Five

3726 Words
Bangin   Sa laki ng mundo... sa libo libong dami ng tao... at sa naranasan ko na naging sanhi ng mga takot at agam agam ko... hindi ko inakala na makakaramdam ako ng ganito. Hindi ko maintindihan bakit biglang nagbago ang puso ko. Nakaramdam ako ng tapang upang sumubok harapin ang bagong pakiramdam na hatid mo, kahit pa sa estado mo ngayon ay nadudurog ang puso mo dahil sa minamahal mong bumigo sa'yo. Kahit pa alam kong para kang bangin, binigyan mo ng tapang ang puso ko na sumubok tuklasin... ano nga ba itong sinasabi nilang pag ibig... Kahit baka ito ang magdulot ng pinakamasakit na sugat na maari kong danasin, basta ang mahalaga naramdaman ko ito... kahit masakit na hindi ako ang gusto mo. Naramdaman ni Shayla ang pamumula ng mukha sa pagtitig niya kay Gerard. Siya mismo ay hindi makapaniwala sa sarili na mayroon siyang guts na gawin iyon. Huminga siya ng malalim, at binaling ang tingin sa view ng Taal lake. Napansin niya ang bandang baba ng lugar na iyon, at napagtantong malalim pala ang babagsakan niyang bangin kung mahulog siya -- o kung maisipan ni Ardy na magpatiwakal? Umatras siya papalayo sa edge ng terrace at napansin ni Gerard ang kaniyang reaksyon. Hindi kaya ito talaga ang plano ni Ardy kaya ito naglalagi dito?  Namilog ang kanyang mga mata at mabilis na bumaling dito. She could not help but feel worried for him. "Naku, Ardy! Huwag kang magpapakamatay! Sayang ang kagwapuhan mo! Magkalat ka muna ng lahi." "What?" napangiti si Ardy nabulalas niya. Ngunit kahit pa ito natatawa sa kaniya ay halata sa mga mata nito ang lungkot. Hindi rin nakalagpas sa paningin niya ang dimples nito. May kung ano na naman kumiliti sa kaniyang puso. "Baket naman?" napakurap siya sa narinig na tanong nito. "Huh? Ah eh... kasi... diba depressed ka?" hindi niya tiyak na tugon. "So? If I'm depressed?" napa-isip saglit si Gerard at biglang natawa. "You think I'd go jump?" Tila hindi ito makapaniwala na ito ang iniisip niya. "Ah eh... oo." Pag-amin niya sabay kamot ng ulo. Napatawa si Gerard. “Iba rin ang imagination mo, a! You're a funny and cute one!" Naaliw nitong sabi sa kanya. He gently tapped her head as if she was a pet. "But, thank you for the concern." Anito bago bumaling sa kawalan. He sighed before he continued." Don't worry, I won't. Kahit sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon... even if my world crashed... and I feel lost... I won't still take the life I've been given by Him..." turo nito sa taas. Napatingala din siya sa langit. "I owe it to my parents...to those who care for me," pagsabi nito ng huli ay bumaling ito sa kaniya. "To not give up." What Gerard said was a wake up call for her. It was an answer to a lingering thought of her own--- hush… hush…suicide.   She blocked her mind from remembering the many times she planned and attempted but never pushed through with it. "My take on suicide, if I may express my own opinion, is that it doesn't mean you're a coward if you take your own life. You're actually brave... for the wrong reasons. Taking my own life shows how proud and arrogant my heart is that I can't kneel down and pray to the One that put me here on earth for a journey as His soldier, and admit that I need  His strength in this battle..." Anito. "Well, that's just my take on it, a?" Dagdag pa nito. “So, there, not taking my own life. But ruining my own life because of this pain.... is entirely a different story.” Napangiti ito habang nakatingin sa kaniya, bago muling bumaling sa pagtitig sa kawalan. Habang pinoproseso niya ang malalim na sinabi ni Gerard, ay hindi niya naiwasan ang pagmasdan ito. Ang guwapo niya lalo pag ngumingiti. Hihihi! "Care for some?" Gerard offered an unopened can of beer to her. Naputol ang pagpi-piyesta ng kaniyang mga mata sa kaguwapuhan ng binate.  