Scarlett's PoV
Nanginginig ang buong katawan ko habang iminamaneho ang kotse ko. Paulit ulit akong lumilingon kay Luxian na nasa passenger seat at wala man lang reaksyong nakatingin sa daan.
'Manhid ba to?'
Tinamaan sya ng bala sa likod pero parang wala lang sa kanya. Samantalang ako ay hindi na mapakali at natatarantang tumitingin sa kanya habang nagmamaneho papuntang hospital.
Nakita ko ang dahan dahan nya pagpikit kaya mas lalo akong kinabahan.
"No! No! Luxian, Luxian! Please hold on! Malapit na tayo sa hospital!" sigaw ko sa kanya. Gusto ko man syang lingunin, pero mas kailangan kong magfocus sa pagmamaneho. Mas lalo ko pang pinabilisan ang pagpapaandar.
"Tss. Ingay," parang binunutan naman ako ng tinik sa dibdib ng marinig syang sumagot.
Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa hospital. Tinawag ko na ang mga nurse na dali dali namang inasikaso si Luxian, sumunod lang ako sa kanila. Huminto na ako nung dalhin na sya sa E.R, napaupo na lang ako sa mga upuan sa gilid at dun na ako tuluyang nakahinga nang maluwag. Hindi ko pa rin maiwasang mag alala pero ngayong nasa hospital na kami, alam ko nang magiging ligtas sya.
Ilang saglit pa akong naghintay dun. Inilipat na nila si Luxian sa isang bakanteng kwarto sa hospital, kaya pumunta na rin ako dun. Naupo ako sa isang malawak na sofa katabi ang hospital bed na hinihigaan ngayon ni Luxian. Pinagmasdan ko pa syang nakapikit habang nakakunot ang mga noo. Natawa ako ng makita kung gaano kagulo yung buhok nya.
Tumayo muna ako at lumapit sa tabi nya at doon piniling umupo. Inayos ko naman ang pagkakakumot nya. Ilang saglit pa nang lamunin ako ng antok at tuluyan ng makatulog.
–––––––––––––––––––
Luxian's PoV
I woke up facing the most beautiful woman sitting beside me. Eh?..... I mean, stupid woman. I suddenly felt pain on my back while trying to sit comfortably.
Those assholes! And their fvcking bullets.
I face Scarlett peacefully sleeping. Good thing she didn't hurt. And then anger started to crawl in my mind when I remember what exactly happened on the parking lot, I wanted to kill those damn assholes that night, but I dont want Scarlett to see who I really am. Im not yet ready for that.
I carried her like bridal style and carefully put her down on sofa. I cant stop staring at her, her soft face slowly driving me crazy. But, what ever happens, I will not allow my self to love her.
Because.....
Im afraid..... Im afraid that I might fall for her. And one day I'll ended up loving her.......... Loving the daughter of our greatest enemy.
–––––––––––––
Scarlett's PoV
Naalimpungatan ako nung marinig ko yung boses ng Nurse.
"Good morning ma'am, umalis na po yung kasama nyo," napabalikwas ako sa pagkakahiga nung marinig yung sinabi nung Nurse.
"What?! Why?!" tanong ko naman sa kanya. Muntik pa akong nahulog sa sofa dahil sa gulat.
'Eh? Sa sofa ba ako natulog?'
Nagtataka man ay tinignan ko na yung hospital bed at wala nga sya dun.
"Anong oras po sya umalis?" tanong ko dun sa nurse na inaayos nayung hinigaan ni Luxian kanina.
"Ahm, mga one hour na po mula nung umalis sya," sagot nya naman.
"Why didnt you wake me up?"
"Bilin nya po kasi na wag po kayong gigisingin. Pipigilan pa po sana namin syang umalis pero, hindi nya po kami pinansin at naglakad na papalabas ng ospital," sagot nung Nurse.
Tinignan ko yung relo ko pero huli na nung malaman na late na ako sa klase ko!
