Chapter 38 Phoebe became one of the witness during the trial of those people who were involved in her father's case. Matibay ang mga ebidensyang hawak ng abogado nila ngayon. Isang beses lang siyang nagsalita during the court trial. Pero iyak siya nang iyak nang makaharap ang isa sa mga itinuturing na suspek sa pagpatay sa kanyang ama at pag-agaw sa kumpanya nila. Ang Uncle Bong niya. Hindi niya matagalan na maging kaharap ito. Nasusuklam siya sa pagmumukha nito. Kung maibabalik lang sana ang oras at panahon. Ibabalik niya sa panahon na gustong kupkupin ng kanyang ama ang pinsan nito. Pipigilan na niya ang kanyang ama. Pagbabalaan na ang asong pinulot nito ay magiging ahas na kakagat sa mismong leeg nila. Iyak nang iyak si Phoebe noong araw na humarap siya bilang witness. Gusto niyang s

