Best Friend Card
JANUARY 17, 4:00PM
Kakatapos lang ng klase ni Shayla.
Kaunting panahon na lang ang kaniyang bubunuin at matatapos na siya sa kursong Office Management. She would have wanted to take Veterinary course but the expenses was too high for her.
Binalak niyang dumirecho kaagad sa bahay ng kaibigan niyang si Rori kung saan siya nakikituloy ngayon. Tulad niya ay patapos na rin ito sa kolehiyo. Sabay nitong kinuha ang mga kursong Business Engineering at Fashion Designing. Balak pa nitong kumuha ng certificate course sa France.
Adik, teh! Habang lahat kami ay nagpupumilit na matapos na makapag-aral, si Rori dinadagdagan pa ito. Palibhasa matalino. Daming storage space! Kung nangno-nosebleed na kami dito kakasunog ng kilay,siya naman tapos na mag-aral at nagme- make up na.
Naalala pa niya ang biro niya dito dahil sa pagka-adik nito na mag-aral.
"Waaag na, Rori! Kung maga-aral ka pa sa abroad, wala akong maa-aplayan bilang secretary pagka-graduate ko! Huhu!"
"Darling, you're meant for greater things like bringing home the Ms. Universe crown!" Tugon naman ni Rori na naniniwalang kaya niya ma-achieve iyon.
Napakagat labi siya. Isipin pa lang niya na rumarampa siya sa entablado ay namamawis na ang kili kili niya.
Hindi niya pinapangarap maging beauty queen. Raket lang niya ang sumali sa beauty pageanta dahil duon siya mas madalas nagkaka-pera.
Mahiyain siya ngunit pinipilit niya ang sarili, dala ng pagkagipit. Kung minsan ay sinusuwerte siya, paminsan ay hindi. At kapag hindi siya nananalo ay nauuwi siya sa pangungutang muna sa mga kaibigan upang may pang araw araw siya.
Masakit sa pride, Lord. Bakit kailangan unasa ako sa iba? Puwede bang ibahin Mo naman ang storya ng buhay ko? Hindi ba puwedeng peace and quiet away from Lucio? Hindi ba puwedeng hindi na drug user... addict... ang Mommy ko? Puwede bang inaalagaan nanlang nuya ako, uuwi ako ng aming bahay na siya ang sasalubong sa akin at sasabihin niyang pinagluto niya ako ng paborito kong chicken adobo?
Tapos iimbitahin ko ang mga kaibigan ko sa bahay at duon ksmi magba-bonding...at makikihalubilo si Mommy sa kanila na hindi ito sabog?
Kusang pumatak ang kaniyang luha at agad niya itong pinunasan na tila ba napuwing lamang siya.
Lahat ng mga kaibigan niya ay tumutulong sa kaniya at malaki ang pasasalamat biya sa mga ito.
Ngunit ss lahat ng mga kaibigan, kay Rori siya lubos na nagpapasalamat sa pagka-generoud nito.
Malaki ang utang na loob niya dito dahil simula nang mag-college siya ay duon na siya tumutuloy kina Rori na walang bayad. Ito pa ang nagbibigay ng mga basic needs niya katulad ng damit, sapatos, toiletries, at undergarments. Pati nga make up, lotion, pabango, bags at kung ano mang maisipan ni Rori na bilin sa sarili ay binibili din siya nito kasama ng ibang mga kabarkada nila.
Sobrang generous ni Rori na walang hinihingi kahit anong kapalit. Ngayon lang.
Rori sent her a text message this morning. Inaaya siya nito na sumama sa double date, at susunduin na daw siya nito matapos ang kaniyang klase.
Ayaw niya makipag-date, pero hindi niya alam paano tatanggi sa kaibigan. Kaya naman minabuti niyang agarang umuwi at magdahilan na lang kay Rori na masama ang pakiramdam niya.
Kabisado rin niya kasi ang kaniyang katawan kung malapit na siya magkaroon ng dalaw. At kapag malapit na nga siyang magkaroon ay bahagya siyang nagkaka-migraine.
Bitbit ang kaniyang mga libro ay dali siyanglumabas ng classroom nang makita niya na nakatayo na ang kaibigang Chinita na si Rori sa may pintuan.
Negosyo ng pamilya ni Rori ang garments kaya up to date sa fashion ang kaibigan niyang ito. At sa araw na ito, tila magpapa-OOTD photoshoot ang kaibigan.
