Friendship over

1129 Words
Nang biglang may pumasok sabay pa kaming napalingon ni Janice. Patakbo pa silang pumasok palapit sa amin tila nag slow motion nang makita ko si Kurt. Ang gwapo nito sa bago n'yang gupit. Maging si Janice halos lumuwa ang mga mata nang makita si Drake. Kaagad ko naman itong siniko bigla naman s'yang natauhan. “Bakit n'gayon lang kayo?” tanong ko agad dito. Nagkatinginan muna sila ni Drake bago sumagot si Kurt. “N-nasiraan kasi kami ng sasakyan,” sagot nito sabay iwas ng tingin sa akin. “Guys! umupo na tayo” tawag ni Janice sa amin. Nagsimula na nang palatuntunan. Isa-isa nang tinawag ang mga pangalan namin. Kita ko sa mukha ng bawat magulang ang labis na galak habang paakyat ng stage. Nagulat pa ako ng makita ko ang Tatay ni Kurt, sa pangalawang pagkakataon. Wala pa rin pinagbago ang itsura nito nakakatakot pa rin ito. Walang kang makikitang ano mang emosyon sa mukha nito. Ito ang naghatid kay Kurt sa stage upang magsabit ng medalya sa kaibigan. Alam ko matagal ng pangarap ni Kurt ito ngunit tila iba ang nakikita ko sa mukha n'ya habang nakatingin s'ya sa akin may lungkot akong nakikita. Bilang Valedictorian ng aming Batch. Nagbigay ako ng mensahe para sa mga Magulang Guro at Mag aaral. Nang matapos na nagbatian ang bawat isa. Nakita ko sa di kalayuan na nag uusap si Kurt at ang Tatay nito. Ano kaya ang pinag uusapan nila? tanong ko pa sa sarili. Nauna nang umuwi ang mga magulang ko kasama ang Nanay at kapatid ni Janice. Naagaw bigla ang atensyon ko nang makita ko na umakyat si Janice sa stage. "MIC TEST! MIC TEST!" panimula nito "DRAKE SEAN MARCEL unang kita ko pa lang sayo crush na agad kita kahit pa sobrang sungit mo. Alam ko ito na ang huli natin pagkikita. Gusto kong malaman mo maghihintay ako na mahalin mo din ako kahit gaano pa katagal. I heart you," Mahabang litanya nito. Napuno nang malakas na kantiyawan at tawanan ang buong auditorium dahil sa ginawa ni Janice.Nang balingan ko si Drake. Halos alpasan naman ng kulay ang mukha nito sa sobrang kahihiyan na ginawa ni Janice. Napatulala na lang ako. “Friendship, sorry," Natatawa pa nitong saad nang makalapit s'ya sa akin. Niyakap ko na lang s'ya kesa saktan ko pa. Nang makalapit si Kurt at Drake kumulas si Janice sa magkakayakap sa akin. Kaagad naman hinila ni Drake si Janice papalayo napaawang pa ang labi ko sa gulat sa nasaksihan ko. Nang mapag isa na kami ni Kurt bigla nya akong kinabig upang yakapin. “Dior, mamimiss kita sobra." usal nito naguguluhan ako para bang may gusto s'yang ipahiwatig sa akin. "Wow! ang ganda." Mangha kong bulalas nang makarating kami sa likod ng school. "Kurt, ikaw ba ang nag ayos nito?" "Yes, nagustuhan mo ba?" "Oo naman. Kaya ba late kayo ni Drake dahil dito?" Tumango lang s'ya tinitigan ko s'ya pakiramdaman ko may gusto s'yang sabihin sa akin. "Dior, para sa'yo. Sana magustuhan mo," sabay abot nito ng isang maliit na box. "Salamat Kurt, nag abala ka pa." Nakangiting wika ko. "Buksan mo na." utos nya sa akin dahan -dahan ko na binuksan ang kahon, isang kwintas ang laman nito na ang pendant ay moon habang sa loob nito ay star. "Kurt, ang ganda! Salamat." sabay yakap ko sa kanya. Kaagad naman din naman ako na kumalas sa pagkakayakap ko dito. "Nagustuhan mo ba? tanong nito. "Oo salamat." "Pwede ko bang isuot sayo?" "Sige Kurt," Kimi kong sagot. Tumalikod ako sa kanya para maisuot n'ya ang kwintas sa akin. "Dior, katulad ng pendant nito. Ikaw ang star sa loob ako ang moon na magbabantay sa'yo, kahit maging malayo man ang pagitan natin. Palagi kong ipaparamdam sayo hindi ako mawawala. Maaring distansya lang natin ang magkalayo ngunit ang puso ko ay mananatili na malapit sayo." Malungkot n'yang lintanya. "A-ano bang ibig mong sabihin Kurt?" Naguguluhan ko pang tanong sa kanya. Huminga muna ito nang malalim bago nagsalita. "Dior, aalis na ako ngayon. Sa L.A ko na ipagpagpatuloy ang pag aaral ko," Malungkot na saad nito. Wala akong naging reaksyon. Pilit ko na isinisiksik sa utak ko ang mga sinabi ni Kurt. Hindi ko alam kung totoo ba ang mga ito. Pilit ko pang ngumiti sa kanya. "K-kurt, nice joke!" Natatawa ko pang sambit. "Nahawa ka na talaga kay Janice, lagot talaga s'ya sa akin, napag tripan nyo na naman ako," Kinabig ako ni Kurt upang yakapin. Dahil doon tuluyan na akong napaiyak. Habang yakap yakap n'ya ako. "S-sabi m-mo diba s-sabay t-tayong p-papasok sa College, t-tapos pareho t-tayo ng Course na kukunin. M-malayo ang L.A diba? " Umiiyak ko pang tanong kahit hirap na hirap na akong mag salita dahil sa labis na pag iyak. Habang hinahagod naman ni Kurt ang likod ko. Naghalo na din ng luha at sipon ko sa damit ni Kurt. Maging ang makeup ko ay nabura na rin. "K-kurt 'wag ka nang u -umalis promise ko hindi na kita pipingotin." Humihikbi ko pang sabi sa kanya. Nasanay ako na palaging nariyan si Kurt simula bata pa lang kami. Palagi ko na s'yang kasama. Kahit pa sabihin na walang araw na di kami nag babangayan. Iba pa rin pagkasama ko s'ya alam ko na mamimiss ko s'ya. Kaya ganito na lang ang pag iyak ko. Dahil ngayon pa lang nalulungkot na ako sa isipin na magkakalayo na kami. Nang tumigil ako sa pag iyak kaagad ako na kumalas sa pagkakayakap nito. Habang pinupunasan ko ang aking mukha na puro luha at sipon na gamit ang kamay ko. Kinuha nito ang panyo sa bulsa at inabot sa akin. Tinanggap ko naman ito. Ganitong ganito ang eksena namin nang una kami na magkakilala ni Kurt. Hinawakan n'ya ang magkabilang balikat ko. Nag angat ako ng tingin sa kanya. Nakatingin lang s'ya sa akin. Habang patuloy ako sa pag singa sa panyo n'ya. "Dior, listen to me," Malumanay n'yang sambit. "Palagi naman tayo na mag v-videocall at chat, saka uuwi naman ako pagbakasyon. Magkikita pa din tayo mabilis lang naman 'yon. 'Wag ka nang malungkot." pang aalo n'ya pa sa akin. Nanatili lang ako na tahimik habang nakatingin lang sa kanya. "Mas nahihirapan ako na umalis pagganyan ka. Smile na d'yan lalo ka tuloy pumapangit." sabay pa kaming nagkatawanan. Hinampas ko pa s'ya ng mahina sa braso. "Basta Kurt, promise mo palagi tayong mag c-chat." sabi ko pa kanya. "Promise." Nakangiti pang sagot nito. Habang nakataas pa ang kanan n'yang kamay tanda na nangangako s'ya. "Walang mag babago? Promise mo, ako pa din ang bestfriend mo?" Naiiyak ko na naman tanong kay Kurt. Tumikhim muna ito at humarap sa akin. Habang hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. "I'm sorry, hindi ko maipapangako na bestfriend pa rin tayo," seryosong saad nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD