One

1292 Words
Beauty's Curse "Our next contestant is Ms. Shayla Milena Pontes." Confident, poised, graceful, at nakangiti na rumampa si Shayla sa harap ng entablado, papunta sa host ng isang noontime show. "Ang ganda mo naman! May lahi ka bang foreigner?" "I'm half Filipino-half Brazilian." Sagot niya. "Oh! So, you know how to talk in Portuguese?" interesadong tanong ng host. "Kaunti lang po. My mom just told me unforgettable words that my father told her." Paliwanag niya. "Can you give us an example?" request ng host sa kanya. "Eu te amo. Quer casar comigo?" "Wow!" Na-amaze na sabi host. "What does that mean?" "I love you. Will you marry me?" nahihiya niyang tugon. "Ang sweet naman! Are your parents here now?" curious na tanong ng host, habang naghahanap sa audience. "My parents are not here," napalunok niyang tugon. She hoped the host would not ask further about her parents, because it was a sensitive topic for her. Sanggol pa lamang siya nang mawala ang kaniyang ama. Muling nag-asawa ang kaniyang ina ngunit ito ay nalulong sa droga, dahil sa impluwensiya ng kaniyang ama-amahan. Pilit man niyang tanggapin ang riyalidad na ito, Sa tinging niya, masakit tanggapin dahil inaasam asam pa rin niya ang magkaroon ng buo at maayos na pamiylya. She desired the total opposite of her current situation now. Hindi man kumpleto ang kaniyang pamilya, mas gugustuhin pa niyang solo parent na lang ang kaniyang ina, kaysa may stepdad nga siya, ngunit nilulong naman nito ang ina sa drugs, at nais pa siyang halayin ng ama-amahan. She tried hard to compose herself. She had to answer right and convince the judges. She had to win not for the crown, but for the money. She needed it for her allowance this month, and to pay the money she owed her friends. Agad niyang pinilit mag-isip ng magagandang bagay na nangyayari sa buhay niya at ito ay ang kaniyang mabubuting kaibigan. "But my friends are here to support me." Agad niyang sagot at tinuro ang mga kaibigan na nasa audience, upang ilihis ang topic patungkol sa pamilya. Agad niyang kinawayan ang mga ito. Nagtilian naman ang kanyang limang supportive at matatalik na kaibigan na sina sina Rori, Tanya, Pinkie, Rainbow at Jackie. Napatingin naman ang host sa direksyon ng kanyang kinawayan. "Aba! Magaganda din pala ang mga kaibigan mo, ha! Bakit hindi din sila sumali sa beauty pageant?" tanong nito. "Ayaw na nilang maki-kumpetensya sa akin, dahil mas kailangan ko po manalo kesa sa kanila." Tapat niyang sagot. Napatawa ang host sa sinabi niya. Nakitawa na lang siya sa host. But deep inside, halos mahimatay na siya sa nerbyos at pressure na manalo. Kailangan manalo ako dito. Marami akong kailangan bayaran sa mga kaibigan at sa tuition fee! Graduating na kasi siya. "Kailangan ko pa mag-ipon para masuportahan ko ang plano kong pagtakas kasama si Mommy. At gusto ko din mabawi ang farm ni Daddy mula kay Luciofer." Matapos ang question and answer portion ay muli silang pinarampa sa stage, habang naka-ismid naman sa kaniya ang isa sa mga kandidata na si Angela. She was always her toughest competition. Sa lahat na lang ng sinalihan niyang pageant ay sumasali rin ito. They stood a few inches apart as they graciously and confidently smiled to the audience, while they waited for the announcement. "Our beauty queen is... Shayla Milena Pontes!" The host announced. Muling nagsigawan ang kaniyang mga kaibigan. Shayla would have at least a few weeks away from hell... away from her stepfather Lucio by winning in the pageant. Nang magdalaga siya ay gumagawa na siya ng paraan upang makaiwas sa ama amahan. She would often seek refuge from her friends, every time her stepdad would attempt to abuse her. Gayunman ang sitwasyon ay bumabalik pa rin siya sa poder ng kanyang ama-amahan, dahil binalaan siya nito na kapag hindi siya bumalik ay papatayin