Chapter 22 Kanina pa umuusok ang ilong ni Miller, simula nang dumating ang limang bodyguard ni Phoebe. Tinatawanan lang naman ito ni Phoebe. "What is the meaning of this, Phoebe?" Tanong pa kaagad ni Miller sa nobya. Hinila niya kasi si Phoebe patungo sa kusina para kausapin ito nang masinsinan. Wala pang tatlong minutong nakita ni Miller ang limang lalaki. "What? Meaning in what, Miller?" Maang-maangan na tanong pa ni Phoebe. "Bakit mukhang model ang mga dumating na bodyguards? Parang mga callboy. Hindi yata uubra ang mga 'yan sa barilan," nanggangalaiti na sabi pa ni Miller. "Hoy! Grabe ka naman? Mukha naman silang strong. Saka personal picked ko kaya sila," pagtatanggol pa ni Phoebe sa limang bagong bodyguards. "Personal picked? So, sa itsura ka lang tumingin? Phoebe naman, kalig