Tumanggi siya. "Actually, aayain sana kita mag-dinner kahit ikaw yung...ano...may ari ng bahay...ehehe..." nahihiya niyang paliwanag. Sana pumayag! Sana pumayag! Sana puymayag. Tom jones na akesh! "I'm not hungry." Malamlam ang mga mata nito at umiling. Hala! Paano ako kakain ngayon kung ‘di siya sasama. Nakakahiya naman kung lalafaning ko na yung pagkain na wala yung may ari ng bahay doon. Kasi naman itong si Ardy. Gugutumin pa ang sarili. Hindi na lang mag-move on. Andito naman ako. Ayi!   “G-ganun ba? Hindi ka kakain…” Kung sa bagay, ayos din lang naman para marami rami din ang makain ko na hindi nahihiya kasi hindi mo naman makikita iyon. Naisip niya. "Pasensya ka na kung hindi kita masasamahan... please feel at home though." He smiled unintentionally. "Are you sure?" tanong niya na may pag-aalala. "Yes, I guess..." nag-isip na sagot nito. Saglit itong natahimik at napatulala, bago tumalikod at humarap sa magandang scenery ng Tagaytay. Humugot ito ng malalim na hininga bago muling uminom ng beer. Napatingin siya sa lamesa sa loob ng billiards room. Kita kasi ang lamesa doon, mula sa glass sliding door. Binilang niya sa kinakatayuan niya kung ilang cans ng beer ang nainom nito. Binilang niya ito. "5...10...15?... 20!" Nagulat siya sa dami ng nainom nito. She even wondered why he could still manage to be collected.   Grabe si Koya, oh! Gusto niya talagang malasing para makalimutan yung ex niya. Huhubels! Kawawa ka naman Papa Ardy! Napatawa si Ardy sa pagbibilang niya. “Bakit mo binibilang yung nainom ko?” "You must love her that much..." nahihiya niyang komento. Nalulungkot din siya para sa sinapit ng relasyon ni Gerard sa babaeng mahal nito. Tumingin sa kanya si Gerard na tila pinag-isipan ang nasabi niya. "Yes..." pag-amin ni Ardy at biglang nanginig ang balikat nito. He looked defeated as tears fell from his eyes. It was the first time that she saw a man cry. She felt the need to reach out to console him. She took a step closer to him. Malaking improvement iyon para sa kaniya lalo na’t may takot siya sa mga lalaki gawa ng trauma na paulit ulit niyang nararanasan kay Lucio Santiago. Nagulat siya nang bigla siyang yakapin ni Gerard na tila kinailangan nito ng suporta. Nai-harang naman niya ang kanyang mga kamay sa pagitan nilang dalawa dahil sa kaniyang gulat. Isa pa'y wala pang lalaking naka-akap sa kaniya lalo na ng ganito kahigpit at tila may paghingi din ng saklolo sa kaniya--- siya na sa tingin niya na mahina at walang kakayahan protektahan ang sarili niya, ay sandalan ngayon ng isang taong nagpipighati sa nasirang pangarap at pag-ibig nito. Nahabag siya para kay Gerard. Sa isip niya, marahil ay sobrang sakit ng nararamdaman nito. Sa isang iglap, lahat ng tinayo niyang defenses, force field, alertness ay nalusaw sa yakap na iyon. Alam niyang yakap iyon ng taong naghahanap ng saklolo at suporta. May kakaiba siyang naramdaman sa yakap na iyon. For the first time, she felt safe in the arms of a man, and she instantly savored the feeling, as if she had been yearning for one. Dahan-dahan niyang ibinaba at inalis ang mga kamay sa pagitan nila ni Ardy at niyakap na din ito. "Kaya mo yan..." aniya. "There's a lot of fish in the ocean. Hindi lang siya ang puwedeng magmahal sa'yo at puwede mong mahalin." Napaluha na rin siya. Hinimas niya ang likod ni Ardy sa pag asang maibsan kahit papaano ang nararamdaman sakit nito. "Pero si Bianca ang mahal ko..." he said in muffled words. Shayla couldn't explain it, but she somehow felt the pain he was trying to endure. She felt his brokenness. And while she was consoling him, she was also enduring her first heartbreak with what he said. She felt a pang of jealousy and quiet rejection.   