Scarlett POV
Nandito ako ngayon sa classroom. Kakatapos lang ng klase ngayong umaga. Ngayon ay lunchbreak na, pero lahat ng mga students ay nasa gym dahil nag patawag si Mr president ng pagpupulong. Si Alice nalang yung pumunta.
'Tatamad ako 'bat ba! '
Oo tapos na ang klase ko sa kanya pero heto ako ngayon nakaupo sa sarili kong upuan at tulalang nakatingin sa labas.
'Ano bang nangyayari sa akin!'
Hindi ko magawang magfocus sa lectures kanina. Hayst nakakainis ang mga pinagsasabi ni Luxian sa akin.
Nakakadalawa na sya at kasalanan nya to.
Inis akong tumayo at lumabas para pumunta sa CR.
Pagbaba ko ng building namin halos walang mga studyante ang nagkalat. Parang mag isa ko alng dito. Huhuhu katakot tuloy.
Agad kong tinungo ang CR. Nang makarating ako dun, uupo na sana ako nagulat ako nang biglang bumuhos sa ulo ko ang isang malagkit at nakakadiring amoy with matching color green pa sya. Eeww yucks!
Narinig ko naman ang tawa ng mga babae sa labas ng cubicle, and si Daisy ang nangunguna doon.
'psh that b***h!'
Tumayo naman ako para maiwasan ang patuloy na pagbuhos ng nakakadiring yun. Nakita ko ang isang plastik na nasa sahig at dahil dun may naisip akong idea. Pinulot ko iyon atsaka pinuno ng nakakadiring ewan ko kung ano yun.
Nang mapuno iyon tinali ko sya ng mahigpit dahilan para mabilis itong sumabog. Tinago ko iyon sa likod ko atsaka lumabas.
Kitang kita ko ang mga ngisi sa mga mukha nila. Nginisian ko lang sila dahilan para magulat sila at mapalitan iyon ng inis. Napatingin ako kay daisy na nakapameywang at parang natatawang nakatingin sa kabuuan ko.
'Son of b***h'
Yes yung napakabahong bagay na yun binalot ang buong katawan ko, lucky right?
"Hindi ka ba magtatanong kung bakit namin ginawa ito?" maarteng tanong nya sa akin.
"Bakit nga ba?"
"Ito kasing mga alipores ko naawa dun sa nerd kaya sinamahan ko na silang maghiganti sayo"
"Ah ganon ba?"
"Oo bakit may problema? "
oo malaking problema
"Hmm hindi naman .........pero ito siguro magiging malaking problema" sabi ko sabay bato sa mukha nya nung inipon ko kanina.
*Bogsh
Huhuhuhu nagtiis din ako kaninang wag amuyin yun
Sumabog iyon sa mukha nya dahilang para matalsikan din yung iba nya pang kasama.
'my plan is perfect wahahaha!'
"Eeeewwwww!" sabay sabay na sabi nila atsaka lumabas ng cr pero naiwan si Daisy na ang talim ng titig sa akin.
"Oh hindi mo ba tatanungin kung bakit ko ginawa yun?" panggagaya ko sa sinabi nya kanina.
"You son of b***h!" sigaw nya sa akin atsaka nandidiring tumingin sa sarili nya nabinalot na din nung nakadiring bagay na yun.
" Oh? Bakit parang diring diri ka.......hmm bagay sayo oh! perfect!"
"Hindi pa tayo tapos b***h!!"
"Bakit sino bang nagsabi na dito tayo magtatapos?"
Matalim na titig lang ang isinagot nya sa akin bago sya umalis ng cr at naiwan naman ako ditong tumatawa.
'Hahahaha mamatay ako nito sa kakatawa!'
Nasa kalagitnaan ako ng pagtawa ng marinig kong bumukas yung pinto at iniluwa nito si Alice.
"Scarlett anong nangyari dun kay—-——what the hell!" napatakip na lang ako ng tainga sa sobrang lakas ng pagkakasigaw ni Alice. Nasa banyo pa naman kami kaya natural na mag e- echo yun. Napatakip sya ng ilong habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.
"Anong nangyari??!"
"Psh mamaya ko nalang ikwe kwento, kuhanin mo nalang yung—–——" naputol yung sasabihin ko ng maalala ko na nakalimutan ko pala magdala ng extra uniform ang meron lang ako ay yung P.E uniform namin. Ah tama yung PE uniform na lang.
"Alice anong susunod nating klase?"
"Ahm I think PE"
Nagkaroon naman ako ng pag asa dahil sa sinabi nya.
"Alice pwedeng pakikuha yung PE uniform ko sa locker" pakiusap ko kay Alice with paawa look.
'sana umubra'
"Oo na nga wala naman akong choice eh!" reklamo nya pa. Napatalon naman ako sa saya at yayakapin sana sya pero agad nya iniharang yung mga kamay nya.
"Huhuhuhu Scarlett ang baho mo eh no to hug muna" masungit na sabi nya. Napanguso nalang ako dahil wala akong magagawa.
"Sige na nga pero thank you ah!"
"Ghe lang, magshower kana dahil ang baho mo talaga! oh sya sige una na ako"
"Okay!"
Paalam ko sa kanya at nangtungo na sa shower room. Hinubad ko na yung mga suot ko atsaka nag umpisang mag shower. Hayst nakakadiri talaga!
Pagkatapos kong mag shower saktong dumating si Alice at binigay na sa akin ang PE uniform ko. Nagbihis na muna ako bago kami lumabas doon.
Nagumpisa na kaming maglakad papunta sa room
Naglalakad na kami ni Alice papunta sa room ng hilain nya ako papunta sa mga bench. Nagtaka naman ako sa ginawa nya at tinignan sya.
"Kailangan kitang makausap "
Nagulat naman ako ng makitang seryoso sya, alam nyo kasi tuwing seryoso si Alice sryoso talaga sya walang biro biro.
'Huhuhu katakot no?'
Umupo na kami sa pinakadulong bench, tumingin tingin pa sya sa paligid na para makasigurong walang makakairinig sa paguusapan namin.
Class hour na kasi eh kaya wala na masyadong mga studyante.
Pagtingin ko kay Alice nakatingin na sya ng seryoso sa akin. Sumeryoso na din ako atsaka humarap sa kanya.
"Kailangan mo mag ingat Scarlett sa babaeng nerd na yun" pagsisimula niya.
"Diba natatandaan mo naman yung sinabi ko sayo sa parking lot? yung mga plina-plano nya sayo?"
"Oo, B-bakit?"
"Mukhang hindi lang sya normal na nerd"
Kinabahan naman ako sa sinabi nya.
"What do you mean?"
"Mukhang nagpapangap lang sya na nerd, and I think hindi rin sya normal na studyante"
"Ano?"
"Nakita ko sya kanina may kausap sya sa kabilang building, yung lumang building"
Nagulat naman ako sa sinabi nya. Oo building pero, abandunado na. Mag two- two years nang abanduando yung building na yan, bale second year highschool ako nung ipasara yan at hindi ko alam kung bakit. Hula namin ay aayusin yun at gagawing bago kasi luma na at delokado na rin, pero ang hula naman ng iba dyan ay maraming multong naninirahan dyan kaya pinasara muna at pinagbawalan ang mga studyante na pumunta dyan.
"Oh ano daw ginagawa nya dun?" tanong ko naman sa kanya.
"May kausap syang dalawang lalaki dun, nakasuot sila ng itim at nakasumbrero kaya hindi ko maaninag mga mukha nila pero ang alam ko lang ay hindi sila dito nagaaral dahil bago lang sila sa paningin ko"
"Buti hindi ka nila nakita? nagtago ka ba?"
"Oo nagtago ako sa likod ng poste medyo malapit sa kanila"
"Bakit mo pa sya sinundan? Paano kung napahamak ka ha?" nagaalala na talagang tanong ko sa kanya at hinawakan pa sya sa balikat.
'Hayst ayoko mawala bestfriend ko huhuhuhu'
"Scarlett calm down, wag ka magaalala maayos naman ako eh" pagpapakalma nya sa akin.
"Eh anong nalaman mo? anong narinig mo?"
"Hindi ko maintindihan yung iba nilang pinaguusapan pero narinig ko yung sinabi ng isa nya kasama"
"Oh ano daw?"
" 'Kami nang bahala dito wag na wag kang mag papahuli sa kanya Greta' " sabi nya at parang ginagaya nya yung siansabi nung lalaki.
Nagulat naman ako sa sianabi nya. Mukha ngang may masamang balak yung nerd na yun at yung mga kasama nya. At pala pangalan nya.
"So Greta pala pangalan nya?" tanong ko sa kanya pero nagkibit balikat lang sya.
Tinapos na namin yung usapan namin at dumeretso na sa PE class. Nakasuot na kami lahat ng PE uniform nang pumasok si ser Ostine. Pinapunta na nya kaming lahat sa oval at pinag warm up.
Push up dito push up doon, Takbo dito takbo doon, Talon dito Talon doon. Marami pa kaming ginawa hanggang sa matapos na ang klase at ready to uwi na.
"Alice punta muna tayo sa locker room naiwan ko yung iba kong gamit doon eh" yaya ko kay Alice habang nakaupo at nagpupnas ng pawis. Nakakapagod grabe puro takbo puro talon at kung ano ano pa hayst!
"Ghe naiinom na rin ako eh daan na rin tayo sa cafeteria mamaya"
"Ok sige, lets go" tumayo na kaming dalawa at nagsimula ng maglakad.
Dumaan muna kami sa cafeteria dahil mas malapit yung cafeteria kesa sa locker room. Bumili lang kami ng bottled water at nagtungo na rin sa locker room.
Binuksan ko na yung locker ko nang makarating na kami dito. Kinuha ko na yung bag ko at iba pang mga gamit ko. Isasara ko na sana nang magulat ako kay Alice nang iharang nya yung kamay nya.
'ano naman kaya problema ng isang ito?'
Taka ko syang tinignan pero ngumiti lang sya sa akin.
"Wala ka bang snacks dyan?" nakangusong sabi nya atsaka tinignan yung loob ng locker ko. Psh kahit kailan tong babaeng to napakaburaot!
"Eh bakit hindi ka bumili kanina?" tanong ko sa kanya with matching taas kilay pa Hahaha!
"Eh kasi nakalimutan ko eh hehehehe" napangiwi na lang ako sa naging sagot nya.
"Uy meron ka ba dyan?" tanong nya ulit with matching puppy eyes pa.
Napairap na lang ako atsaka dinampot yung nachos sa loob ng bag ko at binigay yun sa kanya, para naman syang bata na excited na buksan yung pagkain.
Sinara ko na yung locker ko at ni lock yun pero nagulat ako nga mahgip ng mata ko sila Mike at Greta.
"Psst anong tinitignan mo——" napatingin ako kay Alice at sinenyasan syang tumahimik at sumunod naman sya. "Ay yun pala" bulong nya nung makita nya na kung ano yung tinitignan ko.
Si Mike at Greta naguusap sa gilid ng locker. Totoo kayang may gusto si Mike sa nerd na yan?
'no way! no f*****g way!'
Palihim kaming lumapit sa kanila at nagtago sa gilid ng locker para hindi nila kami makita.
"Kamusta pala?" tanong ni Mike sa kanya.
"Ayos lang naman hihihi" Sagot naman ni nerd. Napairap na lang ako sa sobrang hinhin nya kung magsalita.
'Hayst ang pabebe amp!'
Naiirita na ako habang nagkakamustahan sila sa harap ko!
Sino ba naman hindi maiinis sa kanila crush mo nangangamusta sa kaaway mo duh! hindi ako martyr no!
Aalis na sana ako pero pinigilan ako ni Alice at pinandilatan. Napanguso na lang ako sa kanya at bwisit na humarap dun sa kanila.
"Sige kita na lang tayo bukas!" pagpapalam ni Mike sa kanya.
"Ok sige!"
"Bye Fyena!" habol ulit ni Mike sa kanya at kaway lang ang isinagot ni nerd.
Wait, what did he call to her? Fyena?
Nagkatinginan kami ni Alice at takang tinignan ulit sila nagulat ako nang mapatingin si Mike sa direksyo namin.
"H-Hi Mike!" naiilang na bati ko sa kanya.
'Huhuhu I hate this'
"Oh kanina pa kayo dyan?"tanong nya sa amin. Atsaka limapit.
Kinabahan ako nang wala akong maisagot at parang natatataeng ngumiti at tumingin sa kanya. Siniko ko ng bahagya si Alice para sya na ang sumagot.
"Ah eh k-kasi—— kararating lang namin dito hehehe" napahinga naman ako ng maluwag ng dahil sa sinabi ni Alice.
"Ah I see..... ahm kamusta yung PE?"
"O-Okay lang naman hehehe, ikaw kamusta? Hindi ko alam na magkaibigan na pala kayo ni Greta" sabi ko pero nagtatakang reaksyon lang ang naging sagot nya.
"Sinong Greta?" nagulat ako sa naging tanong nya.
'Oh my god'
"Y-Yung nerd——— Ah I m-mean yung b-babaeng kasama mo k-kanina hehehe"
"Ah Fyena ang pangalan nya hindi Greta......Fyenelophe Haycinth her full name"
'what the!'