'Huhuhuhu 10:30 na!'
Kinuha ko na yung gamit ko at dali daling lumabas ng hospital at saka sumakay sa kotse at paandarin yun pauwi sa bahay.
Nakailang mura pa ako dahil sa traffic sa kalsada. Panay din ang hampas ko sa busina tuwing may sisingit na kotse sa harapan ko.
Ilang oras pa ay nakarating na ako sa bahay. Pagbungad pa lang sa loob ng bahay ay nakatikim na ako ng isang malakas na sampal mula kay Dad.
Hindi ko magawang ituwid ang ulo ko dahil sa lakas nun. Narinig ko naman ang mga yabag na papunta sa amin.
"D-Dad," yun pa lang ang nasasabi ko ay napapikit na ako sa nagbabadyang pagsampal sa akin ni Daddy. Pero ang malakas na sigaw ni mommy ang pumigil dun.
Naramdaman ko naman ang kamay sa braso ko, nakita ko ang pag aalala sa mukha ni kuya Asher habang nakatingin sa akin. Inakay na ako ni Asher sa living room at kumuha ng mga gamot. Napatingin ako sa salamin na katapat ko lang. Pilit kong pinipigilang ang mga luhang nagbabadya sa mga mata ko nung makita yung pisngi kong namamaga at ang labi kong may sugat na sa gilid.
Tumakbo na ako sa kwarto ko at hindi na hinintay pa si kuya Ash na gamutin ang sugat ko. Unti unti nang tumulo ang luha ko na mabilis ko namang pinahid.
Tumayo na ako para magready pumasok sa school. Instead na magmukmok ako, pupunta na lang ako sa school.
Naligo na ako at nagbihis. Pumuslit pa ako sa kusina at kumain ng waffles and pancake. Nang matapos ako kumain dumiretso na ako sa labas. Hindi pa man tuluyang nakakalabas ay nakita ko na sa garden si daddy na nagbabasa ng dyaryo. Huminto muna ako at nag bow sa harap nito kahit naman labag sa kalooban ko. Gusto ko lang sana syang lagpasan pero ano bang magandang maidudulot nun. Mapapagalitan lang ako.
Sumakay na ako sa kotse ko at sinimulang paandarin yun. Namalayan ko na lang na tumutulo na pala ang mga luha ko. Nakarating na ako sa parking lot nung maaninag si Alice na nakatayo sa gilid ng kotse nya. Pinunasan ko na yung luha ko at saka pinilit na ngumiti bago lumabas.
"Alice!" tawag ko dito. Tumingin naman sya sa akin na parang naluluha kaya tumakbo na ako sa kanya.
"Huhuhuhu Scarlett, bati na tayo! Please!" natawa na lang ako sa sinabi nya.
"Hindi naman kita inaway eh! Ikaw kaya!"
"Bestfriend na ulit ba tayo?!" tanong nya naman. Natawa na lang ako at saka kumapit sa braso nya.
"Psh. Hindi naman tayo nagfriendship over eh!" naiyak naman sya dahil sa sinabi ko.
'Andrama talaga nito!'
"Tara na nga!" yaya ko sa kanya.
"Bakit nga pala hindi ka pumasok nung umaga?" nagulat naman ako sa tanong nya. Hala ano kayang idadahilan ko?
"Ahm..... K-Kasi may lagnat ako eh hehehe," kinakabahang sagot ko naman. Hinawakan nya naman yung noo ko at leeg.
"Wala naman ah."
"Hehehehe k-kanina lang," pagdadahilan ko na naman.
Inaya nya na akong maglakad papuntang room at sakto namng nandun na yung Lecturer namin.
Discuss.
Discuss.
Discuss.
Breaktime.
Pumunta na kami sa cafeteria nung tumunog na yung bell, hudyat para sa 15 minutes break.
Bumili na kami ng chips and juice at humanap ng lamesa. Pinili namin sa gilid at doon naupo. Bubuksan ko na sana yung pinamili ko nang biglang magtilian yung mga babae. Nakita ko naman yung Entrance nung cafeteria na dinumog na nung mga babae. Tumayo ako para mas makita pa kung sino yung dumadaan dun, nagulat ako nang makita yung limang gunggong na naglalakad....... Eh? Papunta sa amin.
'Oh no!'
Dali dali ako napaupo at bahagyang yumuko. Lumingon naman ako para sana makita si Alice pero wala ito. Nagulat ako nung may biglang kumalabit sa binti ko, sinilip ko naman kung sino yun at laking gulat na si Alice ang nakita ko dun.
'Ngek bakit nagtatago to sa silong?'
Napalingon naman ako sa limang gunggong na papalapit na talaga sa amin, busy sila sa pagkaway sa mga babae sa gilid nila. Pumunta na ako sa silong at nagtago na rin katulad ni Alice hinarang namin yung upuan para hindi kami masyadong makita.
Naramdaman namin ni Alice na nasa tapat na yung lima.
"Ngek? Saan na yung dalawa?" rinig kong tanong ni Chase. Mahina akong napasigaw at dali daling napatakip ng bibig dahil sa gulat nung masagi ni Chase yung upuan.
"What are you doing there?" nanigas ako sa kinauupuan ko ng marinig yung boses nya. Unti unti naman akong napalingon at nagtama ang mga mata namin.
'Paktay na this!'
Lumabas na kami ni Alice sa tinataguan at nahihiyang hinarap yung lima.
"Oh nandyan pala––––– anong ginawa nyo sa silong?" si Chase.
"Ah hehehe, y-yung tibig kasi ni Alice n-nahulog" pagsisinungaling ko. Hindi ako makatingin ng diretso kay Luxian na ngayon ay nakatayo sa harap ko.
"Eto ba?" tanong ni Luxian at bahagyang nakaturo dun sa bottled water na nakalapag lang sa lamesa.
'Hala! Huhuhu!'
"Ah, h-hehehe! I-Ikaw naman Alice sabi mo nasa silong yung tubig mo?" tanong ko kay Alice na namumula na at pinagpapawisan. Gulat naman syang napatingin sa akin at pinandilatan ako ng mata.
"K-kala ko kasi n-nahulog dun eh," sagot nya naman.
"Baka naman nagtatago lang kayo," nakangising sabi ni Chase sa amin ni Alice. Tinaasan ko naman sya ng kilay at nagpameywang sa harap nya.
"Eh bat kasi nandito kayo?!" masungit na tanong ko sa kanila.
"Easy Hahaha!" tatawa tawang sagot nito habang nakataas ang dalawang kamay.
Lumapit naman sa akin yung isang lalaki at nakangisi nya ako tinignan mula ulo hanggang paa kaya mas lalo akong nainis.
"Kier Avery, my ba–––––" pinutol ko na yung sasabihin nya bago nya pa maituloy yung salita 'baby'.
"I. Dont. Care," matigas na sabi ko atsaka umirap.
"Hahahaha!"
"Boom! Basag!"
"Kawawa ka naman tsong!"
Inasar naman sya nung tatlo sa ginawa kong pambabara sa kanya maliban lang kay Luxian na nakatingin sa akin at nakapalumbaba sa lamesa. Tumikhim naman ako atsaka naupo.
"Ito nga pala si Damon Steve Grange, at Harris Walker," pakilala naman ni Chase sa dalawang natitira. Ngumiti naman ako sa kanilang dalawa at nagumpisa na kaming kumain, sila lang pala. Hindi kami mapakali ni Alice sa limang to.
"B-Bili lang ako ng tubig," paalam ko sa kanila. Hahakbang na sana akong nung bigla akong mapatapilok. Nagulat naman ako nung bigla akong saluhin ni Luxian bago pa man ako matumba sa sahig. Napatitig naman ako sa kanya na nagulat dahil sa sarili nyang kilos. Napasigaw ako nung bitawan nya ako at umupo sa upuan nya. Kaya ending.... Nakasalamapak ako sa sahig.
'Huhuhu sakit sa pwet!'
"Scarlett! Tayo agad, nakakahiya!" sigaw naman ni Alice kaya nagtawanan yung mga tao sa cafeteria. Tinignan ko naman nang masama si Alice na nag peace sign at nakangiti.
Nang matapos ang breaktime ay pumasok na ako sa room para sa susunod na klase. Nasa Cr si Alice kaya magisa na naman akong naglalakad papunta sa room.
Walang katao tao nang madatnan ko yung room. Napatigil ako sa pagalalakad ng makitang may dugo sa sahig. Kinilabutan ako nung makita si Fyena na nakahiga sa sahig at puno na nang dugo. Narinig ko na lang ang pagsigaw nung mga kaklase ko at ang paghawi nila sa akin para makita ang duguang katawan ni Fyena.
Nakita ko naman si Alice na tulala at parang nagtatanong sa akin. Ganoon din ang itsura nung mga ibang studyante sa loob ng room. Nagtatanong, masama at matatalim ang tingin sa akin.
'Mali kayo ng iniisip!'
Hindi ko namalayang hinihila na pala ako ni Luxian papalabas nang room. Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko man tanungin sa mga studyante kung ano ang nasa isap nila pero sa mga inasta palang nila ay alam ko na. Ako..... Ako ang sinisisi nila.
Tumutulo pa rin ang luha ko ang bitawan ako ni Luxian.
"Luxian," nanginginig na tawag ko sa kanya. Nag aalala nya naman akong tinignan at saka lumapit sa akin....... At yumakap.
"Sshh," pagpapatahan nya sa akinq habang hinahaplos ang buhok ko.
"H-Hindi....... Hindi ako ang g-gumawa nun. Maniwala ka, " sabi ko kasabay ang paghagulgol ko.
"Oo, alam ko. Naniniwala ako sayo," natigil ako sa pagiyak at tumingin ng diretso sa kulay abo nyang mga mata. Gumaan ang pakiramdam ko nung sandaling sabihin nya yun.
'Salamat'
–––––––––
Alice PoV
Hindi na natuloy ang klase namin dahil sa nagyari. Dinala na sa hospital si Fyena na duguan ang katawan dahil sa tinamo nya sa ulo. Nagaalala ako ngayon kay Scarlett, kanina ko pa sya hinahanap. Alam kong nasasaktan sya dahil sya ang sinisisi nung mga studyante dito.
"Ang sama ni Scarlett!"
"Murderer!"
"b***h!"
"Yeah. Right!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na hilahin yung buhok nung mga nanlalait kay Scarlett. Dalawa dalawa yung buhok na hawak ko samantalang dalawa din ang nakahawak sa buhok ko.
"Bitawan mo ko!" sigaw nung dalawa.
Gigil ko pang sinabunutan yung isa bago sila pinakawalan. Matalim ko silang tinignan habang inaayos yung buhok ko.
"Sa susunod, kung hindi nyo alam yung nangyari! Wag kayong basta bastang manghusga!"
"Bakit? Totoo naman eh! Ginawa yun ng kaibigan mo!" sigaw nung isa.
"Bakit? Nakita mo ba?" nakangising tanong ko sa kanya. Natigilan naman sya dahil sa sinabi ko.
"Hindi diba? Hindi mo nakita, tama ba ako?!" napaatras naman sila nung magsimula akong maglakad papalapit sa kanila. Pinag krus ko muna yung mga braso ko at tinignan sila mula ulo hanggang paa.
"Pangit na nga, mga tanga pa!" yun lang at umalis na ako.
Sigurado ako, at alam ko sa sarili ko. Hinding hindi magagawa nang bestfriend ko yun.