Bathroom Soiree
"Who are you? Why are you in my room?" magkasalubong ang kilay na tanong ng lalaki kay Shayla. Saka lamang niya napansin na binalutan na pala siya nito ng tuwalya.
Waah! Naked! Me? In his room? Yun na lamang ang tumatakbo sa utak niya.
Shayla watched him as he looked away while he wrapped her with a towel, and while he was claiming that the room was his.
"Your room?" nasambit niya na may pagtataka. Ang alam niya kasi ay si Percival ang may-ari ng bahay na'to. "Anong your room ang pinagsasabi mo diyan?" nagulat siya sa sarili niyang tapang.
"Miss, this is my room." He emphasized. Tila hindi nito pinansin na nagtataray siya. "Can you stand on your own?" tanong pa nito, at nakahawak sa kaniyang mga balikat.
"Get your hands off me!" Sinubukan niyang bumangon sa malamig na sahig, ngunit naramdaman niya ang sakit ng katawan at napangiwi.
Awtomatikong nakuha ng lalaki ang reaksyon niya at marahan siyang kinarga ng pa-bridal style. Ikinagulat naman niya iyon at di sinasadyang mapayapos at mapahilig sa may bandang leeg nito.
Napangiti siya. Juzko! Amoy alak siya, Lord, pero bakit ang bango bango pa rin niya? Parang puwede na akong sumiksik sa leeg niya poreber!
Napatingin sa kanya ang lalaki at napailing. "Tsk! Baliw pala ang isang 'to, e!" Komento nito habang umiiling.
Doon niya napagtantong nabigkas pala niya ang nasa isip niya.
Napahiya siya at agad na sumagot. "Ibaba mo ko, at lumabas ka dito!" Pataray niyang utos. Ginagaya niya kasi ang napanood niya sa tv.
Napatigil ito sa paglalakad at tila natawa.
"Ako?" tanong nito, bago siya marahang ibinaba.
Siya naman ay nagulat dahil hindi siya nito hinulog sa sahig o sinaktan. It was a new experience for her. It caught her unprepared.
"Malamang!" Sinubukan niyang magpanggap na matapang. "Tayo lang dalawa dito, diba?" pataray pa niyang tanong habang mahigpit ang hawak sa tuwalyang nakabalot sa kaniya.
"Ako talaga ang pinapaalis mo dito?" mapanukat na tingin ng lalaki sa kaniya.
"Oo!" Mapanukat din niyang balik ng tingin dito. Ngunit napansin niya ang kabuuan ng lalaki.
Sa isip niya, tila parang napapa-rap siya: Grabeeeee! Grabeee! Bato bato ang abs! 2-4-6-8! What was that below his waist? Break it down! Yo!
That was when she realized that he was seeing him in all his naked glory.
"Aah! Magtakip ka nga!" Napatili siya at nilagay ang dalawang kamay sa mga mata. "Exhibitionist!" Talikod pa niya.
Ilang saglit lang ay muli itong nagsalita. "Harap na!" Narinig niyang inis nitong utos. "At magpaliwanag ka kung sino ka."
Dahan dahan ay humarap siya. Sinilip niya sa pagitan ng kaniyang mga daliri kung nakabihis na ito, at nakitang nakapulupot sa bewang nito ang isang kumot.
"Bakit naman ako magpapaliwanag sa'yo?" pataray niyang tanong, habang akap ang tuwalyang nakabalot sa kaniyang katawan.
"Miss Baliw, binibigyan kita ng pagkakataon magpaliwanag kung bakit narito ka, bago kita ipapulis!" Mayabang nitong sagot, at akmang lalapit.
She automatically stepped back. She was frightened he would hurt her, so she raised one arm up to shield herself. She squinted her eyes, mentally preparing herself for the strike, but nothing happened.
She slowly opened her eyes and saw him just studying her, which unnerved her. Saglit na katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. And it made her feel uncomfortable. In panic, she thought of a way to break the silence.
"Baket? Sino ka ba?" pataray niyang tanong, habang naiilang sa pagtitig ng lalaking kausap niya na tila ba ina-analyze siya.
But the worst thing she felt about the manner he looked at her was that she saw pity in his eyes.
Bumuntong hininga ito at umiling bago tumingin pataas.
"I came home to have peace and quiet, and here you are giving me this difficult woman?" bulong nito na tila may kausap sa bubong.
"Ito yata ang baliw eh! Kinakausap sarili niya." Nasambit niya. "Tsk! Sayang! Guwapo pa naman."
He glared at her. At kung ang tingin ay nakakatunaw, tiyak na natunaw na siya.
Natunaw sa kaguwapuha niya! Ang gaga kumekerengkeng nuhhhh! Naisip niya.
"Tama na ang kalokohan. Uulitin ko ang tanong-- who are you, and why are you here?" matigas ang boses nito.
"Ang sungit mo!" Komento niya. "For your information, bisita ako ng may ari ng bahay na'to!" Mayabang niyang sagot.
Napakunot noo ang lalaki. "What are you talking about? I didn't invite you. I don't even know you!" Sagot nito na tila naiinis. "I mean," sinipat nito ang katawan niya, kaya napahigpit ang hawak niya sa kaniyang tuwalya at napaatras. "You're good to go, but no!" May panlalait na sabi nito.
"Hoy! Hindi ako easy lay! Gago!" Naningkit ang mga mata niya at sasampalin ang lalaki, ngunit nakaiwas ito. "Umalis ka dito kung hindi tatawag ako ng pulis!" Pananakot pa niya.
"Miss, baka ako ang tumawag ng pulis. Ako lang naman ang may ari ng ng sahig na tinatapakan mo. Ako din ang may ari ng tuwalyang ginagamit mo, at banyong niliguan mo ng walang paalam!" He crossed his arms with a smug look on his face. "Ako ang may ari ng bahay na'to!"
"Liar! Si Percival ang may ari ng bahay na ito!" Giit niya.
"Si Pyke?" saglit na napatigil ang lalaki. "Alam ba niyang nandito ka?" napakunot noo ito. "May relasyon ba kayo ni Pyke? Alam mo bang nandito din ang girlfriend niya?" may inis sa tono ng boses nito. "Miss, wag kang manggulo dito. Umalis ka na lang kesa manggulo ka pa sa kanila. Mahal na mahal ni Pyke ang girlfriend niya." He attempted to reach her to lead her out of the door, but she stepped back.
"Wala kaming relasyon ni Percival!" Tanggi niya. "At wala akong balak manggulo sa relasyon nila ni Rori!"
"Yada yada, Miss Baliw." He said with eyes closed, and his fingers on the bridge of his nose. "Please, just put your clothes on and leave. I want to be alone."
He made it obvious to her that he was not interested in her. It came as a complete surprise to her. Kadalasan kasi ay siya ang hinahabol ng mga lalake. Hina-harass pa nga siya at tina-trap ng katulad ni Lucio, para maisagawa ang matagal na nitong balak na panghahalay sa kaniya. Ngunit itong lalaking ito, pinapaalis siya? Her system got disoriented. Kung computer siya ay kanina pa nag-reboot ang system niya.
Buset to, ah! Nakakainsulto! Sipain ko kaya sa balls 'to? Grrr!
"There must be a misunderstanding between you and Percival on the schedule you should come here, but I'm giving you a way out. Do you accept dollars?" tanong nito.
"Dollars?" confused niyang tanong.
"Ako na ang magbabayad for Percival, and ipapahatid na rin kita sa driver."
Saka lamang niya napagtanto ang sinasabi ng lalaking kaharap. Iniisip nitong bayaran babae siya. Naningkit ang kaniyang mga mata at lumipad ang kamay nito sa mukha ng lalaki.
"Bastos! Hindi. Ako. Bayarang. Babae!"
Nanlaki ang mga mata ng lalaki at napasapo sa pisngi nito.
"What the hell? Trespassing ka na nga sa bahay ko, sinapak mo pa ako! Ipapapulis na kita!" Banta nito.
"Ikaw ang ipapapulis ko!" Matapang niyang sagot at kakaripas na ng takbo patungo sa pintuan upang humingi ng tulong.
Hinabol naman siya nito at mabilis na kinarga na parang sako.
"Waah!" Yapos niya ang tuwalya na halos mahubad na sa kanya dahil sa pagbuhat nito. "Ibaba mo ko!" She demanded.
"Ako pa ang ipapapulis mo? Ikaw itong trespassing dito! Baka magnanakaw ka!" Bintang nito.
Pilit siyang nagpumiglas kaya nawalan ng balanse ang lalaki at napabagsak silang dalawa. Mabuti na lang at mabilis ang kilos nito at sinigurado nito na malambot ang babagsakan nila.
Una siyang bumagsak sa kama at napadagan sa kanya ang lalaki. Naramdaman niyang nasa kama na pala siya at ang lalaki ay nakapatong sa kanya. Mas lalo tuloy nagkalapit ang kanilang mga mukha.
Paksheyt ang bigat! Humiged ang guwapo! Baka ako pa ang mang-rape dito, ah! Keshe nemen eh! Laglag panty! Panty? Naka-panty ba ako?
At dahil sa huli niyang tanong ay napabalik siya sa riyalidad--- na wala nga siyang panty, at nakapatong pa rin ang lalaki sa kanya.
"Aaah!" Tili niya at pinaghahampas ito.
Pinigilan naman ng lalaki ang mga kamay niya at inangat pataas sa kanyang ulo.
"Tumigil ka nga sa kakasigaw!" Galit na pigil ng lalaki.
"Bitiwan mo 'ko!" Sigaw niya.
"You answer me first! Sino ka ba?" matigas na tanong nito. "If I know better, you're one of those girls obsessed with me!" He scowled. " Or you're a crazy, amateur, pretty chic thief!"
Pretty? Thief? Ako? Compliment ba yun o insulto? Pretty daw ako, pero magnanakaw naman? Leche to ah!
"Waah! Drug addict! Bitiwan mo ko!" Hindi niya alam kung saan nangagaling ang lakas niya pero naitulak niya ang lalaki at gumulong ito sa kama. Siya naman ay tumayo at kumaripas ng takbo.
"San ka pupunta? Tatakasan mo pa ako, ah?" hinabol naman siya ng lalaki at hinablot sa may bewang dala para mahulog na naman silang dalawa sa kama.
This time ay siya naman ang napapatong sa lalaki. Ginamit niya iyon na pagkakataon para paghahampasin ito, ngunit hindi ito kumikibo.
Nakatitig lang ang lalaki sa kanya, at tila hindi rin ito nasasaktan sa paghampas niya. Siya pa nga yata ang nasaktan.
Arawch! Ang tigas naman ng dibdib nitech! Manyokit sa kamay! Parang bakal lang ang peg! Ahihihi! Ay! Ba't ako kinikilig? Baliw na yata ako!
Nagtaka din siya kung bakit parang nakatulala lang ang lalaki sa may bandang dibdib niya at napalunok. Agad niyang sinundan ng tingin kung saan ito nakatitig at saka lang niya napansin na naalis na pala ang tuwalya niya at nahantad na sa paningin ng lalaki ang kanyang dibdib. Agad niya itong tinakpan at tumili.
"Manyak!" Aniya at sinapak ang lalaki, nang marinig nila pareho na may kumatok sa sliding door malapit sa kama.
"Shayla?" katok ni Rori.
"Shay?" si Percival naman iyon.
Agad namang siyang binalot ng lalaki sabay yakap upang matakpan ang hinaharap niya. It was a touching gesture, but their position would still compromise her. At kung makikita siya ng mga kaibigan niya na nasa ganitong posisyon ay iisipin ng mga ito na may nangyayari na sa kanila.
Muli nilang narinig sina Rori at Percival na kumatok at tinatawag ang pangalan niya, at ang pangalan na 'Ardy'.
"Ardy, you there, bro?" katok ni Percival.
"Ano ka ba, baby! Puwede ba naman yun na nasa isang kuwarto sila?" si Rori iyon.
"Malay mo." Narinig nilang pabirong sagot ni Percival.
"That's impossible." Rinig nilang sagot ni Rori. "Magpapanic si Shayla! She can't stand being alone in a room with a man!"
"Insan? Ardy? We heard shouting. We just want to check if you're ok." Kalmadong tanong ni Percival.
"Yeah, dude. Just a sec." Tugon naman ng lalaki habang naka-straddle pa din siya dito.
Siya naman ay napatigil sa pagwawala.
Ardy? Pinsan siya ni Percival?
"Are you Rori's friend?" poker face na tanong nito, not minding their awkward position.
Napakagat labi siya at napatingin sa mukha ng lalaki.
"I-ikaw ba si Ardy?" nanlamig ang katawan niya sa hiya habang naka-straddle siya dito.
"Yes," poker face na tugon nito. His reaction could have intimidated her, if it was not just for his handsome face that was so close to hers. It was as if his eyes were hypnotizing her and his lips were tempting her.
"I will let you go now," malumanay nang saad nito. "But will you please calm down?" pakiusap ng lalaking ang pangalan pala ay Ardy.
"Humiged!" Napapikit siya sa sobrang pagkapahiya nang mapagtanto kung sino ang sinapak niya. She nodded her head in response to his question.
"Tatayo na ako. Kung puwede sana pumikit ka na lang?" pakiusap na lang niya.
"Ok." Tipid na sagot nito at pumikit, habang siya naman ay dahan dahan na lumuhod sa kama, sapo ang kanyang tuwalya sa kanyang dibdib.
Nang maramdaman nito na nakatayo na siya ay hinawakan din nito ang kumot na nakabalot sa bewang nito, at maingat na tumayo.
Naglakad ito papunta sa cabinet, at may kinuhang damit, saka pumunta sa sliding door. Siya naman ay parang naistatwa na sa kaniyang posisyon habang pinapanood ang kilos nito.
Bahagya nitong binuksan ang sliding door at lumabas ng kuwarto.
"Ardy! May problema ba? Narinig namin na may sumisigaw sa kuwarto mo." Si Percival.
Lalong siyang nanlumo.