Nagising ako sa nakakasilaw na liwanag kaya naman unti-unti akong nagmulat ng mga mata. Umiiyak na mukha ni Nanay ang nabungaran ko. Hinawakan ni Nanay ang mukha ko habang umiiyak s'ya. Nang yakapin n'ya ako, napaiyak na rin ako. Miss na miss ko sila ni Tatay alam ko na labis silang nag alala sa akin. "N-nay…sorry p-po. N-nay…T-tay…" umiiyak ko pang sambit. Niyakap nila ako habang patuloy ang pag iyak namin, sobra ko silang namiss. Nakaramdam ako ng kapayapaan ng yakapin nila ako. Walang katumbas na halaga ang makasama ang mga magulang mo. Ngayon ko napatunayan 'yon. "Anak, wag mo nang gagawin ulit 'yon," mahinahon pang sabi ni Tatay. Tumango tango naman ako habang nahikbi pa rin ako. Nagsisisi ako, kung tinawagan ko sana sila 'non. Sana nalaman ko ng mas maaga ang kalagayan ni Kurt. M