Bakas sa mukha nito ang excitement. Anibersaryo kasi ni Rori at ang boyfriend nitong si Percival. Percival has been in love with Rori since they were kids.
Kahit may takot siya sa mga lalaki dulot ng trauma sa ama-amahan, alam niyang mapagkakatiwalaan si Percival. Mabuti ang puso nito. He's been so patient with Rori. Kahit pa tinakasan ni Rori si Percival ng gabi ng kanilang engagement, ay narito pa din ito ngayon at sinusuyo si Rori.
"Sige na puhlease, Shay! Samahan mo na ako." Pakiusap ni Rori sa kanya. "It's our first-year anniversary ni baby Pyke, and it's the only time we will get to spend together due to our busy schedules. But his cousin suddenly came home from Canada." She felt the frustration in her best friend's voice.
"His cousin caught his fiancée sleeping with another man!" Malungkot nitong saad at umabrisyete pa sa kaniya habang dinadala siya patungo sa parking lot kung nasaan ang sasakyan nito.
"P-pero..." gustuhin man niyang pumalag ay hindi niya magawa.
"Magsasaya kaming dalawa ni Percival samantalang yung cousin niya eh super sad? That's just so horrendous, diba? Oh my gosh! Kawawa naman siya!" Exaggerate nito. "Kaya, puhlease accompany us na para naman may kausap yung cousin niya sa rest house."
She bit her lip as she tried to absorb everything Rori said.
"Hala! Eh bakit kasi ako?" ninerbyos niyang tanong. "Alam mo naman na may phobia ako sa mga lalaki, diba?" Nagsimula nang manuyo ang kaniyang labi at lalamunan.
"Pasensya ka na, best friend." Ani Rori habang inaayos ang kaniyang buhok na bahagyang nagulo sa hangin. "Hindi available yung iba nating barkada." She felt Rori's desperation. "Si Tanya may recitation next week kaya kailangan mag-aral. Si Pinkie, puyat dahil nagdi-dj sa gabi. Si Jackie may catering. Si Rainbow naman hindi interesado. Baka sapakin pa daw niya yung cousin ni Percival, kaya ikaw na lang sana? Please?" pagmamakaawa ni Rori.
Napakagat labi siya at pinunasan ang noo at ilong na biglang namawis.
Mariin siyang napapikit at huminga ng malalim.
"Hay, Rori! Hindi kita matiis." Buntong hininga niya.
Rori clapped in excitement, despite the worry she made sure was obvious on her face.
"Harmless naman yung pinsan niyang si Ardy. Depress nga eh dahil sa pag-ibig. Baka pag nakita ka nun, makalimutan na niyang depress siya!" Pilyang ngiti ni Rori.
"Hay! Yan na nga ba ang sinasabi ko eh! Yan' pag-ibig na yan, salot yan! Nakakasira ng buhay yan." Iling niya.
"Haler, best friend! As if naman na-in love ka na, diba?" Irap ni Rori sa kanya. "Wag ka ngang nega! Kaya tuloy hindi pa dumadating yun knight in shining armor mo kasi kumokontra ka kaagad!"
Napahilamos siya ng mukha, at agad siyang sinita ni Rori na wag ito lamutakin at baka daw magka-wrinkles siya ng maaga.
"O, sige na, sige na..." bumigay din siya. "Hindi na ako magpapaka-nega." Alam din kasi niyang hindi matatapos dito ang paglilitanya ng kaibigan tungkol sa love.
Pipilitin na naman siya nitong maniwala sa fairy tale, sa love, at sa knight in shining armor.
"That's good to know." Muling ngumiti ang kaniyang kaibigan. "So, sama ka ha?" Rori said feeling triumphant while they entered her car.
"O, sige na! Pero puwede bang umuwi muna tayo sa inyo? Mukha na akong basang sisiw."
"Ansabe? Wet p***y?" Rori teased, and they both laughed. "Wag ka na maligo! Hindi ka pa naman mabaho!" Rori gave her a reassuring smile that could send someone paranoid.
"Duon ka na lang sa rest house maligo. Nagdala na ako ng damit for you. May toiletries na din." Sabay kuha ni Rori ng isang itim na bag sa backseat at binigay sa kaniya.
"Here's your traveler’s pack. Dalian na natin. Baka magbago pa ang isip mo!" Tumawa pa na parang witch ang kaibigan, bago excited na nagmani-obra ng sasakyan.
"Ano bang plano?" nag-aalala niyang tanong.
"We will meet with Percival and his cousin at their Tagaytay Highlands rest house. He picked up his cousin sa airport, kasi gusto kaagad ng cousin niya dumirecho sa rest house nila. Ayaw muna magpakita sa parents niya because depressed nga. So, while you be a good best friend, and accompany his cousin for a while sa rest house, magse-celebrate naman kami ni Percival." Mabilis na saad ni Rori na may halong kilig habang binibigkas ang pangalan ng nobyo nito.
Napakagat labi siya at napakunot noo. She was reluctant because it was her first time to hang out with a guy.
"O-okay," she said uncertain. "Wala naman akong choice, ano?" nahihiya niyang tanong.
"Ehehe!" Ngisi ni Rori. "Wala nga, kasi you love me, best friend, and I know pagbibigyan mo ako!" Proud pang sabi ng matalik na kaibigan. "Saka, don't worry, Shay. Hindi naman kita papabayaan, eh."
"Anubey! Alam ko naman yun, Rori." Mabilis niyang pag sangayon.
“Wala lang. Nagda-drama lang." Nakangiting sagot ni Rori habang nagmamaneho.
"Kainis! Blackmail..." hinirit na lang niya at tiningnan ang laman ng bag na binigay ni Rori sa kanya.
2 sachets Laureal shampoo for straight hair, 1 regular Safeguard soap, 1 J&J Pink small lotion, small J&J powder, 1 small Dove Powder deodorant, 1 toothbrush, 1 sachet regular Colgate, 1 White lace nighties... hmm, wow, Victoria's Secret pa talaga? 2 medium size underwear- 1 polka dot and... 1 thong? Victoria's Secret din! 2 brassieres... size 36 cup C...and 1 Black blouse na may Baby collar... 1 2- inches Black pumps na size 8... pero asan ang jeans o kahit anong pambaba?
Napangiti siya. Rori has always been so generous and caring to her to the point na para na nga itong Mommy, dahil lahat ng pangangailangan niya ay ito ang nagbibigay, kahit hindi pa niya ito hilingin.
"Bakit mo ba ini-isa isa yan?" tanong ni Rori sa kanya na patuloy pa rin sa pagpokus sa driveway.
"Ang galing mo kasi! Alam mo yung mga regular toiletries at size ko. You're so girlfriend, wife, and mommy material na talaga! Suwerte si Percival sa'yo!"
"Awww! Iparinig mo yan mamaya kay Percival ha?" kilig na sabi nito.
"Umi-MRT itey?" hirit niya.
"Suwerte naman talaga si Percival sa'yo at alam na niya yun. Kung hindi pa naman niya alam, batukan ko siya. Sweet sweet mo nga eh, kaya nga touched ako at ang suwerte ko din kasi best friend kita. Pero napansin ko lang may thong sa bag. Walang regular underwear. Ang kati kaya ng thong pag napupunta sa loob ng puwet. Ewan ko ba kung bakit na-imbento pa yun. At saka... merun ka bang dalang jeans? Sorry ha sa dami ng tanong ko. Abuso na ba ako?"
"Ano ka ba? Ikaw ang umi-MRT dyan eh! The thong is for your dress, of course! Pffft." Sagot ni Rori sa kanya. "At saka what do you mean by jeans? Para saan ang jeans?"
"Dress? Parang wala naman akong nakitang dress sa loob ng bag? Blouse lang." Muli niyang sinilip ang loob ng bag. "And from the looks of it, parang gigimik. May date ba ako?" kinabahan niyang tanong.
"Well, duh? Yeah! Girl, it is time for you to meet male homo sapiens naman! You're like a butterfly princess trapped in a high glass tower. Hindi tuloy alam ng Knight in Shining Armor mo na nage-exist ka. Ikinukulong ka kasi ni Lucio sa bahay eh!" Ani Rori habang umiiling. "Hay! How I wish talaga makatagpo ka na ng knight in shining armor to save you from Luciofer! But, you know what, I heard this cousin of Percival is drop dead gorgeous! And, super nice saka matalino daw! Kaya nga nagtataka si Percival why his fiancee cheated on him pa. His almost, but not quite perfect...kasi si Percival ang pinaka- perfect!" Kinikilig na sabi ni Rori.
"Kung maka-describe naman si Papa Pyke, parang may pagnanasa siya sa pinsan niya! Baklush ata ang jowaers mo, girl?" biro niya.
"Lalaking lalaki yun, sure ako!" Kinikilig na sagot ni Rori.
"Humiged! Wag mong idedetalye sa akin ang mga ways mo of confirming na lalake nga ang boyps mo Rori Francesca!" Naiiskandalo niyang tawa.
Napahagikgik naman si Rori bago dinepensahan ang sinabi nito. "Dinescribe lang ni Percival yung cousin niya, because he wants you to know na his cousin is a good catch! Just like Utt."
Naalala niya tuloy ang kaibigan ni Percival na si Utt. She thought he would pursue her, despite their distance. Halos isang taon din itong parating tumatawag sa kaniya, at inentertain naman niya ang mga long distance calls nito, kahit takot na takot siyang mahuli ni Lucio. Pero sa hindi malaman na dahilan ay tumigil ito ng pagtawag sa kaniya. At dahil dito, mas lalo siyang nakumbinsi na sinasayang lang niya ang kaniyang panahon sa mga lalaking binalak manligaw sa kaniya, ngunit hindi naman nito mapanindigan.
Hindi na lang siya humirit pa sa pinagsasabi ni Rori at pumikit na lang upang umidlip. Ilang saglit pa ay naramdaman niyang tumigil ang sasakyan.
"Nandito na tayo, Sleeping Beauty!" Gising ni Rori at marahan siyang kiniliti sa matangos niyang ilong gamit ang dulo ng kanyang buhok.
Nag-inat inat siya sa loob ng kotse. "Ang sarap ng tulog ko, best friend!"
"Naghihilik ka pa nga eh!" Tumatawang biro ni Rori. " But that's good! I know it's hard for you to get good and quality sleep."
Totoo ang sinabi ni Rori. Hirap siyang matulog ng mahimbing. Madalas kasi siyang bangungutin. At sa panaginip niya ay naisasakatuparan ni Lucio ang plano nitong panga-abuso sa kaniya.
Napabuntong hininga na lang siya at bumaba sa kotse upang tulungan si Rori na kunin ang mga pinamili nito sa trunk ng sasakyan.
"Magandang hapon po, Ma'am Rori!" Bati ng isang matandang lalaki.
"Magandang hapon, Mang Ambo. Si Pyke po?" masayang bati ni Rori sa matanda na napansin niyang nakatingin sa kanya.
Agad niyang ibinaba ang tingin. Wala naman siyang pakiramdam na may masamang intensyon sa kanya si Mang Ambo, ngunit natatakot at kinakabahan pa rin siya.
"Nasa billards room po sila." Sagot ni Mang Ambo na magiliw na nakangiti sa kanya.
Lumapit sa kanila si Mang Ambo. By instinct ay napaatras siya. Napatigil naman si Mang Ambo sa paglapit at tila nagtataka.
"Tulungan ko na po kayo." Alok nito at kinuha ang mga grocery bags sa kanila. "Sabay po ba kayong umuwi ni Sir Ardy?" takang tanong nito sa kanya.
"Po?" naguluhan siya sa tanong ng matanda, ngunit hindi na sila nagkaroon ng pagkakataon na magka-usap, dahil inaya na siya ni Rori na umakyat sa grand staircase.
"Maliligo muna ako." Nahihiya niyang sabi kay Rori.
"Duon po sa second floor sa may unang kuwarto po kayo maligo." Sagot naman ni Mang Ambo.
"Doon po ang kuwarto ni Sir."
"Salamat po." Nakayuko niyang sabi saka sumabay sa pag-akyat kay Rori. "Ayos lang bang maligo ako sa room niyo ni Pyke?" mahina niyang tanong kay Rori. "Puwede naman ako sa ibang bathroom."
"Hanubey? Ayos lang!" Sunod ka na lang doon ha?" tinuro ni Rori ang isang pintuan na di kalayuan kung nasaan daw ang billards room.
She nodded and watched as Rori entered a room. Siya naman ay tumungo sa kuwartong sinabi ni Mang Ambo.
Dahan dahan siyang pumasok sa loob at namangha sa engrande at malinis na kuwarto. The room looked like it's for royalty. Tila hotel suite. Excited niyang hinanap ang bathroom. Nanlaki ang kanyang mga mata at namangha sa ganda nito. Agad siyang pumunta sa tub at in-adjust ang temperature sa gusto niyang init ng tubig.
"Sarap naman dito sa bahay na'to! Yamanechi talaga ni Papa Pyke!" Aniya habang nagtatanggal ng damit, at inilubog ang sarili sa tub.
"Hay! Nakaka-relax! Dito, makakaligo ako ng hindi natatakot na baka pasukin ako ni Luciofer." Nasambit niya bago mabilis na naka-idlip.
Ngunit naputol ang kaniyang pag-idlip nang tumunog ang kanyang Nokia 3210. Agad siyang tumayo sa bathtub at kinuha ang kanyang mobile phone sa bulsa ng kaniyang pantalon.
Si Pinkie pala iyon at excited na nagbalita na mayroon daw beauty pageant bukas at naihabol nito ang kanyang pangalan.
Habang nakikipag-usap siya ay hinanap niya ang towel sa bag. Napagtanto niyang wala palang dala si Rori na tuwalya para sa kaniya. Luminga linga siya sa paligid upang maghanap ng tuwalya sa mga drawers ng counter ngunit wala pa rin siyang nakita.
Napakagat labi siya at bahagyang nailing. Hindi kasi siya sanay na matagal na walang saplot sa katawan, lalo na nung nasa bahay pa siya ni Lucio. Nung bata kasi siya ay nahuli niyang binobosohan siya nito habang naliligo. At nagagawa iyon ni Lucio, dahil kahit na i-lock niya ang kaniyang kuwarto ay may spare key ito noon.
Napahagod siya ng buhok. "Saan ba ako kukuha ng tuwalya?" nasambit niya at saka napansin na nag-fog ang malaking salamin ng counter sa bathroom.
Na-engganyo tuloy siya na mag-drawing doon ng smiling face. Gumawa pa siya ng bahay at dalawang babae. Kunwari sila iyon ng kanyang Mommy.
Ngunit mula sa salamin ay may nakita siyang lalaki na nasa loob ng kuwarto. Naghubad ito ng suot na damit at nagsampay lamang ng tuwalya sa balikat. Kasalukuyang itong nakatalikod sa kanya at nakaharap sa isang puting cabinet malapit sa kama.
Kahit nakatalikod ito ay hindi nakalagpas sa obserbasyon niya ang matikas na pangangatawan ng lalake na animo'y parang modelo sa billboard.
"Humiged!" Napasinghap siya at kumurap kurap. " Papable na umbaw!" Impit niyang komento.
Nakatitig pa rin siya sa kabuuan ng lalaki, kaya hindi siya kaagad nakakilos upang magtago habang paparating ito sa bathroom.
Hindi pa siya napapansin ng lalaki dahil nakatingin ito sa sahig na tila ba malungkot at parang wala din sa sarili.
Nataranta siyang umatras. Tahimik niyang hinagilap ang itim na bag ni Rori at pinangtakip sa dibdib, habang ang isang kamay niya ay pinantakip niya sa kaniyang pangbaba. Mabilis din niyang naisip na abutin ang pinto upang isara ito, ngunit malapit na ang lalaki kaya naumpog ang ulo nito sa pintuan.
"What the f*ck!" Napasapo sa ulo at napaatras ang lalaki, samantalang siya naman ay napaatras sa takot.
Naisip niyang subukan isara ulit ang pintuan. Subalit napaluhod siya sa dulas ng sahig, at naihagis ang itim na bag sa tub. Ang lalaki naman ay pinipilit pumasok sa loob ng bathroom upang malaman kung ano ang nangyari.
At dahil sa mas malakas ang lalaki sa kanya habang pinipilit niyang tumayo upang isara ang pinto ay nabunggo pa siya sa counter at lalong tumumba. Pumasok naman ang lalaki at napatigil nang makita siyang nahandusay sa sahig.
Napahantad sa paningin ng lalaki ang kabuuan niya kaya pinilit niyang ikubli ang maseselang bahagi ng kaniyang katawan habang namimilipit sa sakit ng pagkadulas.
Lumuhod ang lalaki sa kaniyang tabi at kaniyang napagmasdan ang pamilyar na mukha nito.