The Promise

1008 Words
Natigilan ako sa naging sagot ni Kurt hindi ko alam ang dapat na maramdaman parang gusto kong maiyak. "H-ha anong ibig mong sabihin?" malungkot ko pang tanong sa kanya. "Dior, gusto kita higit pa sa isang kaibigan," pagtatapat niya sa akin. Napaawang pa ang labi ko sa gulat sa ginawang pagtatapat ni Kurt. Hindi ko inaasahan na sasabihin n'ya ang bagay na akala ko ako lang ang nakakaramdam. Naglakad pa si Kurt palapit sa akin. Hinawakan n'ya ang kamay ko at hinuli ang mga mata ko. "Dior, maghihintay ako kapag pwede na ang panahon para sa atin. Alam ko, masyado pa tayong bata. Pero seryoso ako sa nararamdaman ko para sayo. Hihintayin ko ang araw na higit pa sa pagkakaibigan ang meron tayo," Madamdamin pa n'yang pahayag. Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam ang dapat kong isagot. Katahimikan ang namayani sa aming dalawa. At nang muli pa ulit s'yang nagsalita. "Dior, gusto kong malaman kung pareho ba tayo ng nararamdaman?" Nagulat ako sa naging tanong n'ya. Hindi agad ako nakasagot iniisip ko pa kung tama ba na aminin ko din ang feelings ko for him? Nanatili lang ako na tahimik. "A-ano k-kasi. K-Kurt," hindi ako makatingin sa kanya kaya naman nakatungo lang ako hindi ko kaya na salubungin ang titig nito. "Oo. Kurt, ganon din ako. Higit pa sa isang kaibigan ang nararamdaman ko para sayo." Nahihiya kong pag amin sa kanya. Nanatili ako na nakatungo habang nilalaro ko ang daliri ko dala ng labis na hiya. "Whoaa!" Sigaw nito napalakas pa ang boses n'ya. "Totoo ba talaga Dior?" Tanong muli n'ya sa akin. Tumango lang ako hindi ko magawang tumingin sa kanya. Hinakawan nya ang baba ko dahilan para mag angat ako ng tingin. Wala na akong nagawa kundi salubungin ang titig n'ya sa akin. "Dior, pangako maghihintay ako pag pwede na kitang ligawan at maging girlfriend. Kahit gaano pa yan katagal. Please, hintayin mo ako," Pagsusumamo pa n'ya sa akin. Habang hawak hawak ang kamay ko. "Kurt, maghihintay ako sa tamang panahon na itinakda para sa ating dalawa." Nang marinig ni Kurt ang sagot ko niyakap n'ya ako ng mahigpit pansamantala namin nakalimutan ang kanyang pag alis. Nang bigang tumunog ang phone nito agad itong kumulas sa pagkakayakap sa akin. Tinignan muna nito kung sino ang natawag bago tuluyang sinagot. "Yes dad," maikli nitong sagot sa kausap sa kabilang linya. "Dior, I have to go." malungkot na paalam niya. Mag-iingat ka palagi. Lagi akong tatawag sayo 'wag kang malulungkot. Mabilis lang naman ako na mawawala. Pangako tutuparin ko ang promise ko sayo. Hintayin mo ako Dior," Maluha luha pang sambit nito sa akin habang hawak ang kamay ko. "Oo. Kurt, maghihintay ako kahit gaano pa katagal panghahawakan ko ang pangako natin sa isa't isa..." muli na naman umagos ang luha sa aking mga mata. "Sssshhh.. Please, don't cry," habang pinupusan nito luha ko gamit ang daliri n'ya. "M-mag iingat ka din 'don. Palagi akong mag papaload para makapag usap pa rin tayo. Ililista ko ang mga nagastos ko. Bayaran mo ako pag uwi mo, huh?" biro ko pa kay Kurt. Alam ko na mas malungkot pa ang dadatnan n'ya na buhay sa L.A na s'ya lang mag isa. At ayaw ko nang dagdagan pa ito. Natawa pa sya sa sinabi ko sabay pisil sa magkabilang pisngi ko. "Dior, cute mo talaga." Natatawa n'ya pang sambit. "Oo lahat ng bagay na mangyayari sa akin. Ikaw palagi ang unang makakaalam." Nakangiti pa n'yang saad. May kinuha ako sa loob ng bag ko," Kurt, para sayo," sabay abot ko dito ng regalo ko. "Ako ang gumawa n'yan." Isa itong handmade bracelet. "Salamat Dior, iingatan ko ito." "Saka nga pala Dior, para sa'yo talaga ang love letter na ipinasulat ko," Natatawa pang pag amin ni Kurt. "Torpe." Buska ko pa sa kanya. "Dior, I'm gonna miss you," Naiiyak pa n'yang sabi. "Mag iingat ka palagi. Alam ko hindi ka pababayaan ni Janice. Maaasahan mo din si Drake. Pangako ko sayo, babalik ako," malungkot na sambit pa n'ya. Tumango lang ako, ayaw ko nang magsalita pa alam ko anytime babagsak ang luha ko. Unti-unting nilalapit ni Kurt ang mukha n'ya sa mukha ko. Napapikit ako hindi ko alam ang dapat kong gawin. Buong akala ko na hahalikan n'ya ako sa aking labi. Naramdaman ko na lang na lumapat ang kanyang labi sa noo ko, kasabay ng pagyakap n'ya sa akin ng mahigpit. Dahan dahan pang kumulas si Kurt na para bang ayaw n'ya pa akong bitawan. Tatalikod na s'ya nang bigla kong hinawakan ang kamay n'ya. Dahan dahan naman n'yang inalis ang pagkakahawak ko dito at naglakad na palayo. "Kurt...no! Please!!" Malakas ko pang sigaw sa kanya habang umiiyak. Hindi na s'ya muli pang lumingon sa akin nang mawala na sa paningin ko si Kurt tuluyan na akong napaupo habang walang tigil ang pag agos ng luha ko. "Kurt..."tawag ko pa sa kanya. Napatungo na lang ako habang patuloy pa din na umiiyak. "Friendship? Ok ka lang ba?" Agad naman akong nag angat ng tingin ng marinig ko na magsalita si Janice umupo na sya sa tabi ko. Yumakap naman ako sa kanya habang patuloy sa pag iyak. "Ssshhh.. friendship, tahan na." pang aalo n'ya pa sa akin. Habang hinahagod ang likod ko. "S-si k-Kurt K-kasi ang p-pangit kabonding." pautal utal pa ako dahil sa pag iyak ko. "S-sana p-pala n-naging m-mabait ako sa k-kanya Janice, s-siguro h-hindi n'ya a-ako i-iiwan." sambit ko pa habang sinisinok na ako sa labis na pag iyak hindi na yata mauubos ang luha ko. "Babalik din naman s'ya, 'wag ka nang malungkot graduation natin ngayon pero nagluluksa ka." saad nito pilit pa n'ya ako na pinapatawa. I am blessed na may isa pa ako na kaibigan na karamay ko si Janice. Saka Tama si Janice babalik si Kurt para tuparin ang promise namin sa isat isa. Kung kailan. Hindi ko pa alam. Sa ngayon panghahawakan ko ang mga pangako na binitawan ni Kurt buong pagtitiwala ang ibibigay ko. Alam ko darating ang araw na pinakahihintay namin dalawa, gaano man katagal handa akong sumugal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD