Chapter Nine

2079 Words
Scarlett's PoV Hapon na at magisang tinatahak ang daan papuntang room. Nasa Cafeteria kasi si Alice at bumibili ng chips. Nakakabugnot ngayong araw. Halos lahat ng makasalubong ko ay sinusungitan ko o kaya ay iniirapan. Psh. Sino bang di mabubugnot dun sa nerd na yun! 'That b***h!' Nahinto ako sa paglalakad ng tawagin ako nung matandang babaeng janitor na naglilinis sa loob ng comfort room. "Why!" inis na tanong ko. Kumunot naman ang noo nya at iiling iling bago nagsalita. "Pakitapon nga ito ineng," utos nya sa akin at saka itinuro yung baldeng puno ng maduming tubig. Eeww! "What! Are you crazy?" sigaw ko sa kanya. "Hindi, hay naku ineng! Baliw na ba ang patatapon nito?" tanong nya rin sa akin. Dahil sa sinabi nya mas lalo tuloy naging bwisit 'tong araw ko! "No, I mean.... Why me? Hello! Im the fifth Queen here! Psh!" sigaw ko sa at saka tinalikuran na sya. "Napakatamad naman nito," bulong nya pa pero hindi ko yun pinansin at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad. Napatigil ako sa paglalakad at saka hinarap ang paghampas ng hangin sa balat ko, napakapit naman ako sa railings at saka dinama ang malamig na simoy ng hangin habang nakapikit. Nagulat ako ng magtama ang mata namin ng sandaling maimulat ko na ang mga mata ko. Nakasandal ito sa puno at nakatingin ng diretso sa akin. Agad naman akong nag iwas ng tingin at nahagip nun si nerd! 'Makakaganti na rin ako sayo!' Nasa second floor ako ng building at nasa first floor naman sya at parang may kausap sa cellphone. Tumakbo ako papalapit kay ateng janitor na bahagya namang nagulat sa biglaang pagsulpot ko. "Ate, ako na po magtatapon nyan," halos mapunit ang bibig ko sa sobrang pagkakangiti sa kanya. Nagtataka mana ay ibinigay nya na rin sa akin yung baldeng punong puno ng maduming tubig. Ipinatong ko muna sa railing yung balde at saka ngiting tagumpay na ibinuhos yun kay nerd. Narinig ko naman syang sumigaw, dumungaw ako para makita kung gaano sya kadumi. Tumingala naman sya at saka asar na tumingin sa akin. Tinakpan ko naman yung bibig ko at umarteng parang nagulat sa nangyari. "Oopss! Sorry!" pag arte ko at saka bahagyang ngumisi. Ngumisi naman sya sa akin pero halata mo pa rin ang pag kainis sa mukha nya. "Oh my gosh!" "Anong nangyari sa kanya?!" "Eeww! Ang baho ano ba yan!" "Mukhang may nagtapon sa kanya nyan!" "Yeah." Nagulat naman ako nung biglang sumulpot si ateng janitres sa gilid ko at dumungaw din sa baba. "Hala! Ikaw bata ka, bakit dun mo itinapon 'yun?" gulat na tanong nya sa akin. "Eh ate, wala naman po kasi kayong sinabi kung saan itatapon eh," sagot ko naman sa kanya. Napahawak na lang sya sa noo nya at parang problemadong dumungaw ulit. Inilapag ko na yung balde at umalis na. "Jusko! Pinapahamak mo akong bata ka!" sigaw nya pa. Napangisi na lang ako at tatawa tawang naglakad papuntang room. Nakita ko namang wala pa ang lecturer namin. Umupo na ako sa upuan ko at saka hinintay si Alice na dumating pati na rin ang lecturer namin. Ilang saglit pa ay dumating na yung lecturer kasunod si Alice. Umupo na sya sa tabi ko at saka palihim na ipinakita sa akin yung mag binili nyang chips. 'Psh! Takaw talaga nito!' "Uy Scarlett, nakita mo ba si Fyena dun sa labas?" bulong ni Alice. "Hindi eh," pagsisinungaling ko. "Nakakadiri at nakakaawa yung itsura nya," dagdag nya pa. "Psh. Bagay lang sa kanya yun," mahinang bulong ko sa sarili na sana ay hindi ko nalang pala ginawa. "Ano?!" sigaw ni Alice sa akin kaya ultimo yung Lect. namin ay napalingon sa kanya. "Do you have a problem in my subject Ms. Amberden?!" mataray na tanong sa kanya ni Miss. "N-No Miss," si Alice. "Good," si Miss. Umupo na si Alice at nagsimula naman ng magdiscuss si Miss. Nahinto lang sa pagdi-discuss si Miss nung biglang pumasok si Fyena na basang basa pa rin. "You're late Ms–––––– Uhh what's that smell?!" tanong ni Miss sa kanya. Nagtawanan naman yung mga kaklase ko sa tanong ni Miss. Si Fyena naman ay tuloy tuloy lang naglakad habang nakatingin ng masama sa akin. Tinaasan ko naman sya ng kilay at binigyan ng What-are-you-looking-at look. "Tss," nagulat naman ako ng marinig yun at nilingon si Luxian sa likuran kong upuan at umiiling iling habang nakatingin sa akin. 'Psh! Ano namang problema nito!' Tumayo na kaming lahat nung matapos si Miss sa pagdi-discuss.Napatingin ako kay Luxian na nakapikit at parang natutulog. Nakakahanga ang katalinuhan nya, sya pa mismo ang nagtuturo sa Lecturer namin kanina. Nakaalis na kami ni Alice nang room ng makaramdam ako ng tawag ng kalikasan. "Ahm..... Alice, una ka na sa parking lot, Cr muna ako," baling ko kay Alice na hindi man lang ako pinansin at nagtuloy tuloy sa paglalakad. 'Ano bang problema nun?' Hindi ko na yun pinansin at pumasok na sa Cr. Nang matapos akong gumamit ng Cr. ay lumabas na ako. Nakakadalawang hakbang pa lang ako nang may biglang humila sa akin, naramdaman ko na lang ang malamig na pader na dumikit na sa likod ko. 'Sino ba 'tong bwisit na––––' Nagulat ako nang makita na yung mukha nung humila sa akin. Ang abo nyang mga mata ay agad sumalubong sa akin. Isinandal nya ang magkapareho nya braso sa magkabilang gilid ko at saka diretsong tumingin sa akin. "A-Ano bang ginagawa mo?" nangagatog na ang tuhod ko nang sabihin ko yun. Halos pinipigilan ko na ang paghinga sa sobrang lapit nya. "Ikaw, ano bang ginawa mo?" tanong nya sa akin na nakapagpakunot sa noo ko. 'Ano bang sinasabi nito?' "A-Ano bang sinasabi mo?!" tanong ko sa kanya. "Ikaw, ano bang dapat mong sabihin?" napamaang naman ako sa sinabi nya. Hindi ko sya maintindihan, bawat magtatanong ako ay magtatanong din sya. Inalis nya na ang mga braso nya sa gilid ko at saka tumingin ng diretso na naman sa akin. Kinilabutan ako nang makitang nakangisi na sya. "Tigilan mo na ang ginagawa mo," yun lang at umalis na sya. Naiwan naman akong tulala at nangangapa kung bakit ganun ang mga sinabi nya. Hanggang sa makarating sa parking lot ay parang wala ako sa sarili. Nakita ko naman si Alice na nakasandal sa kotse nya at naka poker face. "Alice, alam mo ba kung––––" naputol yung sasabihin ko ng bigla syang tumingin ng masama sa akin. "Ikaw ba?" tanong nito sa akin. "Ano––––" "Scarlett, ikaw ba may gawa nun kay Fyena?" nagulat ako sa tanong na iyon ni Alice. "Paano mo nalaman?" "Ikaw nga," sabi nya at saka tuloy tuloy na naglakad papalapit sa kotse nya. Agad ko naman syang hinabol bago nya pa maisara yung pintuan. "Alice." "Kelan ka ba titigil sa mga kalokohan mo ha?! Scarlett?" galit na talagang sigaw sa akin ni Alice. Napatungo na lang ako dahil sa mga sinasabi nya. "Alice." "Pwede kang ipahamak ng mga kalokohan mo!" wala na akong nagawa ng isara nya na ang pintuan ng kotse nya at paandarin iyon. Sumakay na rin ako sa sasakyan ko at paandarin yun papauwi sa bahay. –––––––Kinabukasan–––––––– Wala pa rin ako sa sarili nang makapasok sa school. Buong umaga ay hindi ako pinapansin ni Alice. Kaya heto ako ngayon mag isang kumakain ng lunch. Hindi ko namalayang may umupo na sa katapat kong upuan. Si Fyena na ang ganda ganda ng pagkakangisi habang nakatingin sa akin. "Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya pero natawa lang ito. "Mukhang mag isa ka?" nakangising tanong nya, nangaasar. "Obvious ba?" sarkastiko kong sagot. "Hmm, saan nga pala yung bestfriend mo? Friendship over na ba––––––" hindi ko na pinatapos yung sasabihin nya at gigil na gigil syang binuhusan ng tubig sa mukha. "Ano kayang nagyayari." "Hala nakita nyo yun?" "Oo, binuhusan ni Scarlett si nerd ng tubig!" "Why?" "I dont know!" Hindi ko na pinansin ang mga bulungan ng ibang mga studyante sa cafeteria. Matalim lang ang titig ko kay Fyena na ngayon ay bahagyang nakangisi. Pero ang ikinagulat ko ay ang paghagulgol nya nung marami nang taong nakatingin sa amin. "G-Gusto ko lang n-naman mag s-sorry," napamaang ako at hindi makapaniwala sa mga sinasabi nya. "Sinungaling!!" sigaw ko sa kanya at saka sya tinulak. Mas lalo naman syang napangisi sa ginawa ko bago bumalik ulit sa paghagulgol. Magsasalita pa sana ako ng may humila na sa braso ko at pwersahan akong hilahin papalabas ng cafeteria. Pilit kong inaalis ang pagkakakapit ng kamay nya sa braso ko pero mas lalo iyong humihigpit. Binitawan nya lang ako nang makarating na kami sa garden na dati ay pinuntahan na namin. "Ano ba?! Bakit mo ba ako hinihila?!" sigaw ko sa kanya. "You are so stupid," walang emosyong sagot nya. "What?! Ano bang ginawa ko sayo?" "You've better stop doing such a stupid things. Tss. " "Sino ka ba?! Sino ka ba para sabihan ako ng tanga?!" "Because you're really are. You don't know Fyena, Fyena has a bad intention with you. And yet you didn't notice that." "W-What do you mean?" "Alamin mo," Yun lang at iniwan nya na ako. Pati ang panghapon na klase ay hindi ko napagtuunan ng pansin dahil sa sinabi ni Luxian. Uwian na at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapansin ni Alice. 'Karma ko na ba to?' Siguro nga kailangan ko nang tumigil sa mga kalokohan ko. Siguro nga kailangan ko nang tigilan ang pagpatol sa nerd na yun. Naglalakad na ako papunta sa parking lot nung tawagin ako nung babae. "Uhm Scarlett, pinapatawag po kayo ni Dean sa Guidance Office," sabi nya na ikinagulat ko naman. 'Im doomed' "Sige, thank you," sagot ko naman at saka dali daling pumunta sa G.O. Naabutan ko naman doon si Dean, si Fyena, at si ateng Janitor. "Good Afternoon Dean," bati ko at bahagyang yumuko upang magbigay galang. "Maupo ka Ms. Wareyhn." Naupo naman ako sa katabing sofa ni ateng Janitor. Na ngayon ay parang kinakabahan. Siguro nga tama sila. Kalokohan ko at pagiging tanga ang ikakapahamak ko. "Naririnig ko sa mga studyante ang naging away nyo Ms. Haycinth and Ms. Wareyhn." "Sorry Dean." "Sorry po Dean." "Hindi ko kailangan ng paumanhin nyo, ang kailangan ko ay ang paliwanag nyo malinaw ba?" napayuko na lang ako sa sinabi ni Dean. "Yes Dean." "Yes po Dean." "Okay. Anong kinalaman ng ating janitor sa gulong ito?" tanong ni Dean sa amin. Napatingin naman ako kay ateng janitor na kinakabahn na talaga. "Wala po syang kasalanan Dean, ako po ang may kasalanan lahat. Pasensya na po Dean." "Kung ganon ay inaamin mo ang mga kasalanan mo Ms. Wareyhn?" "Yes Dean." "Ano ba ang ginawa mo kay Ms. Haycinth?" Napalunok pa ako bago tumingin kay Fyena na nakangisi sa akin. Gusto ko man syang sigawan at awayin pero wala din lang magandang maiidudulot yun. "Binuhusan ko po sya ng maduming tubig na nasa balde at binuhusan ko rin po sya ng tubig sa cafeteria at itinulak," nakayukong sagot ko. Narinig ko namng napabuntong hininga si Dean ng marinig ang paliwanag ko. Nang matapos ang usapan sa loob ng G.O ay lumabas na ako at nagtungo na sa parking lot. Medyo madili na at nakabukas na rin ang ilaw sa mga poste at buildings dito sa school. Sasakay na sana ako sa kotse ko ng makarating ako sa parking lot. Pero ang mga kaluskos na nagmumula sa madilim na parte ng parking lot ay ang pumigil sa akin sa pagsakay sa kotse ko. Naka ilang hakbang na ako pero hindi ko pa rin maaninag kung ano ang nasa likod ng dilim na yun. Nagulat ako nung biglang may humarurot na Kotse sa harapan ko at ang pagdungaw ng baril sa bintana ang nakapagpatayo ng mga balahibo ko. Nangsandaling kalabitin nito ang gatilyo ay parang sandaling tumigil ang oras at balang nagbabadyang tumama sa katawan ko. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang biglang pagsulpot ni Luxian sa harap ko at ang pagyakap nito sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng tamaan sya ng bala imbes na ako, pero ang nakakahanga ay ang mabilis nito pinaputukan ang mga nagbabadyang pumatay sa amin. Umalis na ang mga ito at batid kong ang isa sa kanila ay duguan dahil sa ginawang pagbaril sa kanila ni Luxian. Napatingin ako kay Luxian na ngayon ay hinang hina ng nakatingin sa akin. Ngunit sa ilang segundo naming pagtititigan ay bigla na lang itong bumagsak at napayakap sa akin. 'Anong nangyayari?!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD