Scarlett's PoV
Naka angat ang noo ko at walang paki alam sa mga studyanteng nag bubulungan sa tabi. Kasama ko si Alice na hindi maawat sa pag irap sa mga nagsasabi sa akin ng mga masasamang salita.
Wala naman akong ginawang masama kaya wala akong dapat ikahiya.
"Hintay mga teh!" sabay kaming napalingon ni Alice dun sa sumigaw. Napangiti kami nung makita sila Sarrah, Line, Evie, at Paul.
"Pwedeng sumabay?" tanong nila ng makalapit sa amin.
"Sige!" masiglang sabi ni Alice. Napangiti naman ako sa kanilang apat.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at nagpatuloy din ang mga bulong bulungan sa gilid.
"Ang daming bubuyog sa pathway! Jusko! Hindi ako na inform!" pagpaparinig ni Paul sa mga studyanteng hindi matigil sa pagbubulungan.
"Look who's here!" mataray na sabi ni Daisy na hinarangan ang dadaanan namin at saka nakangisi akong tinignan.
'Andito na naman ang BITCHera kong pinsan'
Maglalakad na sana kami nung harangan pa kami nung mga alipores nya na buntot ng buntot sa kanya kung saan saan.
"Ay! Iba ang trip ng lola mo! Umagang umaga naghahamon ng away!" bulong ni Paul sa kanila dahilan para tignan sya ng masama ni Daisy.
"Sino ka naman para sumabat ha?!" sigaw sa kanya nung isang babaeng kasama ni Daisy.
"Lokaret! Ikaw lang ba pwedeng sumabat dito! Nakakaloka!" Paul na nakahawak pa sa sentido nya. Natawa na lang ako sa katarayan ni Paul.
"Anong tinatawa tawa mo dyan?!" tanong ni Daisy sa akin. Pinagkrus ko naman ang mga braso ko at tinignan sya mula ulo hanggang paa.
"Nagsasayang ka na nga ng oras mo, hindi mo pa ako matatalo. So b***h, Get out of my way!" nakangising sabi ko with matching flip ng hair at saka sya dinumbo. Ganun din naman ang ginawa ni Paul, Alice, Evie. Sila Line at Sarrah naman ay nakayukong sumunod lang sa amin. Natawa na lang ako sa pagiging masungit naming apat, at pagiging inosente nung dalawa.
"Uy teh, galing mo dun!" Paul.
"Oo nga!" Alice.
"Yeah! Bagay lang sa mga yun yung ginawa natin!" Evie.
"Huhuhu 'di kaya tayo aawayin nung mga yun?" Sarrah.
"Hala oo nga!" Line.
"Di yan! Subukan lang nila!" ako.
Naglakad na kami papuntang room. Nakakagaan pala ng pakiramdam na mayroong nandyan para sayo. Sasamahan kang maglakad kapag nagiisa ka.
–––—––Flashback–––––––
Nakaupo lang kami ni Alice sa bench at tahimik. Kanina lang ay natanggal na ako sa R.Q ngayon ay ang mga walang sawang bulungan at masasamang tingin ng mga studyante.
Wala bang magandang mangyayari ngayon?
"Huy teh! Ayos ka lang?!" napatingin ako sa lalaking nakatayo sa gilid ko kasama yung tatlong babae. Mukhang hindi naman sya lalaking lalaki dahil sa galaw at kilos nya.
Tinanguan ko lang sya at saka umiwas ng tingin.
"Ay, teh motto mo ba yung 'dont talk to strangers' kaloka! Stress ako dun!" masungit na aniya nya.
"Ako nga pala si Madeline Smith 'Line' nalang para mas maikili," pakilala nung isang babaeng nakaupo na sa gilid ko.
"Ay teh, Paul Gates pero mas keri ko tawagin nang Pauline!" pakilala naman nung baklang kumausap sa akin kanina.
"Eh? Kaano ano mo si Bill Gates?" tanong ni Alice dun kay Paul.
"Ay, junakis ako ni Bill Gates teh!" natatawang sabi ni Paul. Napangiwi na lang kami ni Alice at saka natawa.
"Im Sarrah Lee," pakilala nung isa pang babae.
"Everest Ranier here!" pakilala naman nung isa pa. Mababakas ang pagkamasungit at maarte dito pero pala ngiti naman. Hindi katulad nung dalawa na inosente.
"Scarlett. Scarlett Aislinn Wareyhn," nakangiting pakilala ko sa kanila.
Medyo gumaan na rin yung pakiramdam ko sa kanila eh napaka positive kasi ng aura nila.
"Im Alice Amberden!" pakilala naman ni Alice sa sarili.
"Ay, sa wakas nakangiti na rin ang lola mo!" sabi ni Paul na nakatingin sa akin.
––––––End of Flashback––––––
Pumasok na kami sa room namin. Nung una ay nagulat pa ako dahil kaklase pala namin silang apat, nakakatawa dahil hindi ko man lang napansin. Yung apat na gunggong naman ay nalipat lang kahapon. Si Luxian naman ay matagal na naming kaklase.
"Hey yow mga babes!" malanding bati sa amin ni Kier. Hindi namin sya pinansin maliban lang kay Paul na titig na titig dun sa limang gunggong, kulang na lang ay hubaran nya ito.
Nag asaran naman yung apat dahil sa ginawa naming pangiisnob kay Kier. Naupo na lang kami sa sarili naming upuan nung dumating na si Sir terror.
"Oh, mukhang napapaligiran ako nang mga perpektong tao!" bungad sa amin ni sir terror.
"Naman!" sigaw ni Chase. Umugong naman ang tawanan, at yabangan.
"Eh ang tanong, may mga utak ba kayong mga hinayupak?!" nakangising tanong ni sir terror.
"Naman!" mayabang na sigaw na naman ni Chase at nagtawanan na naman yung mga kaklase ko. Natawa na lang ako dahil sa kayabangan nila.
Napangisi lang si sir at saka naglaba ng libro.
Paktay mukhang alam ko na ang susunod na mangyayari!
"May ibubuga pala kayo ah! Tignan natin!" nakangising sabi ni sir habang patuloy sa pagbubuklat ng libro.
Oh no! Sabi na nga ba!
"S-Sir naman," angal nung mga kaklase ko nung mahulaan na nila ang ibig sabihin ni sir.
"NUMBER ONE!!" umalingaw ngaw sa room ang sigaw ni sir terror kasabay nun ay ang mabilis naming pagkuha ng papel at pagsagot sa mga tinatanong nya.
Sa hinaba haba ng madugung labanan namin kay sir terror ay natapos na rin. Pero ang mga mukha namin ay parang pinagsakluban ng langit at lupa dahil alam na namin ang kakahinatnan ng pagyayabang namin.
"Yabang kasi eh!" parinig ni Alice kay Chase. Napakamot na lang sa ulo si Chase ng tignan sya ng masama nung mga kaklase ko.
Umalis na kami ng room at sabay sabay na pumunta sa cafeteria kasama yung limang gunggong. Napapangiwi ko lang silang pinagmamasdan habang patuloy na nagpapacute sa mga babae sa gilid. Hindi ko maiwasang matawa sa itsura ni Luxian na parang unti na lang ay papatay na ito dahil sa kaingayan ng mga kasama nya. Nagulat ako ng magtama ang mga mata namin na mas lalong ikinakunot ng noo nya dahil siguro ay nakita nya akong bahagyang tumatawa.
Nagtilian naman ang mga babae sa cafeteria nung makita na nila yung limang gunggong.
Naghanap na kami ng lamesa at umorder na. Nagtaka naman ako nung makita kong tumayo sila Chase at Damon at lumabas ng Cafeteria. Hindi ko na yun pinansin at sumama sa apat na pumila para umorder. Nagsimula na kaming kumain nung wala pa din yung dalawa.
"Ay nasaan na yung dalawang ulam?" nagtaka naman kami sa tanong ni Paul. Napatingin naman ako sa lamesa at binilang yung ulam na binili inorder namin.
"Kumpleto naman ah," sabi ko atsaka tinignan yung mga ulam at tumingin ulit sa kanya.
"Lokaret, hindi yung ulam na kinakain! Yung ulam na buhay! Well, pwede rin namang kainin yun" napangiwi na lang kaming lahat ng mapagtanto ang ibig nyang sabihin maliban lang kay Sarrah na naguguluhan pa rin hanggang ngayon.
"May ulam bang ganun?" nagtatakang tanong ni Sarrah. Nakakatuwa ang pagiging inosente nya. Bumulong naman sa kanya si Line dahilan para magulat si Sarrah at mapa tango na lang.
"Gets mo na teh?" tanong sa kanya ni Paul. Napatango naman si Sarrah.
"Tara Paul bili na lang tayo ng buhay na ulam, mukhang nawawala na yung dalawang buhay na ulam eh! Tara baka meron pang available dun kay ateng tindera!" hindi ko na mapigilang matawa nung sabihin yun ni Sarrah.
Si Alice at Evie naman ay napakalakas na ng tawa samantalang sila Harris, Kier ay nagpipigil na ng tawa. Si Luxian naman ay.............. as usual blanko ang emosyon at parang naiirita.
"Hala ka teh! San mo na kuha yan?!" mataray na tanong sa kanya ni Paul. Tinuro naman nya si Line na nagtataka na ring tumingin sa aming lahat.
"Hindi ba ganun yun?!" halos matumba na si Alice sa upuan nya sa kakatawa nung inosenteng tanungin iyon ni Line.
"Ay jusko! Kagagahan mga teh?!" natatawang tanong ni Paul sa inosenteng Sarrah at Line.
Natapos na kaming kumain pero wala pa din yung dalawang gunggong. Pinauna ko na silang lahat na pumunta sa room ng makaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Dali dali kong tinahak ang banyo upang gamitin iyon. Lumabas na ako ng matapos akong gumamit ng banyo.
"Tagal mo naman," kinilabutan ako ng marinig ang napakalamig na boses nya. Nakita ko syang nakasandal sa pader at nakatingin ng diretso ang mga abo nyang mata sa akin.
Nagulat ako ng magsimula syang humakbang papalapit sa akin. Sinimulan ko namang iabante ang mga paa ko pero nawalan ako ng pag asa ng maramdaman ang malamig na pader na dumikit sa likod ko. Nahugot ko na lang ang hininga ko ng makalapit na sya sa akin at hindi pa sya nakuntento dahil nilagay nya pa ang pareho nya braso sa magkabilang gilid ko dahilan para makorner nya ako.
"Ano b-ba ang lapit m-mo," sabi ko at saka sya bahagyang itinulak. Hindi naman umubra yun kaya ibinaba ko na lang ang kamay ko.
"Be my secretary," nagulat ako sa sinabi nya at mabilis syang tinignan sa mata na sana ay hindi ko na lang ginawa dahil hindi ko na maialis iyon.
"What?!" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Im the president and you will be my secretary," mas nagtaka naman ako sa sinabi nya.
President? Sya?
"Or, be my girlfriend instead," dun ko na sya naitulak dahil sa sinabi nya.
"Hell no!" sigaw ko at aalis na sana ng bigla nya akong hatakin sa braso at ilagay ulit sa pwesto ko kanina.
"You choose. Be my girlfriend or be my secretary,"
"What the hell is your problem?!" humanap na ako ng lulusutan at doon lumusot para maka alis sa pagkakakorner nya.
Aalis na sana ako ng marinig ulit syang magsalita.
"Tss. Wrong move," sabi nya.
Lilingon pa sana ako sa kanya ng marinig ko yung boses ni Chase sa Speaker para sa mga announcements.
"Hey students! Gwapo ba boses ko?!" mayabang na tanong ni Chase. Nagtilian naman yung mga babae.
"Kilala nyo ba si Luxian Emperror Colton?!" nagtilian ulit yung mga babae at sasabay na sumigaw ng 'oo'
"Kilala nyo ba kung sino ang girlfriend nya?!" tanong na naman ni Chase na ikinagulat ko. Napalingon ako kay Luxian na nakangisi na.
"Choose," rinig ko pang sabi ni Luxian habang nakangisi.
Lagot! Anong gagawin ko!
