The Boss

1814 Words
Tumakbo ako palayo hindi ko inaasahan na muli kong makikita si Kurt. Mabuti na lang may dumaan na tricycle kaagad akong sumakay dito. Nakita ko pa na hinabol ako ni Kurt, tahimik akong umiiyak ngayon. Natigil lang ito nang magtanong ang driver. "Neng, saan ka?" Tanong nito saka ako nilingon sa loob. "Sa pangalawang kanto lang po." sabay abot ko na rin ng bayad. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag, saka ko tinawagan si Janice. "Hello. Janice?" "Hello friendship, napatawag ka yata? Saka, teka bakit parang umiiyak ka? Sabihin mo sino? Madrama pa nitong sabi. "Puro ka talaga kalokohan! May gagawin ka ba bukas?" "Wala naman, friendship," "Pwede ba tayong magkita sa Coffee shop bukas? Malapit sa GRACE may sasabihin lang ako," "Sige! Friendship. Pero wag mo muna akong sisingilin sa utang ko, saka na paglumabas na ang result ng board exam."sambit pa nito. "Sige Janice! Bukas na lang." Nagpaalam na ako nang makarating ako sa tapat ng bahay namin. Inayos ko pa ang itsura ko, upang hindi mahalata na galing ako sa pag iyak. Ayaw ko naman na magtanong pa sina Nanay. Tumingin ako sa orasan alas siete bente cinco pa lang alam ko, nasa salas sina Nanay at Tatay ngayon. Naabutan ko pa sila nanunuod ng paborito nilang palabas na walang kamatayan. "Oh! Dior, nariyan ka na pala." puna ni Tatay. "Mano po Nay, Tay," inabot ko pa ang kamay nila. "Maaga po akong natapos magluto. Saka hindi naman po madami ang bisita. "Nay, Tay, kinakamusta po kayo, ng mga tao sa mansyon." "Ganon ba Anak? Hayaan mo sa mga susunod na araw baka pumasyal kami sa mans-" "Wag po!" Pigil ko sa kanila. Nagulat sila dahil sa tinuran ko. Tinignan pa nila akong dalawa na puno ng pagtataka. "Ang ibig ko pong sabihin, wag sa isang araw po kayo pumasyal. Pag hindi na po kayo, busy. Maiintindihnan naman po nila 'yon," tumawa pa ako ng pagak. Bago nagpaalam para umakyat sa kwarto ko. Baka Kasi saan pa mapunta ang usapan. Nang makapasok ako, sinarado ko ang pintuan saka ako naupo sa kama. "Totoo nga narito na sa Pilipinas si Kurt at posible pa kaming magkita muli." Kausap ko pa sa sarili. Hinila ko ang drawer malapit sa kama ko. Kinuha ko ang box na nasa loob nito. Mga bagay na galing kay Kurt ang laman nito. "Ang kapal ng mukha mo! Para magpakita pa sa akin!" Naiirita ko pang sambit. Habang dinuduro ko ang kwintas na binigay n'ya 'non. "May pa, IKAW ANG MOON AKO ANG STAR!" Ginaya ko pa ang pagkakasabi ni Kurt 'non. "Wala ka nang space dito sa San Jose! Bumalik ka na ng LA! Hindi na ako ng dating Dior, kung inaakala mo!" Inirapan ko pa ang box hawak ko. Naiinis akong tumayo. Para kumuha ng damit saka naglakad para maligo. Maaga kaming magkikita ni Janice bukas. "Friendshippp!" Sigaw ni Janice pagpasok ko sa Coffee shop na pinag usapan namin. Naglakad ako papunta sa pwesto nito. Ibang-iba na talaga ang itsura ni Janice. Mas lalo pa s'yang gumanda ngayon. Bumagay sa mukha n'ya ang maiksi nitong buhok. "Janice, broken yern?" Bungad kong tanong sa kanya. "Ha? Anong broken? Gaga! Jowa nga wala. Wawasak pa kaya?" Napatingin ako sa table nito. Nakapag order na agad ito ng chocolate cake. Napatingin naman ito sa akin. "Friendship!" Saka ngumisi ito. "Gutom na ako, friendship saka, libre mo naman diba?" Sambit pa nito habang nag-beautiful eyes pa sa akin. Napatirik na lang ang mata ko dahil dito. Nang maka-order kami ng kape namin. Nag umpisa ko nang sabihin ang tungkol kay kurt. "Janice," mahinang tawag ko sa kanya. "Yes friendship! Bakit ka pala umiiyak kagabi? Opps! Teka." napatigil pa ito sa pagsubo. "Friendship, ano palang nangyari kahapon?" "Janice, nagbalik s'ya," mahinang sambit ko pa "Sino? Friendship?" Tanong nito habang nasa pagkain ang atensyon na akala mo, isang taon hindi nakatikim ng pagkain. "Si Kurt! Nagbalik sya Janice," "Ah okay! Si Kurt, lang pala eh." kalmado pa n'yang komento. Saka nagpatuloy sa pagsubo. "Si Kurt! Tama ba ako?" Napalakas pa ang boses nito. Pinagtinginan pa kami ng ibang customers sa loob. "Janice! Pwede bang hinaan mo lang?" saway ko pa dito. "Naku friendship! Awatin mo ako! Bibigwasan ko s'ya ng isa!" Saka gigil na tinusok ang cake. "Friendship, pag ako pumasa sa pagiging Nurse wag na wag syang papakita sa hospital! Tutuliin ko ulit sya!" Gigil pa n'yang saad. "Janice, ang sakit pala talaga, pagnagharap kayo ng nakaraan. Hindi mo mapaghahandaan." malungkot ko pang sambit matamang nakikinig lang si Janice sa akin. "Friendship ito tanong lang. Anong naramdaman mo ng makita mo sya kagabi?" Napatigil ako sa pagsubo dahil sa tinanong ni Janice. "Galit Janice," sagot ko dito. "Saka, hindi natin dapat panghinayangan ang mga ganong mga lalaki! Tandaan mo 'yan Janice!" "Tama ka d'yan friendship! Ipakita mo na hindi sila kawalan! May mga tips ako sayo, kung anong dapat mong gawin kung magkita man kayo ulit. Ganito ang mga gagawin mo. Una, isipin mo hindi mo sya kilala at never kayong nagkilala." bumilang pa s'ya gamit ang daliri n'ya. "Pangalawa, isipin mo wala ang presensya n'ya d'yan. Parang hangin lang s'ya ganon. Pangatlo, ipakita mo sa kanya na hindi ka na, ang dating Dior. Ikaw na si Dior 2.0 papaya edition na tayo," Sabay tingin pa nito sa dibdib ko. "Siraulo ka talaga! 'Yan pakwan mo, Janice nakaway!" Natatawa ko pang sambit. "Ito pa friendship. Pang-apat, s'ya naman ang dapat maghabol sa'yo this time. Panglima mag-move on ka na!" sinabayan pa nito ng malakas na tawa. "Wow! Janice nakakahiya sa'yo!" S'ya naman ang natahimik bigla. Inirapan naman ako ng huli. Alam ko hanggang ngayon si Drake pa rin. Ang magpapayanig kay Janice. "Sige na. Bye friendship! Pagkailangan mo, ng kausap. Call me lang. Saka sundin mo mga tips ko sa'yo. Tayo naman ang gaganti!" Tumawa pa ito na parang mangkukulam. "Hoy ! Janice ,kinikilabotan ako sa'yo!" Komento ko pa sa naging pagtawa n'ya. Nagyakapan pa kami bago naghiwalay. May raket pa raw si Janice ako naman kailangan ko nang pumasok sa trabaho. Nang makarating sa restaurant wala pa ang iba kong kasama. Tinignan ko ang relo kong suot. Maaga pa nga ng mahigit trenta minuto. Naupo muna ako para mag isip-isip tungkol sa nangyari sa mansyon kagabi. Pati tuloy ang paborito kong apron naiwanan ko pa. Ilang minuto lang ang tinagal nagdatingan na sila. "Good morning! Chef, aga natin today." puna pa nila sa akin. "May pinuntahan kasi ako, malapit lang dito." tugon ko pa sa kanila. Pinakahuling dumating si Emelda, mula dito sa pwesto namin tanaw namin kung paano s'ya alalayan bumaba ng jowa nito sa motor. Kaya naman lahat kami napatingin dito. "Chef, alam mo? Naranasan ko rin 'yan," sambit ni Luzminda. "Ang alin Luzminda? Ang ihatid ng jowa?" Usisa pa ni Kristine. "Hindi Kristine, naranasan ko rin magulungan ng motor!" Buhat sa narinig naghagpakan pa kami. Kitang Kita pa namin kung paano alalayan habang naglalakad si Emelda ng jowa nito sa pagtawid sa kalsada. Hindi namin inaalis ang tingin sa labas pinagmamasdan lang namin sila. "Pero guys ,namiss ko na rin ang ganyan!" Wika naman ni MD na parang kinilig pa. "Ang alin MD? Alalayan ng jowa?" Tanong naman ni Kevs. "Naranasan ko rin alalayan maglakad pag-inaatake ako ng rayuma!" Nakaismid pa nitong sagot. Napuno ng tawanan ang buong restaurant dahil sa kalokohan ng mga kasamahan ko biglang nawala ang iniisip ko tungkol kay Kurt. Bigla namang pagpasok ni Emelda. "Sige! Pag chismisan n'yo pa ako!" Sigaw nito na tatawa tawa pa. "Chef D," tawag ni Hayden sa akin. "Yes, Chef Hayden?" Nakangiti ko pang tanong. "Nothing. Kakamustahin ko ang lang ang birthday party na pinuntahan mo?" Nabanggit ko kasi sa kanya, na may pupuntahan akong birthday party upang maging cook 'don. Kaya naman hindi natuloy ang friendly date namin. "It's fine and masaya naman ang bisita saka, hindi naman gaano kadami ang niluto ko," tumingin pa ako sa kanya habang naghahalo ako ng seafood pasta. Tumango tango pa ito saka muling binalik ang atensyon sa niluluto nito. Habang lunch break namin lumapit si Dehl. "Mga ses! May chika ako sa inyo. Mainit pa sa kawali. "Ano yon ses?" Tanong ni Leyana habang patuloy sa pagkain. Habang nakikinig lang ako sa kanila habang kumakain. "Diba? Nasabi ko sa na may isa pang nagmamay -ari ng restaurant na ito?" Pabitin pa nito. "Oo,ano nga 'yon?" Naiinip pang reklamo ni Emelda. "Darating daw mamaya, sabi ni Chef Hayden!" Kinilig pa nitong pagbabalita. "Paalala lang mga ses, lagyan nyo ng tape ang mga panty n'yo!" Tumatawa pa nitong turan. "Talaga ba? Ses." namilog pa ang mata ni Kevs. "Tumango naman si Dehl dito. "Dehl pag 'yan scam lagot ka sa amin," banta pa ni MD. "Hoy! Ateng bakit tahimik ka yata?" Puna ni Kevs sa akin. "H-a? A-no yon?" Gulat ko pang tanong. "Lutang ka Chef," biro naman ni Melvin. "Oh my! Melvin talaga, may sense of humour!" Kinikilig pang papuri ni Leyana habang pinalo pa ng mahina sa braso ng waiter namin. Kaya naman napatingin pa kami sa kanya. "Harot! Leyana, maghunos dili ka! Ses. Baka hindi mo kayanin ang malaking.... pagmamahal ni Melvin," Buska pa ni Lyn Joy kaya naman halos mamula sa hiya si Melvin. "Pagod lang siguro Kevs," nakangiti kong sagot. Matapos ang break kanya kanya na kaming balik sa stasyon namin. Nasa opisina naman sa taas si Chef Hayden may inaayos na report. Kaya hindi s'ya nakasabay sa break namin. Hindi pa naman ganon ka busy sa kusina. Hapon na ng dumagsa ang mga customers kaya naman. Halos hindi na naman magkamayaw sa dami ng orders. "Bye, guys,"paalam pa namin ni Kevs sa kanila. Hinihintay lang namin si Hayden may kausap raw sa taas. Nagpresenta ulit kasi s'ya na ihatid kami. "Kevs, pahawak naman ng bag ko. Aayusin ko lang ang sapatos ko," saka ako umupo. "Bye, Sir!" Narinig ko pang sabi ni Kevs. "Sino 'yon, Kevs?" Tanong ko pa nang makatayo ako. "Si, Sir handsome number two. Hindi mo ba s'ya nakita kani kanilang?" "Hindi, busy ako kanina." "Ang gwapo! Ateng, pero parang familiar s'ya sa akin," tila nag iisip pa si kevs. "Baka, naman kamukha lang n'ya. Naku Kevin Francisco! Lahat naman sayo, gwapo!" Sambit ko pa sa buong pangalan n'ya. "Tse! Ateng Kevs, hindi Kevin ewwww!" Maarte pa nitong reklamo. Natawa pa ako dito. "Dior! Kevs!" Tawag ni Hayden. "Let's Go." "Tara! Ateng," "Dior, Kevs, bukas pala makikilala n'yo na ang isa pa sa may-ari ng restaurant. Kakaalis n'ya lang n'gayon nakita ny'o ba?" Tanong pa ni Hayden. "Hindi, Hayden. Si kevs nakita n'ya raw," sabay turo ko dito. "Yes! Chef Hayden, ang sarap! Este ang disente." bawi pa nito sa sinabi n'ya. Nagkatawanan pa kaming tatlo dahil sa pagiging maharot ni Kevs. "Excited na ako, na ipakilala ka sa kanya Dior," saad pa ni Hayden. "Ako rin, excited na ako! Makilala ang isa pa namin boss," tugon ko pa sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD