CHAPTER 3:

1778 Words
SAMANTHA'S POV: Isang linggo na ang lumipas nang maging customer namin dito sa coffee shop 'yong lalaking may black ATM card, pero si Coreen hindi pa rin makapag-move on. Halos araw araw siyang naghihintay at umaasa na babalik ulit ang lalaki para bumili ng kape. "Hays! Kailan kaya siya babalik dito?" Inip na tanong ni Coreen habang nakapangalumbaba sa counter. "Tigilan mo na nga 'yang pagiging delulu mo Coreen. Hindi na 'yon babalik dito. At tyaka mukhang hindi 'yon nakatira dito sa probinsya. Mukhang may binisita lang 'yon dito sa bayan natin," sabi ko habang hinahalo ang gatas para sa isang latte na order ng estudyante naming customer. "Hindi kaya ako delulu. At tyaka gusto ko lang naman makita siya ulit. Masama ba 'yon?" pagtatanggol niya sa sarili niya. Hindi ko na sinagot ang tanong ni Coreen. Hinatid ko nalang ang kapeng order ng customer. Sunod sunod 'yong pasok ng customer kaya naging abala na kami ni Coreen. Marami talaga kaming customer kapag ganitong araw dahil malapit na ang sweldo. Quarter to five na kaya malapit na ang out ko. Dumating na 'yong second shift kaya hinanda ko na ang mga gamit ko para umalis. "Alis na ako, Coreen!" "Ingat ka Samantha!" Pareho kaming first shift ni Coreen. Madalas sabay kaming umuuwi kaso nagtext 'yong second shift cashier na hindi siya makakapasok dahil may lagnat ang anak niya, kaya si Coreen kailangan mag-overtime. Tuwang tuwa naman ang malandi dahil baka daw bumili ulit 'yong lalaking maugat ang kamay. Bago umuwi ng bahay, dumaan muna ako sa sa isang pharmacy para bumili ng Losartan at Amlodipine, gamot ni Lola para sa kanyang hypertension. "Lola dumating na po–" Natigil ako sa sasabihin ko nang makita ko si Lola at ang nakakabata kong kapatid na si Jasmine na tuwang tuwa habang may hawak na bagong damit. Nagsalubong ang kilay ko nang mapansin ko ang maraming paper bag sa sala. May nakita rin akong dalawang sako ng bigas, may mga groceries, may washing machine at may flatscreen TV. "Samantha, apo dumating ka na pala?" Lumapit ako kay lola at nagmano. "Ate tingnan mo! Bagay ba sa'kin?" tanong ni Jasmine habang tuwang tuwa na sinusukat ang bagong dress. Highschool student pa si Jasmine pero dalaga na siya tingnan sa bagong dress niya. "Lola? Saan galing lahat yan?" taka kong tanong kay Lola. "Nanalo ako ng Lotto apo!" Humalakhak si Lola maging ang kapatid ko tumawa rin. "Pinagloloko niyo ba ako? Lola bakit ka naman mananalo sa lotto eh hindi ka naman tumataya?" "Ano ka ba biro lang 'yon apo. Ang totoo galing 'to lahat sa Tito mo. 'Yong kapatid ng mama Athena mo." Sandali akong natigil at napa-isip. Akala ko ba nasa ibang bansa siya. "Si Tito Vladimir po? Pumunta siya dito sa bahay?" "Hindi siya pumunta dito, ate. Sayang gusto ko pa naman makita si Tito Vladimir. Magkamukha kaya sila ni mama?" "'Yong lalaking personal guard niya ang nagpunta dito. Sabi niya nasa meeting pa daw ang Tito Vladimir mo. Pero bukas dahil birthday mo, sabi ng assistant niya susunduin nila tayo dito para kumain sa mamahaling restaurant." Anong nakain ng lalaking 'yon at mukhang nagbabait-baitan. "Ate may mga damit din para sa'yo," pinakita sa'kin ni Jasmine ang mga paper bag. "Ayaw ko niyan. At tyaka hindi naman ako mahilig sa mga dress," pagsusungit ko. Ang totoo ayaw ko lang talaga tumanggap ng mga materyal na bagay galing sa kanya. "Lola, iidlip po muna ako sa kwarto. Medyo masama kasi pakiramdam ko." "Hindi ka ba kakain, Samantha?" "Mamaya nalang po lola. At ito na pala 'yong mga gamot mo." Inabot ko kay lola ang supot na pinaglalagyan ng mga gamot. Pumasok na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Hindi ko alam bakit nasira ang mood ko nang malaman kong galing kay Tito Vladimir lahat ng 'yon. Naiinis ako sa kanya. Bakit ngayon lang siya nagparamdam? Nasaan siya ng kailangan namin ng tulong? Bakit ngayon pa na wala na si mama Athena? Nagkasakit si mama ng Osteosarcoma, isang bone cancer. Halos isang taon nagtiis si mama sa salot na sakit na 'yon. Pabalik balik kami sa hospital pero hindi manlang siya dumalaw kahit isang beses. Kahit n'ong mamatay si mama, hindi manlang siya nagpunta n'ong libing. Anong klaseng kapatid siya? Sa sumunod na taon, namatay rin si papa dahil sa isang akisidente habang nasa trabaho. Sobrang sakit para sa'kin maiwan ng mga magulang. Umuwi galing abroad ang mama ni papa, si Lola Helen. Siya ang nag-alaga sa'min ni Jasmine simula nang mawala si mama at papa. At ang mas nakakainis pa, habang nasa hospital ako iyak nang iyak dahil naaawa ako sa kalagayan ni mama, sinabi sa'kin ni mama na 'wag daw akong magtatampo kay tito Vladimir. 