Matagal silang magka-akap. Halos pawisan na ang kili-kili niya. Naramdaman niyang bahagyang umatras ito at humiwalay sa kaniya. "I'm sorry," mahinang nasamabit ni Ardy. Naupo ito sa garden chair at mabilis tinakpan ang mukha ng mga kamay. Siguro'y para i-compose ang sarili, lalo pa't hindi siguro ito sanay na magpakita ng raw emotion at vulnerability. Here was a broken human being in front of her, and it was new to her to witness a man cry. Naawa siya dito kaya napagdesisyonan niyang samahan ito sa pagdadalamhati. Inilipat niya ang ibang cans ng beer sa gazebo. Binigay niya ang isang can kay Ardy at kumuha din siya ng para sa kanya. Nilapit nito sa kanya ang hawak nitong bagong can ng beer para mag-bottoms up. Hindi niya kaagad naintindihan ang ibig sabihin ng gesture ng lalake ngunit ginaya niya ito kahit delayed ang kaniyang reaksyon. Pinuntahan sila ni Mang Ambo at dinala ang chicken adobo, crispy pata, inihaw na isda, at potato chips. "Heto. Kung di kayo maggagabihan Sir Ardy, at least may laman ang tiyan niyo. Pagsaluhan niyo na lang. Sabihan niyo lang ako kung may gusto pa kayo ihain o kung oorder ba ako sa labas. Nandun lang ako sa quarter ko at manonood ng basketball." Anito. " Ikaw na bahala kay Sir Ardy. Pilitin mo kumain kahit kaunti. Walang laman ang tiyan niyan." Sabi pa nito sa kaniya, kahit na naririnig ito ni Ardy. "Mang Ambo, ayos lang ako. Salamat." Tugon ni Ardy. " Please, help yourself." Alok nito sa kaniya.   Naaliw siya sa sinerve ni Mang Ambo at ito ang nilantakan niya. Inalok pa niya si Ardy upang kumain. "Cheers!" Anito at matagal na tumitig sa kanya, bago nilagok ang beer. Hindi na ulit ito tumingin sa kanya. Itinuon nito ang atensyon sa mga nakaabang na can ng beer sa harap nito. Siya naman ay sige lang ng sige sa pagpapak ng pagkain at inom. Na-realize niya na sa umpisa lang pala medyo mapait sa panlasa ang beer ngunit katagalan pala ay tumatamis na ito sa panlasa. Masarap din pala ito ikumbinasyon sa pulutan. Muling pumunta si Mang Ambo sa gazebo at naglagay ng scented candles sa bawat sulok malapit sa kanila. Anito para daw lumayo ang mga lamok at papakin sila. Ibinigay din nito ang mobile phone at charger ni Ardy. Sinabi nito na tumatawag daw ang Mommy nito. "Hindi pa alam ni Mom na nandito na ako, Mang Ambo. Please huwag mo muna sabihin. Just give me this night. " Pakiusap ni Ardy sa matandang lalaki. "Ok, Sir Ardy. Basta alalay lang sa pag inom." Paalala ni Mang Ambo sa kanilang dalawa. Nagpasalamat sila ni Ardy kay Mang Ambo.  Inabala ni Ardy ang sarili sa mobile phone. Tila may bina-browse ito, nang biglang may tumunog na music sa may billiards room . "Hala! Katakot!" Nasabi niya. "Tumutunog mag-isa!" "Don't worry. I just played Spotify using my phone. Nako-control ko yung speakers via Wi-Fi." Paliwanag nito. " Wow, hi-tech pala itong bahay niyo." Aniya. "Ganda!" Aniya habang nakikinig sa music. Magaling ang nag-design ng bahay na ito." Dagdag pa niya. "Thank you." Sagot nito habang nakatuon pa rin sa mobile phone.  "Thank you? Bakit? Ikaw ba nag-design nito? Nangi-istir ka lang eh. " Aniya. Napangiti si Ardy. "Ako nga, kasi hilig ko. Magbo-board exam na lang ako at kapag pumasa, architect na..." anito. "Tapos magpapakasal sana kami ni Bianca, pero hindi na matutuloy..." buntong hininga nito habang nakatingin pa din sa mobile phone. "Ano bang ginagawa mo? Tinitingnan mo yung pictures niyo ni Bianca, no?" tahasan niyang tanong. Nakaramdam siya ng pagseselos. "Yeah--" tipid na sagot nito. "Delete." Sambit nito. Nanlaki ang mga mata niya. "Dinelete mo pictures niyo?" gulat niyang tanong. Hindi siya makapaniwalang magagawa ni Ardy iyon, ngunit sa isang banda, ay natuwa siyang malaman iyon. Tila nagbigay ito ng pag-asa sa kaniya.  "Sayang..." kunwari ay nanghihinayang siya. "It's okay. I just deleted my file sa phone pero meron naman akong copy sa Microsoft drive."  Anito at muling uminom. "Ah..." pahilihim siyang nadismaya.  "Good!" Thumbs up pa niya at lumagok ng beer I hope it will drown my emerging feelings this way. Shet! Kakakilala ko lang sa kaniya, ganito na nararamdaman ko? Huhu! Ang sakit pala mag-selos. Lumipas ang ilang oras at walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Namumungay na ang kanyang mga mata. "Hay pogi..." wala sa isip niyang nasambit. Napatakip siya ng bibig sa kahihiyan. Bahagyang napangiti si Ardy. "Lasing ka na nga." Kulang na lang ay umikot ikot ang puso niya sa kanya. Hay, puso! Kalma lang. Ngayon, galak na galak ang puso ni Shayla.This was the first time she felt this way, and this was the first time she ever lightened up. *** January 17, 9:00pm I need to get laid tonight! Her naked image earlier is the only thought I have right now. Her unclothed, sprawled, and taunting me in bed... it's giving me an effing hard on.  s**t! How can I push  the thought away?  I need to stop these perverted thoughts. It's just unfair for her. It's not right! Sita ni Gerard sa sarili. Napabuntong hininga siya at napa-shift sa kinauupuan dahil sa paninikip ng kanyang pantalon. Patuloy niyang pinagmasdan ang magandang mukha ng kaharap na babae, pati ang hubog ng katawan nito. Tahimik niyang pinanood ang kilos ng dalaga. Napansin niyang hindi ito marunong uminom. He would have been a gentle man and would have advised her to stop drinking for her own good. But, admittedly, he was all too perplexed, and his heightened carnal desire was too hard for him to ignore this time. He re-shifted on his seat and tried to focus on getting to know the person who chose to spend time with him despite his messy state.  He sighed, and just tried to distract himself. "I know it's rude to ask a woman's age, but how old are you?" tanong niya, trying to focus on getting to know her, but the image of him him ramming her as she whimpered in pleasure was lingering at the back of his mind. "I'm 20 years old and I'm from Calamba, Laguna!" Nagtaas ito ng mga kamay na parang nag-iintroduce ng sarili sa gay beauty pageant. Bigla siyang napatawa. Laugh trip naman ngayon? Lasing na nga ako! Naisip niya. Pero sige, tumawa na lang kami ng tumawa kesa ano pang magawa ko sa babaeng ito. Pinanood niya na nag-pameywang pa ito sa isang kamay at hinawakan ang can ng beer na animo'y isa itong microphone, bago nagsalita. "There's a saying that I hold true, and that is... 'Life is like a box of chocolate. Half way through you get fat, then eventually have diabetes, and then it kills you! I thank you!" Napatawa na naman siya. Sa tingin niya ay hindi naman talaga nakakatawa ang sinabi ng dalaga, pero natawa siya sa pagkabibo nito. "Yes, I think you're right. Let's drink to that!" Malakas niyang sabi at itinaas ang kanyang can papunta sa dalaga upang makipag-toast. Pinilit ng dalaga na i-extend sa kanya ang kamay nito para tapikin ng can nito ang hawak niyang sariling can. "Cheers!" Anito. Pagkatapik sa can ay nadulas ito sa kinauupuan