Chapter Five

2152 Words
Scarlett POV Gulat na gulat kami ni Alice sa sinabi ni Mike. "F-Fyena ang pangalan nya?" tanong ko kay Mike at tango lang naman ang sinagot nya. Nagkatinginan kami ni Alice at parehong nagtatakang reaksyon ang nasa mga mukha namin. Alam kong nalilito rin si Alice sa mga nalalaman namin ngayon. "H-Hindi nya ba palayaw ang Greta?" si Alice. Napahawak pa ito sa kanyang baba na animoy nagiisip atsaka kami nilingon ni Alice ng may nagtatakang reaksyon, halata ang pagkalito sa kanya at bahgyang iiling iling. "Hindi, kasi ang palayaw nya ay Fyena pero yung mga kaibigan nya naman ay tinatawag syang Ena. Wala naman akong narirnig na tumatawag sa kanya ng Greta. Hmm Greta? saan nyo nga ba nakuha yung Greta?" si Mike na pinaningkitan pa kami ng mata at nagpalipatlipat ang tingin nya sa amin ni Alice. "H-Hehehehe wala n-naman , ang akala kasi namin Greta pangalan nya hehehe, b-basta sa amin na yun" napairap naman ako dahil sa palusot na sinabi ni Alice. Mas nagmukha tuloy suspicious yung mga dahilan nya hayst. "Meron ba akong hindi nalalaman sa inyo?" "Ah h-hehehehe wala naman, m-meron ba Scarlett? diba wala————" hindi ko na pinatapos si Alice na magsalita at dali dali syang hinila papalabas ng locker roon at naiwan naman si Mike sa loob. Psh ito namang babaeng to hindi marunong magdahilan amp! "Uy Scarlett! Bakit mo ba ako hinihila!" asik ni Alice ng makalabas na kami. Inis ko naman syang hinarap na ikinagulat nya. "Nakakainis kasi yung dinahilan mo eh! mas mukha pa tuloy suspiscious yung galaw natin!" inis na talagang sabi ko. "Sorry na! Alam mo namang hindi ako magaling magdahilan eh!" sigaw nya naman sa akin. Agad naman akong napatingin sa paligid, baka kasi sa lakas ng pagkakasigaw nya may makarinig sa amin and worst baka marinig kami ni Mike. "Alice wag kang maingay, ang lakas ng boses mo," mahinang sigaw ko sa kanya. Napatakip naman sya ng bibig at tumingin sa paligid. "Hala, oo nga hehehehe," napapahiyang sabi nya. Napangiwi ako sa kanya saka sya niyayang maglakad. Medyo madilim na nung lumabas kami sa locker room kanina. Nakabukas na ang mga ilaw sa pathway at sa iba pang building. Medyo nakaramdam ako ng kilabot ng maramdaman ko sa balat ko ang pagdapo ng malamig na hangin. Naglakad na kami ng tahimik. Alam kung katulad ko ay nararamdaman din yun ni Alice. Ewan ko pero parang may kakaiba, hindi ko maipaliwanag. Ang kilabot na yun ay nadagdagan pa nung makita kong dadaanan namin ang lumang building. "Huy bilisan mo maglakad Scarlett, natatakot na ako eh," angal naman ni Alice. Binilisan ko pang maglakad hanggang sa makarating na kami sa parking lot. Napatingin ako kay Alice nung biglang tumunog yung cellphone nya. Agad nya naman iyong sinagot, lumapit na ako sa kotse ko atasaka kinapa ang susi sa coat ko. Nagulat ako ng hindi ko yun makapa sa coat ko, hinalukay ko na rin ang bag ko pero hindi ko yun makita. 'Patay' "What?!" Napatingin ako kay Alice ng magtaas sya ng boses. Hindi na sya mapakali sa isang tabi at panay ang lakad nya paparoot paparito, may halong pagaalala na bumabakas sa mga mata habang nagkikipagusap sya sa cellphone nya, kaya agad ko syang nilapitan. "Anong nangyari?" tanong ko sa kanya, napatingin sya sa akin. "Sige, pupunta na ako dyan!" natatarantang sabi nya at mabilis na pinatay ang telepono, bago dali daling sumakay sa kotse. Agad naman akong lumapit sa kanya. "Alice, ano bang nangyayari?" nag aalalang tanong ko sa kanya. "Scarlett! si dad tinakbo sa hospital!" nagulat naman ako sa sinabi nya. "Om my gosh!" napatakip ako sa bibig ko ng malaman ang sinabi ni Alice. "Kailangan ko nang umalis. Okay lang ba na mauna na ako?" "Oo naman, sige na puntahan mo na si tito. Okay lang ako, uuwi din naman na ako," pagpapakalma ko sa kanya. Nagaalala pa syang tumingin sa akin pero nginitian ko na lang sya. Pinaharurot nya na yung sasakyan nya at tuluyan na akong naiwang nakatayo. Hindi ko pa rin mahanap ang susi ko hanggang ngayon. Ilang minuto pa nang mapagdesisyunan kong pumasok uli sa school at hanapin dun, nagbabakasakaling mahanap ko dun ang susi ng kotse ko. Agad akong hinarang nung mga guard nung tuluyan na akong makapasok. "Ma'am gabi