"Dior!" Tawag sa akin mula sa likuran. Pumihit ako para tignan kung sino ang natawag.
"Dior! Ikaw nga?" Masayang salubong ni Ate Jo sa akin.
"Ate Jo! Kamusta na? Miss na miss kita," nagtatalon pa kami sa tuwa. Halos limang taon hindi kami nagkita kaya ganon na lang ang saya namin, ng makita ang isat-isa.
"Napakaganda! Mo na lalo ngayon. Mas maganda ka na sa akin! " Bulalas pa n'ya. Napahalakhak pa ako dahil sa sinabi nito.
"Ate Jo talaga! Parehas lang po tayo na maganda."
"Naman!" Tumatawa pa nitong sabi.
"Tara! Sa loob." paanyaya pa nito.
"Sige, po." agad naman akong sumunod sa kanya.
"Good morning, Tatay Ben." bati ko sa matanda. Mukha pa itong nagulat sinipat pa nito ang mukha ko. Para kilalanin sana. Nagkatawanan pa kami ni Ate Jo. Sa tinuran ng matanda.
"Dior, ikaw ba yan?" Hindi makapaniwalang tanong pa nito akin.
"Manong Ben, mas lalong gumanda ano nga?" Tanong ni Ate Jo.
"Napakaganda nga nitong batang na ito. Kamusta ka na? Tagal mong hindi pumasyal dito Anak. Huling nakita pa kita matagal nang panahon. Umiiyak ka pa nga, 'non palabas ng gate." mahabang litanya pa nito.
Bigla naman akong nahiya. "Nakita n'ya pala ako," mahinang bulong ko pa. Tumawa pa ako ng malakas. Tatay Ben ayon po ba? Sabay tawa ulit.
"Natatae na po kasi ako 'non. Naiiyak po ako sa labis na pagpipigil." Palusot ko pa. Hindi ko alam kung kakagatin ba nila 'yon. Tinignan naman ako ni Ate Jo na para bang natatanong ito.
"Sige po, Tatay Ben. Papasok na po kami, sa loob."
"Baka saan pa ito mapunta."mahinang sambit ko pa sa sarili.
"Dior," untag ni Ate Jo sa akin.
"Tara na po!" Hinila ko pa ito papasok ng bahay.
"Naku! Ikaw, na bata ka. Ang dami mong lihim ha!"
"Wala 'yon Ate," saka ako ngumisi.
"Nasaan po pala si Manang Ingrid at Ate Lyn?" Tanong ko pa dito.
"Nasa kusina. Alam mo ba ang saya namin ng sabihin ni Madam, na ikaw ang magluluto. Lalo na si Manang, nagtatampo pa 'yon sayo," iiling iling pa si Ate Jo.
Nang makapasok kami sa kusina tinakbo pa ni Ate Lyn ang pagitan namin para yakapin ako. Pinatong ko muna sa mesa ang dala kong cake. Samantalang wala naman kibo si Manang, naglakad pa s'ya papunta ng lababo. Nagkatinginan pa kaming tatlo. Alam ko nagtatampo si Manang. Kaya naman naglakad ako papunta sa kanya. Niyakap ko pa s'ya sa likuran n'ya. Habang nanatili Ito na nakaharap sa lababo.
Narinig ko pa ang mahinang hikbi nito. "Manang, sorry na po. Wag ka nang magtampo. lambing ko pa dito.
"Sorry, kung hindi ako nakakapunta noon. Diba alam n'yo naman po kung bakit."
"Nagtatampo si Manang, hindi mo na daw s'ya naalala." sabat pa ni Ate Lyn.
Humarap si Manang saka ako pinalo sa braso. Mas niyakap ko pa ito. Gumanti Rin naman s'ya ng yakap sa akin.
"Ang bilis ng panahon, parang kailan lang ang bata na nyo pa ni Sir kurt. Walang araw noon na hindi kayo nag- aaway. Aba! Lahat na yata ng kalokohan ginawa n'yo na sa isat-isa. Mabahang litanya ni Ate Lyn.
