!" Sigaw ko pa.
"Yesss! Take a deep breath Hayden Gomez," tumatawa ko pang utos sa sarili. Hanggang sa makarating ako sa apartment hindi maalis ang ngiti ko sa labi. Sa mahigit isang buwan na nakasama ko sa trabaho si Dior. Mas lalo pa yata nahulog ang loob ko dito. Iba kasi ang dating ni Dior, sa akin. Parang ang sarap n'yang mahalin at alagaan. Well, given na maganda talaga ito kahit saan anggulo mo tignan.
Lalo na ang mata nito na parang nangungusap.
Kung pwede lang hilahin ko ang araw para sa friendly date namin ni Dior. Ginawa ko na.
"Hoy! Hayden baliw ka na yata." Humalakhak pa ako ng mahina. Napapa iling na lang ako para akong teenager na sinagot ng crush.
"Oh! Dior, nariyan ka na pala anak," bungad ni Nanay sa akin ng makapasok ako ng bahay humalik muna ako dito.
"Si Tatay po?"
"Naku! Tulog na anak," natatawa pang sambit ni Nanay.
"Sige po Nay, akyat na po ako sa kwarto ko,"
"Sige, Anak matutulog na rin ako. Maaga pa kami sa palengke bukas." Simula nang makapagtrabaho ako at makuha ko ang unang sahod ko. Nag-rent kami ng maliit na pwesto sa palengke na s'yang pinagkakaabalan nina Nanay at Tatay sa ngayon.
Nang makatapos akong mag- half bath nahiga na ako sa kama saka ko niyakap si Kathy.
"Tama kaya na bigyan ko ng chance si Hayden?" Bilang isang babae ramdam ko na parang iba ang pinaparamdam nito sa akin.
"Pero paano si Kurt?" Wala sa sarili ko pang tanong. Bigla naman akong napabalikwas nang
mag- sink in sa utak ko ang binitawan kong salita. "Hoy! Dior! Anong paano si Kurt?" Pagalit ko pa sa sarili ginulo ko pa ang buhok ko.
"My God! Dior Grace Solomon! Itulog mo na 'yan!" Naiinis ko pang sambit saka muling nahiga.
Pagdating sa trabaho kinabukasan naabutan ko na sila. Pagpasok ko pa lang sabay-sabay pa silang tumikhim na akala mo may pandemya sa loob.
"May mga sakit ba kayo?" Tanong ko pa sa mga ito.
"Ateng! Magkwento ka naman about kagabi!" Pangungulit pa ni Kevs sa akin.
"Wag kang madaya!" Sita pa ni Luzminda.
"Ses, ano na?" Tanong pa Kristine.
Habang nag-aabang naman sina Emelda, Lyn Joy, Leyana at MD sa magiging sagot ko.
"Ganito kasi 'yon." patakam ko pa sa kanila. Mas lalo pa silang lumapit sa akin.
"Bumalik kayo sa mga stasyon n'yo!" Sigaw ko pa sa mga ito. Nagkatawanan pa sila.
Sabay-sabay pa kaming napatingin ng bumukas ang pinto. At iluwa nito si Chef Hayden.
"Good morning sir," bati namin sa kanya.
"Good morning guys," nakangiti pang ganting bati nito.
"Good morning Chef D," bati n'ya ng bumaling s'ya sa akin.
"Ayiee!" Chorus pa ng mga kasamahan namin.
Pakiramdam ko namumula ang mukha ko. Idagdagan mo ang tingin ng mga kasamahan ko na parang mas nauna pa silang kinilig kesa sa akin
Pinanlakihan ko pa sila ng mata tumawa lang ang mga ito sa akin.
"Back to work!" Utos ko pa sa kanila.
Tatawa tawa pa silang naglakad palayo.
Naging busy na ulit ang buong kusina lalo na ang sumapit ang lunch time. Halos wala nang patid ang pagdagsa ng orders sa kusina. Seryoso na kaming lahat. Pagdating naman kasi sa oras ng trabaho maaasahan ang mga Marites na ito.
Nang humupa ang ang pagdating ng orders nakapahinga kami.
"Chef D..." tawag ni Melvin isa sa waiter namin.
Napalingon naman ako dito.
"Bakit Melvin?"
"Chef D, may naghahanap sa'yo, table eight"
Nagtingininan pa kaming lahat.
"Sige Melvin, salamat." saka ako naglakad papunta sa taong naghahanap raw sa akin.
Malayo pa lang namukhaan ko na agad kung sino ang tinutukoy ni Melvin.
"Good afternoon Ma'am Adelaida," Nakangiti ko pang bati dito.
"Good afternoon Dior, long time to see hija," ngumiti pa ito sa akin.
Malaki ang utang na loob ko sa mga Jimenez. Sila ang dahilan kung bakit ako nakapagtapos ng pag-aaral.
"Hija, kaarawan ko sa makalawa. Gusto ko sana ikaw ang magluto para sa mga bisita ko. Na-miss ko kasi ang luto mo noon. Pwede ba? Please." natawa pa ako sa inakto nito nagpa-cute pa ito na para bang bata. Sino ba naman makakatangi?
Naisip ko 'yon ang araw ng friendly date namin sana ni Hayden. Maiintindihan naman siguro n'ya kung ipagpapaliban ko muna.
"Sige po, dahil wala rin po akong pasok sa araw na 'yon. Ako po ang magluluto sa kaarawan n'yo,"
Napatayo pa ang matanda sa tuwa at niyakap pa ako.
Nang matapos ang maikli namin pag uusap nito bumalik na ako sa kitchen.
Lumapit si Kevs sa akin saka may binulong.
"Lola ni Kurt? Anong sabi sa'yo?"
"Gusto n'ya, na ako ang maging cook sa kaarawan n'ya," mahina kong sagot.
Nabasa ko naman ang tingin ni Kevs.
"Wala Kevs, hindi uuwi si Kurt," tumango lang ito.
"Sige, Ateng push! Gusto ko sanang sumama sa'yo pero may pasok ako sa araw na 'yon,"
"Okay lang Kevs, may mga makakatulong naman ako sa mansyon. Hindi rin naman madami ang bisita. Kaya keribels lang."
"Handa ka na ba Ateng?" Makahulugan pang tanong nito sa akin.
"Oo naman! Hindi ko na nga matandaan halos." pagsisinungaling ko pa dito.
Maaga pa lang nasa tapat na ako ng mansyon ng mga Jimenez. Ngayon araw na ang kaarawan ni Madam Adelaida.
"Long time no see." sambit ko pa habang nakatingin sa mansyon.