Chapter 25 Kinabukasan ay maagang gumising si Phoebe. Maaga rin siyang naligo at nagbihis. Naghanap siya ng pinaka-seksing crop top niya at tinernohan pa niya iyon ng high waist pants at high heels. May lakad siya. Kasama ito sa mga napagdesisyunan niya kagabi. She reminded herself who she really is. Nagsama siya ng dalawang bodyguards. Sa likod pa nga siya ng kotse niya banda umupo dahil ayaw pumayag ng dalawang bodyguards niya na magkaibang kotse na lang ang gamitin nila at sumunod na lang sa kanya. She's meeting Nikko at the mall. Matagal silang hindi nagkita ng ibang Bebes niya, at sisimulan niya ngayon kay Nikko dahil ito ang Bebe #1 niya. "I will meet someone at the restaurant. Huwag niyo na akong samahan sa loob. You could stay here. Pwede rin kayong kumain habang naghihintay sa

