Chapter 37 "Hindi mo ba matanggap?" Tanong ni Phoebe nang maging walang imik si Miller matapos niyang aminin ang tungkol sa tatlong nobyo niya. "Prank ba 'to?" Tanong ni Miller. "I'm telling you the truth. Take it or leave it. Para magising ka na hindi rin naman ako naiiba sa mga babaeng nakilala mo. I'm not as innocent as you think," paglilinaw naman ni Phoebe. Natahimik si Miller at tila nag-isip. "I can accept everything. Everyone of us has a flaw. Ako man, may hindi rin na magandang record pagdating sa mga babae. Mabilis akong magpalit ng nobya. Nakikipaghiwalay nang walang malinaw na dahilan at basta na lang silang iniiwan. Pero handa akong magbago para sa pagmamahal mo, Phoebe," seryosong tugon din naman ni Miller sa kanya. "Bakit ka ganyan? Parang hindi ka naman yata totoo. An