nito ang kanyang ina. Simula nang muli siyang manatili sa mansion ni Mayor Lucio Santiago ay umaabot siya ng halos isang linggo na hindi lumabas sa kanyang kuwarto. Lalo na kapag naroon si Lucio at hindi din umaalis ng bahay. It was a cat and mouse game. A game she was forced to play to protect herself and her mother. Kinakain na lamang niya ang mga prutas, vegetables salad na kaniyang ginagawa sa kanyang kuwarto gamit ang luma at maliit na ref. Bumili din siya ng crackers at tubig na lahat ay mula sa kaniyang pagkapanalo. Iniisip na lang niya na nagda-diet siya, upang hindi na siya lumabas sa kaniyang kuwarto at para makaiwas kay Lucio. Binuburo niya ang sarili sa loob. Ang importante lamang sa kaniya ay nandoon siya at malapit lamang sa kuwarto ng kaniyang ina na minsan ay pinapakinghan niya lamang sa kahoy na pagutan nila. Araw araw ay inaaliw na lamang niya ang sarili sa pag-aaral dahil habang naroon si Lucio sa bahay ay hindi siya makakapalabas at makakapasok sa school. Walang tv sa kaniyang kiwarto at ang kaniyang mobile phone ay Nokia 3210. Hindi siya makakapanood ng Youtube videos kahit na may mga offer pa na unlimited surfing. Mabuti na lang at ni-regaluhan siya ng mga kaibigan ng digital painting by numbers na nakahiligan din niya. Nakatapos na din siya ng ilang paintings. At ang paborito niya ay dalawang batang angels na babae. Madalas niyang tinitigan ang maamong mata nito at napapangiti. Paminsan naman ay inaabala niya ang sarili sa pagyo-yoga, pilates, at mga DIY na pag-aalaga ng kaniyang buhok at kutis upang maghanda para sa mga susunod na kompetisyon na kaniyang sasalihan. At sa gabi naman ay sine- secure niya ang kaniyang kutsilyo sa gilid ng kama kung sakali man pasukin siya ni Lucio. Makalipas ang ilang araw ay kumatok ang kasambahay nila na si Leah at ang bodyguard ni Lucio na si Ambet. Sinabi ng mga ito na umalis si Lucio papuntang Russia kaya malaya siyang makakalabas ng kanyang kuwarto na walang takot. Habang wala si Lucio ay nag-imbistiga siya sa opisina nito. Kinuha niya ang ilang magkaka-ibang bank statements at mga papeles ng mga import/ export transactions nito. Nang makalakap na siya ng sapat na ebidensya ng mga iligal nitong Gawain ay dali dali siyang bumalik sa kaniyang kwarto upang itago ang mga dokumento sa loob ng cabinet. Isang araw na magpapahinga na sana siya sa kaniyang kuwarto ay biglang pumasok si Lucio dito. Napa-aga pala ang uwi nito mula sa Russia at naabutan ang kanyang pintuan na hindi naka-padlock. Kumabog ang kanyang dibdib sa takot at taranta. Palapit na sa kanya si Lucio nang maalala niya ang kutsilyong itinago sa ilalim ng unan. Kahit nanginginig ang kamay ay itinutok niya ito kay Lucio. Tumawa ng malakas si Lucio. "Anung gagawin mo? Papatayin mo ako? Ang masamang damo hindi madaling mamatay!" Tatawa-tawa ito. "Bakit ba kasi hindi mo na lang ako pagbigyan? Ibibigay ko naman ang lahat ng gusto mo basta pumayag ka lang sa gusto ko! Matagal na akong nanakam sa'yo!" Anito. "Asawa ka ng nanay ko!" Nagalit niyang sigaw. "Nasaan ba ang nanay mo? High na high! Hindi na niya kaya ibigay sa akin ang kailangan ko. Kaya, ikaw na lang! Patikimin mo na ako." Malambing na sabi ni Lucio at kumakdyot kadyot. Napaatras siya sa takot. Ginamit naman ni Lucio ang pagkakataon upang hablutin ang kaniyang kamay. Inumpog umpog ni Lucio ang kamay niya sa dingding. Sa sakit ay nabitawan niya ang kutsilyo. Agad naman siyang tinulak ni Lucio sa kama at dinaganan, nang biglang kumatok si Ambet at sinabing may importanteng tawag si Lucio sa opisina nito sa ground floor. Hinihingal na tumayo si Lucio sa kama habang siya naman ay naka-fetus position at takip ang nasira niyang t-shirt. "Ito ang tatandaan mo! If I cannot have you, no one will! Kaya wag ka na lumaban sa'ken!" Banta nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD