Scarlett's PoV
"You murderer!"
"Get out of here!"
"Dapat matangal ka na sa Royal Queens!"
"b***h!"
Naikuyom ko ang kamao ko ng marinig yun sa mga studyante dito sa pathway. Kung dati ay puro papuri ngayon ay puro mga masasamang salita ang lumalabas sa bibig nila. Naramadaman ko ang mahigpit na hawak ni Alice sa kamay ko, nilingon ko naman sya. Ngumiti lang ako ng makitang nakangiti sya. Nalulungkot ako, dahil lahat ng mga studyante ay ako ang sinisisi sa nangyari kay Fyena.
"Alice, Cr. lang ako," paalam ko kay Alice. At mabilis na tinanggal yung kamay nya.
"Sige, ingat ka Scarlett!" ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot at saka tumalikod na. Naglakad na ako at hinayaan na ang mga paa kong magdesisyon kung saan man ako dadalhin nito. Hindi talaga ako pupunta sa Cr.
Hindi ko alam pero ngayon ay gusto kong mapag isa.
Nahinto ako sa paglalakad ng makita ang bungad ng music room. Pumasok na ako doon at pinagmasdan ang buong paligid nito. Kumpleto sa Instrumentong pang musika. Lumapit na ako sa piano at naupo sa pahabang upuan nun.
Inumpisahan ko nang igalaw ang mga kamay ko para tumugtog.
–––––––––
Luxian's PoV
Im here standing beside the tree, watching her while playing the piano. I cant keep my eyes away from her.
My fist immediately burning in anger when I saw those sad eyes of her. I was about to walk away but her angelic voice stoped me from doing that.
This is a story that
I have never told
I gotta get this off
my chest to let it go
I need to take back
the light inside you stole
You're a criminal
And you steel like a pro
I slowly turned my head to her. Seeing how her tears fell down on her face. I started to walked towards her when she closed her eyes but she didn't bother to stop playing the piano.
All the pain and the thruth
I wear like a battle wound
So ashamed so confused
I was broken and bruise
I sat down beside her without her noticing. I smiled and closed my eyes like what she did before.
And now I'm a WARRIOR
Now I've got thicker skin
I'm a WARRIOR
I'm stronger than I've ever been
And my armor
Is made of steel
You cant get in
Im a WARRIOR
You cant never hurt me again
I was amazed when she started to sing the chorus and reach the high note of it. But I quickly opened my eyes when she stoped singing, and then I heard her iritating voice asking me.
"W-What are you doing here?!" she asked while her elbow is rising. I chuckled.
"Im sorry," I said. I was about to leave that place when I heard her spoke.
"N-No don't l-leave," she said while not looking exactly in my direction.
I leaned down to her and hold her face to wiped her tears falling again on her face. I hugged her tight trying to comfort her.
"Don't cry...... please. I can't bear watching you crying. Please."
––––––––––
Alice's PoV
Nagaalala na ako kay Scarlett. Buong umaga syang wala sa sarili. Kung kakausapin nya ako ay minsan lang tipid lang din ang mga ngiti nya malayong malayo sa natural nyang mga ngiti.
Nasa loob ako ngayon ng cafeteria dahil lunchbreak na. Mag isa ko lang kumakain dahil pumunta pa sa banyo si Scarlett. Nang maboring ay naisipan ko na lang ilabas ang cellphone ko at doon magrecord ng kantang ginagawa ko. Pero hindi pa lang ako nang sisimula ng umugong na ang mga bulung bulungan kaya nagtaka ako at napatingin dun sa mga studyante na nakatingin ng masama kay Scarlett.
"Scarlett!" tawag ko dito. Ngumiti naman sya ng tipid at saka lumapit.
"Bakit ang tagal mo?" tanong ko nang makaupo na sya.
"M-May ginawa pa kasi ako," sagot nya naman.
"Ay, oh gusto mo bang bilhan na kita ng pagkain mo?" tanong ko na naman.
Umiling lang sya kaya napabuntong hininga na lang ako.
"Ha! Ang lakas naman ng loob mong pumunta pa dito!" napatingin ako kung sinong maldita ang nagsabi nun kay Scarlett. Tsk, si Daisy.
"Tsk! Daisy kung wala kang mapagtripan magpakamatay ka!" sigaw ko sa kanya. Tinaasan nya naman ako ng kilay.
"Bakit ka nangingialam dito?!" lumapit naman sya sa akin at saka isinigaw yun.
"Eh tanga! Malamang bestfriend ko yan eh!" sigaw ko din sa kanya.
"Eh bakit yang bestfriend mo ang pagsabihan mo?! Sabagay hindi nga naman kasi sya nakaramdam ng kahit katiting na pagmamahal sa daddy nya–––" nagulat ako ng putulin ni Scarlett yung sasabihin ni Daisy gamit ang malakas na sampal.
"Sino ka para pakialaman ang personal na buhay ko?! You've already cross the line Daisy," seryosong sabi ni Scarlett kay Daisy.
Aalis na sana kami nung bigla syang hilain ni Daisy sa braso.
"Hindi pa tayo tapos kaya wag mo akong tatalikuran!!" si Daisy na pumunta pa sa harap ni Scarlett at tinignan sya ng masama. Marahas na mang tinanggal ni Scarlett yung pagkakahawak ni Daisy sa braso nya. Nakakagulat dahil ngayon ko lang nakitang magalit ng sobra si Scarlett.
"Umalis ka sa harapan ko bago pa kita masampal ulit. Dahil kating kati ang palad ko na masampal yang pagmumukha mo," seryosong sabi ni Scarlett sa kanya. Parang takot na takot naman sumunod si Daisy kaya natawa na lang ako.
Kala nyo ha! Hindi nyo kami kaya no!
Umalis na kami sa cafeteria pero nagulat kami nung may isang studyanteng sumalubong sa amin.
"Scarlett, Alice!" Hinihingal na sabi nya sa amin.
"Bakit?!" nagaalalang tanong ko naman sa kanya. Napatingin pa sya kay Scarlett bago magsalita.
"Sinabi ni Fyena na si Scarlett ang dahilan kaya nawalan sya ng malay! Pinukpok daw sya ni Scarlett!" nagulat naman kaming dalawa sa sinabi nya.
"At ang mas malala ay kalat na kalat na ito sa buong campus–––––" hindi na namin pinatapos yungbsasabihin nya nung tumakbo na kami ni Scarlett sa parking lot. Nung una ay hinrang pa ng mga guard ang sasakyan namin pero wala na din itong nagawa nung magpumilit kami.
Nang makarating kami sa hospital ay agad naming hinanap si Fyena. Alam kung galit si Scarlett dahil seryoso lang ito hindi katulad dati na 101 ang kasungitan nya.
Kakatok pa sana ako ng biglang buksan ni Scarlett yung pintuan at dire diretsong lumapit kay Fyena at hinawakan ito sa kwelyo. Napatingin naman ako sa paligid, wala man lang ang mga magulang ni Fyena dito. Agad na akong lumapit sa kanilang dalawa para umawat.
Tinaggal na ni Scarlett ang pagkakahawak sa kwelyo ni Fyena. Nakangisi lang si Fyena habang nakatingin sa kanya.
"Surprise!" nakangising sabi nito. Gusto ko man syang sabunutan pero hindi ko magawa dahil mas lalala lang ang sitwasyon.
"Bakit mo ba ginagawa to?" tanong ni Scarlett dito.
"Nakakatuwa nga eh! Bakit hindi mo ba nagustuhan? " nakangising tanong nya sa amin.
"Sinong matutuwa dyan sa plano mo?! Baliw ka na ba?!" hindi ko na mapigilang mapasigaw sa kanya dahil sa mga sinabi nya.
"Hmm sayang naman kung ganon. Nasayang lang yung effort kong saktan ang sarili ko para ikaw ang masisi. Sayang," iiling iling na sabi nya ta bahagya pang natatawa.
Napapikit na lang ako at hinila si Scarlett. Baka kung ano pang magawa namin sa baliw na yun at baka mamatay pa nang tuluyan.
–––––—–—–
Scarlett's PoV
Inaya na akong umalis ni Alice ng tumunog na ang bell. Breaktime ng hapon pero nakaupo pa rin kasi ako kung hindi pa ako tinawag ni Alice. Napagdesisyunan naming pumunta muna sa malapit na Coffe shop bago umuwi.
Ngayon ay malinaw na sa akin lahat ng mga pinagsasabi ni Luxian. Pero ang hindi pa malinaw ay kung ano ang intension ni Fyena kung bakit nya ginagawa yun. Nakakabaliw isipin kung bakit.
Nakarating na kami ni Alice sa isang coffe shop. Humanap na kami ng table ni Alice at umorder na rin. Mocha ang kay Alice, Caramel Macchiato ang sa akin.
Tahimik lang kaming naupo at kinuha na ang mga inorder namin. Nagulat akong makitang may cake na nilatag yung waiter sa lamesa namin. Ang cute tignan dahil chocolate ang kalahati nito at strawberry naman ang isa. Binasa ko naman yung nakalagay sa cake.
'Cheer Up?'
Sino naman umorder nito. Tinignan ko naman yung waiter pero wala na ito. Kinuha naman agad ni Alice yung cake at saka hinati at parang ilang araw na hindi nakakain dahil sa paraan nito ng pagsubo.
"Ikaw ba umorder nyan Alice?" tanong ko sa kanya nahinto naman sya sa pagkain nung cake at nakakunot noong tumingin sa akin.
"Hindi. Ikaw ba?" tanong nya naman at saka nagpatuloy ulit sa pagkain.
"Kaya nga kita tinatanung kung ikaw yung nag order eh, hindi ako ang nag order nyan," nakataas ang kilay na sagot ko sa kanya. Nanlaki naman yung mga mata nya at saka agad na nabitawan yung tinidor na hawak nya. Napangiwi na lang ako. Pero sino kaya nag order nito.
––––––––––––
Fyena's PoV
Hindi ko maiwasang mapangisi nung batiin ako ng mga studyante habang naglalakad.
"Hi Fyena!"
"Ayos ka na ba?!"
"Hello Fyena!"
"Sana ayos na si girl no!"
"Oo nga. Nakakatrauma kaya yung ginawa sa kanya ni Scarlett."
"Yeah. Yung malditang Scarlett na yun!"
Napangisi na lang ako at nagtuloy tuloy nang maglakad. Finally nakukuha ko na din ang gusto ko. Natanggal na si Scarlett sa Royal Queens at kinamumuhian na rin sya ng lahat ng nandito.
Sayang, nakita ko sana buong araw kung paano kamuhian ng lahat si Scarlett. Kaso ang mga bwisit na nurse na yun ay ayaw akong palabasin, medyo malala daw kasi ang tinamo ko. Well hindi ko naman sila masisisi dahil effort ko talagang ipukpok ang ulo ko sa sahig.
Napatingin ako kay Scarlett na parang pinagsaklubang ng langit at lupa. Siguro ay nalaman nya nang hindi na syabkasali sa R.Q ang pinagmamalaki nyang position. Hindi ko maiwasang mainis ng makitang may lumapit sa kanyang tatlong babae at isang bakla. Nakangiti ito kay Scarlett at parang nakikipag kaibigan. Mukhang neron pa ring mabait sa kanya.
"Hi Fyena!" napalingon ako nung tawagin ako ni Daisy. Ngumiti naman ako sa kanya atsaka lumapit.
"H-Hello Daisy!" gusto ko mang ngumisi sa harap nya pero kailangan kong umarteng mahina at nerd.
"Wag ka nang mautal tuwing kaharap mo ko. We're friends right?!" tanong nya sa akin. Palihim akong napangiwi dahil sa sinabi nya. Hell no!
"Oo naman," nakangiting sagot ko.
"Hindi mo ba ako iko-congratulate sa pagiging R.Q ko?!" si Daisy. Nakakatawa ang pagiging desperada nya, gusto nya mapabilang sa R.Q dahil kating kati syang makakuhang ng respeto at kasikatan. Tsh.
'Why would I'
"Congrats!" bati ko sa kanya.
"Thanks!" maarteng sabi nya bago nya ako tinalikuran. Parehas sila ng pinsan nya, maarte at suplada.
Ano bang meron sa R.Q at kating kati silang mapabilang dun.
Napapailing ko lang syang sinundan ng tingin bago pumunta sa parking lot para umuwi na. Papasakay na ako sa kotse ko ng lapitan ako ni Scarlett. Nakangisi ito sa akin.
"Masaya ka na ba?" tanong nya.
"Sobra," nakangising sagot ko.
"Bakit hindi man lang bumisita yung mga magulang mo nung na ospital ka?" tanong nya na nakahawak pa sa baba nya na animoy nag iisip. Naikuyom ko naman ang mga kamao ko dahil sa sinabi nya.
"Pakialam mo ba?" hindi ko na pinansin kung may makakakita sa amin. Tinaasan ko na sya ng kilay na ikinangisi nya naman.
"Wala lang. Hmm nakakapagtaka kasi," gusto ko na syang suntukin ng wala sa oras.
"Shut up!" gigil na sabi ko sa kanya.
Sumakay na ako sa kotse ko at pinaharurot yun. Napatingin ako sa litratong nakasabi sa front mirror ng kotse ko. Pinahid ko ang luhang mabilis na pa lang tumulo.
Malapit na kitang maipaghiganti............... Malapit na.
––––––––––––
Scarlett's PoV
Napangisi ako ng makitng napikon si Fyena sa ginawa ko.
Hindi mo ko matatakot at mas lalong hindi mo ako masisindak.
"Condolence."
"Condolence Scarlett."
"Nakikiramay kami Scarlett."
"Pfft. Condolence."
Masama kong tinignan yung apat na tumatawa na ngayon. Bwisit!
"What the hell!" sigaw ko dun sa apat na tawa lang ng tawa.
Napatingin ako kay Luxian na nakatingin lang sa akin, ayan na nama n ang kulay abo nya mata na parang unti unti akong nilulunod. Agad kong naiwas ang tingin ko ng malakas at nagpaparinig na tumukhim si Chase. Psh.
"W-What are you doing here?!" hindi ako makatingin ng diretso kay Luxian ng tanungin ko yun.
"Condolence nga! Palibhasa kasi iba inaatupag!" sabat naman ni Chase. Nang aasar ang loko.
"What?! Psh. Baliw!" inis na sigaw ko dito.
"What for?!" tanong ko sa kanya.
"Hehehehe nabalitaan kasi namin na natanggal ka na sa R.Q! Kaya yun Condolence!" tatawa tawang sabi nya.
Napatingin naman ako kay Alice na papunta na dito at kunot noong nakatingin sa limang gunggong.
"Anong ginagawa ng limang gunggong dito?" bulong nya sa akin nung makalapit ito.
"Narinig ko yun," nakangising sabi ni Chase.
"Eh ano naman kung narinig mo?!" sigaw naman sa kanya ni Alice.
"Tsk! Sumbong kita kay Damon eh!" sigaw sa kanya ni Chase. Namula naman si Alice at parang nahihiyang nakatingin kay Damon.
'Eh? Damon pala ah!'
"E-Edi sumbong mo!" nauutal na sigaw ni Alice.
Natawa naman ako sa kanila. Pero hindi ko pa ring maiwasan malungkot dahil wala na ako sa R.Q
––––––––Flashback–––––––
Nagulat ako nung may biglang pumasok sa room namin na tatlong babae. Kung hindi ako nagkakamali sila yung mga nagbigay sa akin ng golden card na nagsasaad na nakabilang ako sa R.Q
Dali dali dilang pumunta sa bag ko at may kinalkal dun. Natigil lang sila ng makita na yung hinahanap nila.
"You are not longer part of Royal Queens Scarlett Aislinn Wareyhn," sabi nung isa at saka pinunit sa harap ko yung golden card.
–––––––End of Flashback–––––––
Pag napatunayan ko nang hindi ko kasalanan yung nagyari kay fyena. Humanda kayo sa akin!