"Sabihin mo kung sino!!" sigaw nung isang babae. Napapikit ako at mas lalong kinabahan.
"Naguumpisa sa letter S at nagtatapos sa letter T!" si Chase na batid kong nakangisi na habang sinasabi yun.
"Sabihin mo na!"
"Oo nga!"
"Gegerahin namin yung babaeng yun!"
"Tama! humanda sya!"
Sigawan ng mga babae na kulang na lang ay umapoy sila sa galit.
"Walang iba kundi si––––––" lumapit na ako kay Luxian bago pa man matapos ni Chase yung mga katarantaduhan nilang magkaibigan.
"Oo na! Payag na ako, payag na akong maging s-secretary mo!" sigaw ko kay Luxian na sapat lang para kami lang ang makakarinig. Ngumisi naman sya atsaka may pinindot sa cellphone nya.
"Oh sorry! Wala pa lang girlfriend si Luxian!" napahinga naman ako ng maluwag ng sabihin yun ni Chase.
"Yes!"
"Yehey!
"Hay! Salamat!"
"May pag asa pa ako!"
Sigawan nung mga babae. Napairap na lang ako at tinaasan ng kilay si Luxian na ang lawak ng pagkakangisi.
Umalis na ito at nagsimulang maglakad dahilan para magtilian ang ibang mga babae. Ang iba naman ay binabati sya ng................
... Mr President!?
––––––––––––
Alice PoV
Kanina pa kami nagkwekwentuhan dito. Pero wala pa rin si Scarlett.
San kaya pumunta yun?
"Hey!" nagulat ako nung biglang tumabi sa akin si Damon.
"H-Hi!" bati ko sa kanya, nag umpisa namang uminit yung mukha ko nung silipin nya ako at saka bahagyang natawa.
"A-Ano bang ginagawa mo?" nauutal na tanong ko at saka iniwas ang tingin.
"Ang cute mo," nagulat naman ako sa sinabi nya. Napalingon naman ako sa kanya at masama syang tinignan.
"What!?" tanong ko sa kanya napailing lang sya at saka nangiti.
Baliw na ba to?
Napatingin naman ako sa mga kasama ko na ang lawak na ng pagkakangisi habang nakatingin sa aming dalawa.
"Grabe ang daming langgam!" chase.
"Tumpak, ang dami kasing 'sweet' dito!" Paul.
Nagtawanan naman sila Sarrah na mapanukso rin ang tingin sa amin kanina.
Natigil lang yun ng dumating si Scarlett kasunod si Luxian. Bugnot na bugnot yung mukha ni Scarlett, at nakangisi naman si Luxian.
Lumapit naman agad ito sa akin at naupo sa gilid ko. Tumingin muna ito ng masama kay Luxian bago nag iwas ng tingin.
"Siraulo," rinig ko pang bulong ni Scarlett.
Ano namang nangyari sa dalawang to?
"So kelan kami mag i-start?" tanong ko kay Luxian.
"Now," tipid na sagot nito.
Napatango na lang ako sa sinabi ni Luxian. Nagulat ako nung bigla akong kalabitin ni Scarlett na nakakunot na ang noo at nagtatanong.
"Anong kelan mag i-start?" tanong nya.
"Ay hindi nainform ang lola nyo?!" tanong ni Paul.
"Ewan ko, kala ko sinabi nyo na eh," sagot ko naman.
"Ano nga yun?!" naiirita nang tanong ni Scarlett sa amin.
"Galit teh? Ang mga lola mo kasi ay member na ng Student Council," sabi ni Paul kay Scarlett na bahagya pang nagulat.
"Oh I forgot, Scarlett is my Sercretary now, " anunsyo naman ni Luxian. Napatingin naman ako kay Scarlett na napairap lang dahil sa sinabi ni Luxian.
"Yehey! kasama na natin si Scarlett!" masayang sabi naman ni Sarrah.
Kanina lang sinabi ni Luxian sa amin na kabilang na kami sa Student Council. Kami nila Scarlett, ako, Sarrah, Evie, Paul, Line, at Damon. Sumali naman ng basketball sila Harris, Chase, at Kier.
Hmm.... magiging exciting narin ang buhay ko!
Siguro?