na po, kailangan nyo na pong umuwi," nakangiting sita nung guard sa akin. "Sorry, pero nawawala kasi yung susi ng sasakyan ko. Baka kasi nahulog ko dito," sabi ko kay kuyang guard na tumatango tango pa. "Ganun po ba?" si kuyang guard. Nainis naman ako ng tignan nya ako ng may pagdududa. "Opo, pwede na po ba akong pumasok?" inis na sabi ko na talaga sa kanya. "Gusto nyo po bang samahan ko kayong mag hanap ma'am?" tanong nito. Umiling naman ako at ipinakitang okay lang ako. "Sigurado po kayo ma'am–––––"hindi ko pinatapos yung sasabihin nya at inis ko na syang tinignan na ikinagulat nya naman. "Get out of my way." "Ma'am–––––" "I said get out of my way!" galit na talagang sigaw ko. "O-opo ma'am," natatarantang sagot nya bago tumabi at magbigay daan sa akin. Nang makapasok na ako saka ko lang kinuha yung cellphone ko at binuksan ang flashlight nun. Makita ko palang ang madilim na daan na tatahakin ko ay gusto ko nang umatras, pero kailangan kong mahanap ang susi ng kotse ko. Malayo layo na rin ang nalakad ko at patuloy ang paglilibot ng paningin ko, nagbabakasakaling makita ko na ang hinahanap ko. Napangiti ako ng mahagip ng mata ko ang susi ko. Kasabay ng pagkunot ng noo ko ng makita ang lalaking nakatayo sa harap ko at hawak ang susi ko, nakatas iyon at nakaharap sa akin. Gulat na inilawan ko ang mukha nya na agad naman syang napaiwas at bahagyang nagkusot ng mata, siguro dahil sa liwanang na nanggagaling sa cellphone ko. "Bakit mo hawak yung susi ko?" natatakot kung tanong sa kanya habang umaatras ng magsimula syang humakbang papalapit sa akin. Ngunit hindi sya sumagot at nagtuloy pa rin sa paglapit sa akin. Habang ako ay atras lang ng atras hanggang sa maramdaman ko na ang malamig na pader sa likod ko. Nahugot ko ang hininga ko nang tuluyan na syang makalapit sa akin. "Napulot ko lang to kaya wag kang OA" walang reaksyong sabi nya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. *Clap *Clap *Clap Nagulat ako nung may biglang sumulpot na lalaki sa gilid. May hawak itong malaking kahoy at parang handang ihampas yun sa ulo kanino man. "Tignan mo nga naman, kanina pa ako naghahanap dun andito ka lang pala" nababagot na sabi nito. "Bitaw" blanko pa ring sabi ni Luxian. "H-Ha?" nagulat ako nung hindi sya nakatingin sa akin dahil nakatingin ito sa braso nya. Napatingin din ako dun at nagulat ng makitang nakahawak na apala ako sa braso nya. Agad ko naman iyong binitawan at nahihiyang inilagay ang mga kamay sa likod ko. "Oh, sino yung kasama mo?" tanong na naman nung lalaki. Napatago naman ako sa likod ni Luxian at doon sinilip yung lalaki na ngayon ay nakikita ko na ng malinaw ang mukha nya. May itsura Lumapit pa sya sa amin atsaka nakakunot noong tinignan ako. Lalapit pa sana sya ng bigla ko syang sipain sa tuhod dahiln para mapaluhod sya. "Tss,"narinig ko naman ang mahinang asik ni Luxian habang nakangisi at nakatingin dun sa lalaki. "Ano ba?! Inaano ba kita?!" singhal naman sa akin nung lalaki na ngayon ay nakatayo na at nakaharap sa akin. "Subukan mong lumapit! Babaliin ko talaga yang tuhod mo!" banta ko sa kanya. Tinaas nya naman yung pareho nya kamay na parang sumusuko na. "Luxian oh!" aniya niya, nagsusumbong. Nagulat akong mapatingin kay luxian na hindi mawala ang pagkakangisi nito. "Tinakot mo kasi eh, Tss," aniya ni Luxian habang nakatingin sa lalaki. "Anong tinakot? Lumapit lang ako hindi ko naman sya tinakot!" singhal nya naman na agad inilipat ang tingin sa akin atasak pinanliitan ng paningin. "Nakakatakot ka kasi eh! Mukha kang r****t," sigaw ko naman sa kanya. "Wow! Tong gwapong mukhang to r****t?" hindi makapaniwalang tanong nya sa akin, na bahagyang nakaawang pa ang bibig. "Psh. Feeling! Magsama kayo!" inis kong sigaw sa kanilang dalawa na bahagyang naitikom ang bibig. "What about your keys?" tanong sa akin ni Luxian ng akma ko na silang tatalikuran. Inis ko silang hinarap at tinignan. Blangko ang reaksyon ni Luxian habang ang isa naman ay nakangisi. "Give me my keys then," mataray na sabi ko sa kanya. Pero tinignan nya lang ako. "Uy bigyan mo na daw sya ng halik" mapanuksong aniya naman nung lalaki na ngayon ay sobrang lawak na ng pagkakangisi. "Oh is that so? I tought––––" pinutol ko ang ang akmang sasabihin ni Luxian nang marealize na sinasakyan nya rin yung kalokohan ng kaibigan niya. "What?! I said keys, susi not kiss. Psh p*****t!" sigaw ko sa kanilang dalawa. Kinuha naman ni Luxian yung susi k sa bulsa nya at saka iyon ibinigay sa akin. Inirapan ko naman sila at tinalikuran bago nagumpisang maglakad. Naramdaman ko naman ang presensya nila sa likuran ko kaya muli akong lumingon at tama nga, dahil ayun sila naglalakad papalapit sa akin. Tinignan ko sila ng masama atasaka muling naglakad. Inis ko namang sinipa sipa lahat ng batong madaanan ko hanggang sa makarating na ako sa gate at papalabas na sana nang harangin na naman ako nung guard. "Ma'am, nahanap nyo po ba yung susi nyo?" tanong sa akin nung guard. "Ah, Yeah," ipinakita ko sa kanya yung susi ko. Tumango naman sya at ngumiti, napatingin naman sya sa likuran ko. "Sino kayo? Anong ginagawa nyo dito?" tanong nung guard sa kanila at akmang lalapit sa dalawa. "Ah-Ah-Ah, hindi mo gugustuhing hulihin ako........ lalo na yung katabi ko," mayabang na ani nung lalaki na pinagkrus pa ang mga braso at nakangising tumingin sa guard. "Bakit sino ba kayo?" tanong naman nung guard na bahagya pang tumingin sa akin bago tumingin sa kanilang dalawa. Lumapit naman yung lalaki at bumulong dun sa guard. Nakangisi syang lumayo sa guard at tumabi kay Luxian. Napatingin ako dun sa guard na nanlaki ang mga matang nakatingin kay Luxian, habang si Luxian naman ay parang bagot nabagot na tingnan yung guard. 'Ano na naman nangyayari?' "Kayo po si––––" hindi na natapos nung guard yung sasabihin nang ilabas ni Luxian yung ID nya at ipakita yun sa guard. "M-magandang gabi po sir!" natatarantang ani nung guard atsaka yumuko, nagbibigay galang. 'What the!' "Yeah," tipid na tugon ni Luxian sa guard atsaka tumingin sa akin. Nagtataka man tinalikuran ko na sila atsaka lumapit sa kotse ko. Kamalas malasan nga namang pinag gitnaan pa nang mga kotse nila ang kotse ko. "Should I introduce myself to you?" mayabang na namang tanong nung lalaki. Inis ko naman syang nilingon. "No thanks," mataray na sabi ko sa kaniya. "Oh sayang naman, hindi mo maririnig ang napakagandang pangalan ko," aniya pa nung lalaki, nangiinis. "Tss. Shes not interested with you," singit naman ni Luxian na nasa tabi ko ngayon. Natawa naman ang loko atasaka nakangising tumingin kay Luxian. "Jealous huh?" pangaasar nya sa amin. Inis ko naman syang tinignan na ikinagulat nya. "What?!" Singhal naman ni Luxian sa kanya. Natawa naman sya at hindi na maalis ang mapanuksong tingin sa mga mata. "Just kidding, oh by the way let me introduce myself," aniya nya. Napairap na lang ako dahil wala na akong magagawa. "Whatever," mataray na pagsuko ko sa kanya. "Im Chase Magnus. Nice to meet you pretty lady," Nakangiting aniya atasaka inilahad ang kamay sa harap ko na agad namang tinapik ni Luxian dahilan para tatawa tawang binawi ni Chase ang kamay nya. "Scarlett. Scarlett Aislinn Wareyhn," pagpapakilala ko sa sarili ko. Saka ko tinignan si Luxian na ngayon ay nakatingin na rin sa akin. "Beautiful name. Hmm, what do you think Luxian?" pangaasar nya na naman. "Shut up Chase, will you?" pagbabanta naman ni Luxian sa kanya, puro tawa lang ang isinagot ng loko bago sumakay sa sasakyan at paandarin yun. Iiling iling rin na sumakay si Luxian sa sariling sasakyan at paandarin yun gaya ni Chase na nuna nang umalis. Tatalikod na sana ako upang sumakay na rin sa sasakyan ko nang makita tumigil sa harap ko yung kotse ni Luxian. Ibinaba nya naman yung bintana ng kotse nya atsaka bumuntong hininga bago tumingin sa akin. "Take care, Scarlett" blangko ang emosyon pero sensiridad ang nangingibabaw dun. Yan ang nakita ko sa mukha ni Luxian. Sandali pang nanatili ang mga mata namin sa isat isa, pero ako na mismo ang kusang umiwas dun. Hinding hindi ko matatagalan ang mga titig ng isang yun. Narinig ko na lang ang pagsara ng bintana ng sasakyan nya at kasunod ay ang pagharurot nito. Naiwan akong nakatayo at nakatanaw sa likod ng sasakyan nya. Panlulumo ang naramdaman ko sa mga oras na iyon Ano na namang nangyayari sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD