Chapter 39 "Good morning, Ma'am. Good morning, Sir," bati ng mga empleyadong nadadaanan nila. Si Miller naman ay panay ang ngiti. Wala rin tuloy ibang nagawa si Phoebe kundi ngitian din ang mga taong bumabati sa kanila. "Ang tagal naman ng elevator na 'to. Bakit kasi hindi ka sa 1st floor nag-opisina?" Pabulong na reklamo ni Phoebe kay Miller dahil talagang bawat floor ay hinintuan ng elevator na nasakyan nila. Sumisiksik pa nga minsan dahil marami ang sumasakay kahit na kaunti lang ang bumababa. Hindi nag-o-overloading ang elevator. Si Miller naman ay umaakbay lang sa kanya. "Sige, sa susunod ipapalipat ko na ang opisina ko sa 1st floor para hindi ka nahihirapan kapag palaging isinasama kita rito," pagsang-ayon naman ni Miller sa kanya. "Bakit mo naman ako palaging isasama sa opisin