at nahulog sa sahig. "Ano? Kaya pa?" natatawang tanong niya habang tinutulungan tumayo ang dalagang nakahandusay sa sahig. Naka-side view na ito na parang patulog na sa sahig. Sinubukan niya itong itayo, ngunit dahil lasing na nga din siya ay na-out of balance sila pareho at napahiga. Sa kanya bumagsak ang dalaga. Mabuti na lang at nahawakan niya ito dahil siguradong tatama ang ulo nito sa sahig. Nagmulat ito ng mata, at nagkakatitigan sila. "Can you not stare at me like that?" halos maduling duling na sabi nito sa kanya. "I'm sorry... I can't help it." Nakangiting sagot niya. "I have a beautiful woman on top of me..." flirt pa niya habang tumatayo ang babae sa pagkaka-upo sa ibabaw niya. Kahit lasing ang babae ay halatang nag-blush ito. He found her reaction cute. Para itong bata na first time na nagka-crush. Madali itong ma-conscious at umiiwas parati ng tingin.   Madali naman siyang makaramdam kapag may pagtingin ang isang babae sa kanya. Siguro nakasanayan na rin niya dahil noon pa man ay may mga nagkakagusto na sa kaniya, pero isang babae lang ang nagpatibok ng kanyang puso at si Bianca iyon. Enough of Bianca! Sita niya sa sarili. Here is a beautiful woman in front of me. Who knows, she might be more deserving of love than what I've given to Bianca? I know this woman likes me. But if she's really a good woman, who I think she is, she doesn't deserve a guy like me--- on the rebound. Isa pa, baka masaktan na naman ako. Bata pa siya... Baka katulad din siya ni Bianca. Mabo-boringan din lang ito sa akin at lolokohin niya lang ako! Mas mabuti pa nga na hindi sine-seryoso ang love. Mas okay pang mag-indulge in casual and wanton s*x, but no strings attached. Walang responsibilidad. Walang sabit. I'm totally free! Ngunit hindi siya ang tipo ng lalaki na basta basta na lang magdadala ng babae sa kama. He observes. He waits. He takes his time. He enjoys the moment and then pounces. Muli niyang binalingan ang lasing na babae. Inalalayan niya itong bumalik sa upuan at tumabi pa siya dito. "You seem to be a happy person. You must have a happy life and a happy family." Sabi lang niya to start a conversation. "Hindi naman," tanggi nito sa kanya. "Kung alam mo... hik... lang... hik... ang buhay ko...hik," sinok nito. "Hindi siya happy." Umiling pa ito. "Hindi telege. Pramis!" "Would you like to share it?" interesado niyang tanong at humarap sa dalaga. Their faces were just two inches away from each other, and they could feel each other's breath. Nagulat ang dalaga at umurong ng kaunti papalayo. Napakunot noo pa ito at parang naduduling na nagsalita. "Kailangan ba talaga pag nag-usap sobrang lapit?" komento nito. "This is my way of telling you I'm interested," he innocently said. "Okay fine..." tugon nito at pumikit. Huminga ito ng malalim bago nagsalita. "Namatay ang dad ko... hik... bago pa ako naipanganak. Nagpakasal ang Mommy ko....hik... sa isang politician na gusto akong gawin mistress. Hik! Sabi ng step father ko... hik...if he can't have me, no one will..." mabilis nitong istorya na parang nagmamadaling tapusin ang kwento. "I'm...hik... trapped! I'm...hik...hopeless!" Napamulat ito ng mata at tinakpan ang bibig. "Masyado na yata akong maraming naikwento. Hik! Pang-ilang can ko na ba?" "Hey," aniya na hinawakan ang babae sa baba. "You can tell me anything. My lips are sealed. And who knows, baka makatulong ako." He said without feeling conscious as their faces were so close to each other. Napatingin ang dalaga sa mga labi niya at napakagat labi. Napangiti naman siya dito, dahil tiyak niya na kung ano ang iniisip nito. He