Chapter 24 "f**k," bulalas bigla ni Phoebe nang makita ang larawan ng lalaking sinasabi ni Mikay sa kanya. "Why? You know him?" Tanong naman ni Mikay nang marinig ang reaksyon ng kaibigan niya. "Nah. Napamura ako kasi mukhang gwapo nga naman talaga," maang-maangan pa ni Phoebe sa kaibigan. "Oo, gwapo nga siya sa personal at mabait din. Mabait din naman sana 'yong Baron. Pero iba talaga ang dating nitong isang 'to no'ng makita ko eh," kwento pa ni Mikay habang napapangiti. Ngayon lang nakita ni Phoebe si Mikay na parang kinikilig habang nagku-kwento tungkol sa isang lalaki. She never mention anyone before like she is very interested on other's life. Masama ito. "Ibe? Wala ka nang naging sagot. Natulala ka na yata riyan?" Tawag ni Mikay sa atensyon niya. Natulala na pala siya dahil sa

