Chapter 40 Natapos na sa wakas ang court hearing para sa lahat ng taong involved sa pagpatay sa ama ni Phoebe at pag-angkin sa kumpanya nila. They are all found guilty. Dalawampung taon ang hatol na kulong sa kanila. Kulang pa nga ang dalawampung taon para sa buhay ng kanyang ama. Pero iniisip ni Phoebe na kahit paano ay nabigyan na rin ng hustisya ang lahat. Lumuhod pa sa harap ni Phoebe noon ang kanyang Uncle Bong. Nagtangka pa itong makiusap sa kanya bago ito ibalik sa kulungan. "Phoebe, Hija. Maawa ka naman sa akin. Patawarin mo na ako. Nagsisisi naman na ako sa ginawa ko noon. Iurong mo na ang kaso," sabi nito habang nakayakap pa sa mga binti niya. Pilit namang inaalis ng mga bodyguards niya ang Uncle Bong niya sa kanya. Kaagad din naman siyang hinatak ni Miller papalayo. "Sa kul