knew she wanted to kiss him. Tumitig pa ang babae sa kanya at parang sinusubukan basahin ang kanyang mga mata. Ngunit habang tumitig ito ay para bang nahi-hypnotize siyang halikan din ang labi nito. He looked at her red, wet lips and it was inviting, too. Lalapitan na sana niya ang dalaga, pero bigla itong nagsalita. "O sige, iispluk ko na..." anito. Napangiti siya at napakunot noo dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin nito, at kung may idadagdag ba ito sa kinuwento. Basta ang alam lang niya ay parang inosente pa ang kanyang hahalikan and he was very tempted to taste her lips. Slowly, he came closer to her, but she suddenly spoke. "Sinasaktan ako ng step father ko pag naabutan niya ako." She blurted. It made him stop from kissing her. " Ewan ko pero magaling siguro ako tumakas, " kibit balikat pa nito habang nakatingin sa kawalan. "Makailang ulit na niya akong tinangkang abusuhin...babuyin... salamat na lang sa Diyos dahil nakakaalpas ako... " This time, there were tears in her eyes. She was getting emotional. "Pero bumabalik pa rin ako sa bahay niya kasi nandun ang Mommy ko..." lumingon ang babae sa kanya at nakita niya sa mukha nito ang frustration sa kasalukuyan nitong sitwasyon. "Nalulong na kasi si Mommy sa drugs eh..." sabi nito, at saka pinunasan ang luha. "Pero ang plano ko eh makatapos ng pag-aaral tapos makaipon para maitakas si Mommy." She said it as if she was not talking to anyone but herself. "Gora! Kaya ko 'to!" Sabi pa nito. May kung anong kurot at habag siyang naramdaman sa puso nang marinig niya ang storya nito. Something inside him wanted to protect her from her step dad, and to help her.  He felt angry with her step dad. Kahit sino naman siguro ay magagalit kung malaman na may ganung klaseng tao. Naawa siya sa babae at sa mommy nito. "Bakit hindi ka humingi ng tulong sa kinauukulan? O kaya sa boyfriend mo?" "Kung magsumbong ako, mas lalong mapapahamak ang Mommy ko. At saka wala naman akong boyfriend. Zero since birth. Kasi nga sabi ng step father ko, if he can't have me, no one will."   "Ewww... Chuckie na manyak ng step dad mo!" Pa-bakla niyang komento. "Hahaha! Chuckie talaga? Saan mo natutunan yan?" "Why do you want to know?" pa-bakla pa rin niyang sagot. "Hindi ko lang ini-expect na marinig sa'yo yan. In fairness, bagay sa'yo, bakla! Apir tayo! Pak! Ang ganda mong bakla, 'teh! Flawless at may dimples pa. " "Hindi ah. Lalakeng lalake kaya ako." Umarte pa siya na parang defensive at hindi sure sa gender niya. Tumawa lalo ang babaeng kasama niya. At natuwa naman siya na napatawa niya ito. Kahit saglit ay makalimutan man lang nito ang mabigat pa lang dinadala. Pero may naisip siyang kapilyuhan. "Siguro kaya mo ako sinasabihang bakla kasi gusto mong halikan kita, no?" buyo niya. "Huh?" nagulat at namula ang babaeng kasama. "Saan naman nanggaling ang idea na yan?" kunwari'y hindi ito apektado, pero sa maikling panahon na nakilala niya ito ay napansin niyang panay ang kagat nito sa labi sa tuwing nako-conscious ito. "Tinutukso mo kasi akong bakla. Nakikita mo ba itong muscles na ito?" pagyayabang pa niya sa biceps niya, "At ito pa," inangat niya ang shirt niya to show his abs. Lumapit ang dalaga at pinindot ang biceps niya pati ang abs. Mukhang hindi na ito naiilang sa kanya. "Baah.... uu nga nu! May muscle ka nga, pero kahit mga gays ngayon eh nagba-body building na rin, diba?" pang aasar ng dalaga.  Napasimangot siya na nagpabungisbgis naman dito. "Natawa ka sa hirit mo? Ganun ha! Gay pala, a!" Sagot niya at kiniliti ito. "Eto sa'yo!"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD