SAMANTHA'S POV:
10 YEARS LATER...
Pasado alas otso pa lang ng umaga kaya wala pang masyadong customer sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko.
Pinusod ko ang mahaba kong buhok at isinuot ang apron. Lumabas na ako ng locker room at naabutan ko ang kaibigan kong si Coreen sa kahera. Magkaklase kami ni Coreen sa college at dahil wala pa namang pasok, naghanap muna kami ng trabaho.
"Akala ko ba hindi ka papasok kasi masama ang pakiramdam mo?" tanong ni Coreen habang abala sa kanyang cash register.
"Naubos na kasi 'yong gamot ni Lola kaya kailangan ko ng pera." Kinuha ko ang towel at naglinis nalang muna ako ng counter habang wala pa kaming customer. At tyaka maayos na ang pakiramdam ko dahil uminom ako ng gamot kagabi. Sayang rin 'yong isang araw na sahod kung mag-iinarte ako.
"Bakit ba kasi ayaw mong humingi ng tulong sa mayaman mong tito sa Manila?"
"Nakakahiya kaya. At tyaka balita ko nasa ibang bansa siya. Hindi ko na nga maalala ang itsura niya kasi 6 years old pa ako n'ong huling bisita niya."
Natigil ang pag-uusap namin ni Coreen nang pumasok ang unang customer. Regular customer na namin siya dito kaya alam na namin na ice caffe latte ang order niya.
Take out ang kape niya kaya umalis din siya agad pagkatapos naming maibigay ang order niya. Habang kami naman ni Coreen nagpatuloy sa tsismisan.
"Ang tanga talaga ni Bea! Kahit alam niya ng may ibang babae si Ruben pinatawad niya pa," inis na inis na nagkwento si Coreen akala mo siya ang niloko. Pareho naming blockmate sa college si Ruben at Bea. Sa pagkakaalam ko, 7 years na silang magkarelasyon kaso kumalat 'yong tsismis na may ibang babae si Ruben.
Kahit ako nagulat nang una kong malaman na may third party pala. Kaya wala talaga akong interes sa mga lalaki kasi sa huli, magloloko pa rin naman.
"Ewan ko rin talaga sa mga lalaki! Ano pa kaya ang hanap nila bakit nagagawa pang mambabae. Magkakapareho lang naman ng hugis ng mani!" patuloy na litanya ni Coreen.
"Ay oo nga pala! Samantha next week na ang 18th birthday mo." Excited na lumapit sa'kin si Coreen at pumulupot sa braso ko.
"Ano kaya ang regalo ko sayo? Hmm...siguro teddy bear? Pero masyadong common. Ay lalaki nalang kaya ang regalo ko sayo."
"Hays tigilan mo nga ako Coreen. Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko," agad kong sagot.
"Naku wag kang magsasalita ng tapos Samantha. Sinasabi ko sayo kapag natikman muna ang langit. Siguradong maadik ka dahil sa sobrang–" natigil sa pagsasalita si Coreen nang tumunog ang pinto hudyat na may pumasok na bagong customer.
Nagtaka ako bakit nakatulala si Coreen habang nakatingin sa may pinto kaya tumingin rin ako sa may pinto.
Maging ako natulala rin nang makita ko ang isang matangkad na lalaki malapit sa pinto. Mukhang may kausap siya sa phone niya at ang masasabi ko lang ay sobrang lakas ng dating niya.
Sa tingin ko nasa 6'2 ang tangkad niya at 'yong edad niya siguro nasa late mid-thirties siya. Hindi ako mahilig sa gwapo pero itong lalaki, masasabi ko talagang bukod siyang pinagpala. Ang lakas ng séx appeal niya at nag-uumapaw ang kagwapuhan.
Nakasuot siya ng white polo shirt at beige pants. Sa porma niya siguradong isa siyang engineer, piloto o di kaya businessman.
Halatang madalas din siya sa gym o baka mahilig talaga siya sports kasi matipuno ang tindig niya. Sakto lang ang muscles niya kaya hindi ito nakakadiri pagmasdan.
Binaba niya ang phone niya at naglakad palapit sa'min sa may counter para mag-order.
Palihim akong napamura kasi tangina ang gwapo niya lalo sa malapitan. Ang ganda ng kulay abo niyang mga mata. Matangos ang ilong niya at 'yong labi niya parang nang-aakit. Dagdag pa 'yong umiigting niyang panga.
"Shít Samantha ang gwapo niya at mukhang masarap sa kama," bulong ni Coreen sa'kin at kinurot pa ako. Ewan ko sa kaibigan kong 'to kahit may boyfriend na maharot pa rin.
"Hi sir, welcome to Don Espresso!" malanding bati ni Coreen. Gusto kong matawa kasi kulang nalang tumulo ang laway ni Coreen habang nakatitig sa bago naming customer.
"May I know your order, sir?" tanong ni Coreen, sinusubukan na magpa-cute.
"I'll have a caramel macchiato, please."
"Would you like that in a tall, grande, or venti?"
"Just a grande, please."
"Okay sir. That'll be 185 pesos sir."
Kinuha ng lalaki ang kanyang wallet mula sa bulsa pero sandali siyang natigil. Nag-igting ang kanyang panga na para bang may problema siya.
"I'm sorry, I think I don't have enough cash on me," pag-amin ng lalaki.
Napairap ako at gustong kong matawa kasi puro porma lang pala siya. Sayang lang 'yong kilig ni Coreen. Gwapo sana kaso mukhang walang pera. Siguro umaasa lang ito sa sustento ng bakla.
"Would it be okay if I paid with a card?"
"Ayos lang po sir," agad na sagot ni Coreen, kinikilig pa rin.
Nilabas ng lalaki ang card niya. Nanlaki ang mga mata namin ni Coreen nang makita naming isang Black ATM Card ang hawak niya.
Kung hindi ako nagkakamali, dapat may income kang mahigit apat na milyon kada taon kung may hawak kang Black ATM Card.
Muli akong napairap. Eh di siya na ang mayaman at ako na ang judgemental.
Binalik ni Coreen ang black card ng lalaki pagkatapos niya itong mae-swipe. 'Yong lalaki naman umupo malapit sa salamin na bintana habang naghihintay na magawa ang order niyang caramel macchiato.
Ayaw kong naghihintay ng matagal ang customer kaya agad kong ginawa ang order niya.
Nilagyan ko ng caramel syrup ang loob ng baso, dahan dahan lang ang galaw ng kamay ko upang mabuo ang tamang pagkakalat ng caramel. Pagkatapos, dahan-dahan kong inilagay ang freshly brewed espresso sa ibabaw.
"Samantha nakita mo ba 'yong nakita ko?" Excited na tanong ni Coreen sa'kin. Halos kumislap pa 'yong mga mata niya sa tuwa.
"Ang alin? 'Yong black ATM card niya?" tanong ko habang dahan-dahan kong ibinuhos ang steamed milk sa ibabaw ng ginagawa kong kape.
"Ano ka ba hindi 'yong black card niya ang tinutukoy ko."
"Eh di ano?" taka kung tanong.
"Nakita mo 'yang maugat niyang kamay? Shít nakaka-inlove."
Kumunot ang noo ko. Hindi ko rin maiintindihan itong si Coreen. Ang weird niya.
Ano namang nakaka-inlove sa maugat na kamay?