"Ma'am! Ma'am! Gising po." Tawag sa akin ng nurse. "Huh? Si Kurt?" Tanong pa. Napatingin ako sa paligid. Hindi totoo 'yon panaginip lang pala. "Sorry, nurse," hinging paumanhin ko pa. Masamang panaginip lang pala. Hinawakan ko ang kamay ni Kurt. Ayaw kong mawalay sa kanya. Habang hawak ko ang kamay ni Kurt nakita ko na gumalaw ang daliri n'ya. Nagulat pa ako hindi ako pwedeng magkamali. Naramdaman ko talaga. "Nurse! Nurse! Nakita mo ba 'yon?" Tanong ko pa sa kanya. "Ang alin po, ma'am?" Takang tanong n'ya. "Gumalaw ang daliri n'ya! Nurse naramdaman ko talaga." sabi ko pa. Kaagad naman lumabas ang nurse para tawagin ang doctor. Pumasok na rin sa loob si Ms. Mad habang sinusuri nila si Kurt. "Doc, ano po ang lagay ng anak ko?" Tanong ni Ms. Mad. "Well, magandang senyales Mrs.

