Matapos kung makita si Dior sa Singapore hanggang sa makabalik ako dito sa LA. Araw-araw n'ya nang ginugulo ang isip ko. Hindi ako makapag-focus sa trabaho palagi na lang s'ya ang nasa isip ko. Puro ako what ifs duwag nga siguro ako dahil hindi ko nagawang magpakita sa kanya kahit abot-kamay ko na.
"Dior, malapit na akong umuwi konti na lang magkikita na tayo," sambit ko pa sa kawalan.
Lumabas na ako ng office ko para umuwi at mag-aayos pa ako ng gamit ko. Hindi rin alam ni Abuela na uuwi ako sa mismong bday n'ya.
"Sir!" Sigaw ni Dale. Kaagad akong napalingon dito.
Tumakbo pa ito palapit sa akin.
"Yes Dale?" Tanong ko pa sa kanya.
"Nothing sir. I just want to say thank you for a short time. I, became your secretary. I will miss you sir, b-belik ka!" Bigkas pa nito sa Tagalog. Nagulat pa ako saka ako natawa dito.
"Thank you for all your help. You're the best secretary in the whole LA!" Napangiti pa ito sa sinabi ko.
"Sir, when you see the woman in your daydreaming. Do not let her go again, or you might lose yourself by chance." buska pa nito. Ginulo ko pa ang buhok nito para ko na s'yang little sister. Dahil sa mas matanda ako sa kanya ng apat na taon. She is a working student also. "Behave here. Okay?" Paalala ko pa sa kanya.
"Yes sir!" Sumaludo pa ito sa sa akin saka kumaway.
Nang makarating ako sa condo kinuha ko ang maleta sa taas ng cabinet at simulan ko nang pumili ng mga dadalhin ko. Iba pang kailangan kong dalhin. Kinuha ko rin ang laptop ko. Napangiti pa ako ng makita ko ang screen display nito. Si Dior habang natutulog at nakayap sa Hello kitty nito. Kuha pa ito 'nong highschool pa kami. Sinarado ko na ito at nilagay sa bag. Lumabas ako ng kwarto. Nilibot ko ang paningin ang kabuuan ng condo ko, for sure mamimiss ko ito. Hindi ko pa alam kung kailan ako makakablik dito.
"Dior, babalik na ako. Sana mapatawad mo pa ako," mahinang sambit ko. Habang nakatanaw sa malayo. Naipit lang ako sa sitwasyon na kailangan kong pumili. Mas pinili ko na makasakit kung ang kapalit nito ay ang makita ko na natupad n'yo ni Janice ang mga pangarap n'yo," napabuntong hininga pa ako.
"Welcome to Manila Philippines!" Announcement ng airlines.
"Kurt, this is it! No turning back." nagpalinga linga ako sa paligid upang hanapin ang company service na syang susundo sa akin. Nang matanaw ko ito. Naglakad ako papunta dito.
"Good afternoon sir," bati ng nagpakilalang driver.
"Good afternoon po." ganting bati ko.
"Ito po ba ang mga gamit nyo sir?" Tanong pa nito. "Yes po."
"Ilagay ko, na po sa likod." alok pa nito.
"Sige, tulungan ko na po kayo,"
Sa Company ako unang dumeretso para makipag meeting sa mga boards. Hindi ko namalayan nasa tapat na kami ng Company. Lumipad ang isip ko sa possible namin pagkikita ni Dior.
"Sir..." tawag ni Mang Caloy.
"Salamat po, pahintay na lang po ako dito.
"Mang Caloy, pwede n'yo po ba akong ipagmaneho pauwi ng San Jose ngayon?"
Ngumiti naman ito ng malawak.
"Oo! Naman sir,"
"Salamat po, sige po pasok muna ako sa loob."
Matapos ang meeting sumakit ang ulo ko sa daming problema na dapat solusyonan. Sinamahan naman ako ni Jelesa sa magiging office ko. S'ya ang binigay na magiging secretary ko.
"Sir, this way." turo pa nito.
"Saka sir, pagkailangan n'yo ako nasa labas lang po ako,"
"Sige, salamat Jelesa,"
Pumasok muna ako sa office ko. Napahilot pa ako sa sentido. Inalis ko ang suot kong reading glasses pinatong ko sa lamesa. Hinubad ko rin ang suot kong jacket. Saka ako tumanaw sa malayo. Nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya naman naglakad ako papunta ng mini pantry para kumuha ng tubig.
Today ang kaarawan ni Abuela. I will surprise her.
For sure magugulat s'ya. Nagpahinga muna ako sandali at lumabas na rin ng office.
"Jelesa, pakilagay na lang sa table ko. Ang mga reports na kailangan ko bukas." utos ko pa sa kanya.
"Yes sir!" Tumango lang ako.
"Bye sir!" Habol pa nito. Tinaas ko lang ang kamay ko at naglakad na pasakay ng elevator. May mga nakasabay pa akong mga babaeng empleyado na halatang nagpapansin sa akin. Tahimik lang ako sa isang gilid.
"Sir!" Salubong sa akin ni Mang Caloy.
"Tara na po." sambit ko pa. Habang nasa byahe mas lalo kong nararamdaman ang pagkainip sa oras para makarating ng mansyon. Kaya naman tinuon ko ang atensyon ko sa pag-scroll sa phone ko. Nang tumigil ang sasakyan napantingin ako sa labas. Nasa tapat na pala kami ng mansyon. Nagpalipas muna ako sandali mula dito tanaw ko hindi gaano karami ang bisita ni Abuela. Knowing her hindi n'ya gusto ang malaking handaan. Bumababa na ako ng sasakyan ng may marinig akong sigaw.
"Kurt! Alaga ko!" Napalingon naman ako sinubong pa ako nito ng yakap.
Nagyakapan pa kaming dalawa. Sobra kong namiss ang dati kong tagapag alaga.
"Nanay Ingrid! Kamusta na po kayo?" Narinig ko pa ang mahinang hikbi nito.
Hinagod ko naman ang likod nito. Ganito siguro ang mga nagkakakaedad na masyado silang emotional.
"Ikaw na bata ka! Bakit ngayon ka lang umuwi? Miss na miss ka ng Nanay ingrid mo, " umiiyak pa rin nitong wika.
"Sorry, Nanay Ingrid, namiss ko po kayo,"
Kumalas naman ito ng yakap saka ako pinalo sa braso.
"Ang laki mo na talaga! Saka ang gwapo lalo ng alaga ko,"
Natawa naman ako sa sinabi nito.
"Nanay Ingrid, matagal na po akong gwapo." biro ko pa sa kanya.
"Alam ba ni Abuela mo na uuwi ka ngayon? "
"Hindi po Nanay, surprise po." tumawa pa ako ng mahina.
"Maligayang pagdating sa Mansyon Jimenez,"
"Pasok ka, ikaw na bata ka! Hindi ka man lang nagsasabi na uuwi ka,"
"Nanay, kaya nga po surprise." natatawa ko pang katwiran sa kanya.
"Loko ka pa rin, hanggang ngayon." puna pa nito sa akin.
"Naku! Sigurado akong matutuwa ang Abuela mo, saka Hijo, narito rin pala si D-"
"Sir! Kurt!" Sigaw ng isang babae. Boses pa lang nito. Alam ko si Ate Jo 'yon. Hindi nga ako nagkamali.
"Ate Jo, kamusta na po? Na-miss po kita," niyakap ko pa ito.
"Manang si Sir Kurt na ba talaga ito?" Tanong pa nito na para bang hindi makapaniwala na ang dating patpatin noon ibang iba na ngayon.
Humalakhak pa ako dahil sa naging reaksyon nito.
"Ate Jo naman, dati pa po akong gwapo. Diba mas lalo lang naging gwapo ngayon" mayabang ko pang sabi habang hinawakan ko pa ang baba ko. Natawa pa silang dalawa.
Muli kong pinagmasdan ang mansyon.
Bakit mukha ni Dior ang nakikita ko. Kinusot ko pa ang mga mata ko. Pinilig ko pa rin ang ulo ko, saka muling tumingin sa paligid.
"Kami nang bahala sa gamit mo Sir Kurt, gulatin mo na si Madam sa loob. O baka ikaw ang magulat." makahulugan pang sabi ni Ate Jo.
"Sige po, salamat. May mga pasalubong po ako sa inyo,"
Nagtuloy tuloy ako sa loob ng mansyon. Nakita ko si Abuela na abala sa pakikipag usap sa mga bisita nito. Dahan- dahan pa akong naglakad palapit sa kanya. Nang tuluyan na akong makalapit sa kanya. Sinenyasan ko ang mga tao huwag maingay. Gamit ang dalawa kong kamay. Tinakpan ko ang mga mata. Nagulat pa ito.
"Who's this?" Tanong pa nito.
"Guess who?" Saka ko inalis ko ang kamay ko na nakatakip sa mga mata nito.
Mas lalo pa itong nagulat nang humarap s'ya sa akin.
"Kurt! Hijo! Ikaw nga!" Bulalas nito dahil sa labis na gulat. Niyakap ako nito ng mahigpit. Narinig ko pa ang hikbi nito.
"Don't cry, Abuela. It's your special day! Baka mabawasan ang make-up mo Abuela," Pang aalo ko pa sa kanya.
"Napakasalbahe mong bata ka! Hindi mo na naaalala si Abuela. Dahil sa mga babae mo!" Naiyak pa n'yang reklamo. Natawa pa ako sa kanya.
Abuela. Happy Birthday! I love you," hinalikan ko pa s'ya sa noo.
Naglakad na kami papunta ng mesa. Natakam ako sa dami ng pagkain. Na-miss ko talaga ito ng sobra. Someone reminds me sa Afritada si Dior.
Magaling s'yang magluto bata pa lang kami. Halos lahat ata tinikman ko. Iba talaga ang luto wala akong masabi masarap lahat. Maging ang komento ng ibang bisita hindi nakaligtas sa pandinig ko. Lahat sila puring puri sa nagluto.Naglalakad na ako papuntang kusina nang tawagin ako ni Abuela.
"Hijo!" Tawag pa nito.
"Saan ka pupunta?"
"Sa kitchen, lang Abuela,"
"Come! Here first. May ipapakila lang ako sayo Hijo," sambit pa nito. Naglakad naman ako pabalik sa table.
"Mayor Dasare, this is my only grandchild," pakilala ni Abuela sa akin.
"Kurt, our very own Mayor Dasare," nakipagkamay naman ako dito.
"Nice meeting you. Mayor Dasare," sambit ko pa. "Madam Adelaida, napakagwapo ng apo mo. Aba! kamukhang-kamukha ni kumpadre 'nong kabataan n'ya," natatawa pa nitong sambit.
"Naku! Mayor Dasare sinabi mo pa." natatawa pag sang-ayon ni Abuela. Habang nakikinig lang ako sa pag-uusap nila.
"Jo..." tawag ni Abuela kay Ate Jo. Agad naman itong lumapit sa amin.
"Bakit po Madam?" Tanong nito.
"Pwede mo bang tawagin si Chef? Para pumunta rito, maraming tao ang gusto s'yang makilala." nagtanguan naman ang mga kasama namin sa table.
"Sige po, Madam," saka umalis si Ate Jo.
Isa na rin ako sa gustong makilala ang nagluto ng foods tonight. It taste so good! Baka pwede akong makahingi ng tip sa kanya. Habang naghihintay biglang tumunog ang phone ko si Hayden natawag.
"Excuse me," paalam ko sa kanila. Lumabas ako saglit para sagutin ang tawag ni Hayden.
"Oh! Dior bakit ka nasa sahig?" Nagtatakang pang tanong ni Ate Jo.
Napatayo naman ako bigla.
"Nag uunat lang Ate Jo,"
"Dior tawag ka nga pala ni Madam, pinapapunta ka sa labas." halata pa sa boses ni Ate Jo na kinikilig ito.
"Sige Ate Jo, para makapagpaalam na rin ako. Uuwi na rin ako, may trabaho pa ako bukas."
"Oh s'ya, sige pumunta ka doon."
Naglakad na ako palabas ng garden pinuntahan ko ang table nina Madam.
Nang makita ako nito sinalubong n'ya pa ako. Giniya n'ya ako sa mesa nila.
"Everyone! Chef Dior Jimenez," pakilala sa akin.
"Wow! Ang ganda din pala n'ya, saka masarap magluto." komento ng isa mga bisita.
"Kung may anak lang sana ako na lalaki nireto ko na sa'yo Hija," sambit pa ni Mayor. Nagkatawanan pa ang mga ito.
Matapos ang maikling usapan. Nagpaalam na rin ako Kay Madam, para umuwi na. Inabotan pa ako ng envelope na sigurado ako na pera ang laman 'non. Ayaw ko sanang tanggapin ngunit hindi pumayag nito. Kaya walang nagawa kundi tanggapin na lang.
"Sige po Madam, mauuna na po ako," Tumango lang ito Inalok rin ako nito na ihatid ni Kuya Danny. Tinanggihan ko na ito. Maghihintay na lang ako ng tricycle sa labas. Naglakad na ako palabas ng mansyon hindi ko napansin na bukas pa la ang bag ko. Kung kaya nalaglag ang apron ko nang hindi ko namamalayan. Sumilip pa ako sa guard house para magpaalam ngunit wala na si Tatay Ben.
"Miss..." Tawag mula sa likuran ko.
Tumakbo pa ito palapit sa akin. Hindi ko pa s'ya namukhaan sa buong pag aakala na isa lang ito sa bisita.
"Miss...wait, n-nahulog mula sa b-bag mo,"
Nagkatinginan kaming dalawa at walang makapagsalita.
Ang lalaking pilit kong ibinaon sa limot nasa harapan ko ngayon. Hindi ako maaring magkamali si Kurt nga. Ang lalaking unang heartbreak ko. Nang makita ko s'ya parang bumalik lahat ng sakit. At pakiramdaman ko noon. Nang iwan ng wala man lang dahilan. Hindi ko matagalan ang eksena hindi ko namalayan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata.
"D-dior?" Basag nito sa katahimikan.
Tumalikod na ako dito at handa nang maglakad palayo. Nang hawakan n'ya ang kamay ko. At hilahin pabalik.
"D-dior," tawag n'ya muli sa pangalan ko.
Bumuhos ang masaganang luha sa mga mata ko.
"D-dior. I'm sorry."
Isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa pisngi n'ya. Saka ako tumakbo palayo habang umiiyak.
"Bakit n'gayon pa? Kung kailan kaya ko na ang lahat. Sana Kurt hindi ka na bumalik pa." umiiyak ko pang sambit.