Chapter 23 Inabot na ng gabi si Miller sa bahay ni Phoebe. Kanina pa siya pinapauwi ng nobya dahil alas otso na ng gabi at may pasok pa ito kinabukasan ngunit parang wala naman itong naririnig. "Are you going to stay overnight?" Tanong pa ni Phoebe habang nakaupo sila sa sala. "I want to, pero ayaw mo naman. Uuwi rin ako maya-maya. Huwag kang excited," mabilis na tugon ni Miller habang nagbubukas ng panibagong beer in can. Miller can't go home yet. Parang mabigat kasi ang pakiramdam niya na umalis. Praning lang siguro talaga siya dahil sa naranasan nila noon ni Phoebe. "Eh parang plano mo namang mag-inom nang mag-inom eh," reklamo ni Phoebe. "I can handle myself, Labs. Don't worry too much," nakangiting tugon lang ni Miller sa kanya. "Okay, sige. Sabi mo eh. I think I need a few dri