"Kamusta na kaya si Sir Kurt?" Tanong naman ni Ate Jo. Buhat sa narinig namin. Nagkatinginan kami ni Manang.
"Kamusta ka na pala Dior?" Pag iiba ni Manang sa usapan.
"Mabuti naman po kami,"
"Nakwento ni Madam na sa GRACE ka pala nagtatrabaho Dior?"
"Opo Manang, pag may time po kayo pwede po kayong pumunta roon. Treat ko po." "Talaga Dior? Hindi yan scam?" Tanong pa ni Ate Jo.
"Opo, pambawi ko po sa inyo,"
"Sure yan Dior? Huh!" Natutuwa pang sambit nila. Tumango naman ako bilang pag sang ayon. Nagtatalon pa sa tuwa ang dalawa. Habang napapailing na lang si Manang na nakamasid sa dalawa.
"Dior, totoo ba na gwapo ang Chef n'yo 'don?" Sabay pang tanong ng dalawa. Kaagad naman itong pinagkukurot ni Manang.
"Puro kayo, gwapo!" Singhal ni Manang sa kanila.
"Ikaw, Lyn baka hindi mo alam. Nakikita kitang kumikerengkeng sa hardinero ng kapitbahay!
Ikaw Jo, nakita kitang kinukuha mo ang numero ng driver ni Mr. Chua,"
"Hindi po!" Sabay pang tanggi ng dalawa. Natawa pa ako para silang teenager na nahuli ng parents.
"Aray! Naman Manang, para nagtatanong lang po." reklamo pa nila.
"Kayo talagang dalawa! Magtrabaho kayo, Hala!" Taboy ni Manang sa dalawa.
Natigil kami sa pagbibiruan nang biglang pumasok si madam.
"Oh! Dior, narito ka na pala." bungad sa akin ng matanda.
"Madam. Happy Birthday po." sabay abot ko sa kanya na cake, na ako mismo ang nag-bake isa itong Matcha cake na sikat sa Japan.
"Wow! Thank you Dior,"nagagalak pa n'yang wika. "Lyn, pwede mo bang ilagay ito sa ref?" Sabay abot ni Madam ng cake kay Ate Lyn.
"Masaya ako na muling makita ka Dior," saad pa ni Madam ng mapag-isa kami dito sa salas.
"Ako, rin po Madam, nagpapasalamat po ako sa Foundation n'yo. Dahil po dito natupad ko ang pangarap ko na maging Chef,"
" Masaya ako, dahil natupad mo 'yon Hija. Alam ko, masaya rin si Kurt para sa'yo," nakangiti n'ya pang sambit. Hinawakan pa nito ang kamay ko.
Ngiti lang ang sinukli ko sa sinabi nito. Sa daming pwedeng pag- usapan iyon pang ayaw ko sanang marinig.
Nagpaalam na rin ako para makapag umpisang magluto. Naisalang ko na rin ang tinapay sa oven. Para iinitin na lang mamaya.
Nasa limapung katao lang ang bisita ayon kay Madam Adelaida.
Kinuha ko ang apron ko sa bag pati na rin ang personal knife ko. Para umpisahan na ang pagluluto. Halos karamihan naman Filipino foods. May dalawa lang na putahe na banyaga. Tutulong naman sina Ate Lyn at Ate Jo, Kaya hindi ako masyadong mahihirapan.
Bandang ala sais ng hapon dumating na ang mga bisita. Sa garden gaganapin ang maliit na handaan. Abala na ang lahat.
Tumulong na rin ako sa paglalabas ng pagkain para sa mga bisita.
"Sa kitchen po muna ako," paalam ko sa kanila," naglakad na ako patungo ng kusina para makapagpahinga saglit. Siguro uuwi na rin ako maya- maya lang. Kumuha ako ng tubig saka ako umupo sa sahig sa may isang sulok. Upang maituwid ko ang mga binti ko.
Mula sa kusina rinig ko pa na parang may bisita yata na dumating.
"Sino kaya 'yon?" Tanong ko pa sa sarili.