'Wag ko daw kamuhian siya dahil siguradong may rason siya bakit hindi niya madalaw si mama. Paano ako hindi magagalit sa taong 'yon? Mas mabuti na sana kung hindi na siya nagparamdam pa. HINDI ko napansin na nakatulog na pala ako dahil sa kakaisip. Nagising nalang ako kinaumagahan na masakit ang tiyan ko dahil hindi pala ako nakakain ng hapunan kagabi. Nang lumabas ako ng kwarto, muntikan na akong matumba sa gulat dahil biglang nagpaputok ng confetti ang kapatid ko. "Happy birthday to you... Happy birthday to you..." Nagsimula silang kumanta. May hawak na maliit na cake si Lola habang may birthday hat naman na suot ang kapatid ko. "Happy birthday ate Samantha!" "Happy birthday apo!" Pinigilan ko ang sarili ko na maiyak sa tuwa. Talagang nag-abala pa silang bumili ng cake. Pinikit ko ang mga mata ko at hinipan ang kandila sa cake. "Salamat po Lola. Thank you din Jasmine." Ilang sandali lang sumulpot sa may pinto ang isang lalaking nakasuot ng formal attire. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko siya kilala. "Apo siya 'yong personal guard ng Tito Vladimir mo," bulong ni lola sa'kin. Akala ko siya na si Tito Vladimir dahil kakaiba din ang dating niya. "Ma'am ready na po ba kayo?" magalang na tanong ng lalaki. "Ah oo ready na ang apo ko!" sagot ni Lola at tinulak pa ako palapit don sa lalaki. "Enjoy sa birthday mo ate!" Nilingon ko sila at pinalisikan ng mata. Hindi ko maiintindihan kung ano ang pinagsasabi nila. At anong ready? "Apo pasensya na hindi kami makakasama sa'yo. May follow up check up kasi ako kay Doc. Reyes at sasamahahan ako ng kapatid mo." "Ano?" bulyaw ko. "Sigena apo, sumama ka na. Nakakahiya sa Tito Vladimir mo ang dami niyang binigay sa'tin." "Sigena ate. Paminsan minsan lang naman 'to. At tyaka di ba sabi mo gusto mong makita si Tito Vladimir?" Napapikit ako sa mata sa inis. Gusto ko siyang makita dahil gusto kong ilabas ang galit ko sa kanya. Sa huli, si Jasmine at Lola ang pa rin ang nanalo. Sumama nalang din ako dito sa personal guard ni Tito Vladimir. Ni hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan itong tao. Gwapo siya at hindi naman mukhang kriminal o drug addict. Pero sa panahon ngayon dapat hindi basta basta nalang magtiwala sa hindi natin lubusang kilala. Pero wala na akong magagawa dahil nandito na ako sa loob ng kotse. Sa passenger seat ako naupo kasi nakakahiya namang tumabi sa lalaki. Bagong gising lang ako at walang ligo. Habang tahimik akong nakaupo, napansin kong panay sulyap 'yong lalaki sa rear view mirror ng kotse, halatang palihim niya akong pinagmamasdan. Napahawak ako sa puso ko dahil sa kaba. Paano kung nagpapanggap lang siyang personal guard ni Tito Vladimir at isa talaga siyang sindikato at plano nilang kunin ang organs ko. "Ma'am please buckle your seatbelt," ani ng lalaki. Nawala naman ang kaba ko. Kaya pala panay sulyap siya sa'kin kasi hindi pala ako nagseatbelt. Judgemental lang ako. "Ahm, ano...pwede ba malaman ang pangalan mo?" kinakabahan kong tanong. Gusto ko lang malaman pangalan niya para kung may mangyaring masama sa'kin, may masasabi akong suspek sa mga Police. "It's Pierce. Pierce Callejo." "Ako nga pala si Samantha." Pinakilala ko rin ang sarili ko. Mukhang mabait naman siya kaya ayos lang siguro makipagkaibigan. "Ma'am nandito na po tayo." Hininto ni Pierce ang kotse. Pagtingin ko sa labas ng bintana, halos mahulog ang panga ko nang mapansin ko ang pangalan ng hotel. Ito 'yong pinakamahal na hotel sa bayan namin. Kapag may nagpupunta na mga artista at senador dito sa bayan namin, sa hotel na 'to sila namamalagi. Pinagbuksan ako ng pinto ni Pierce kaya lumabas na ako ng kotse. Pinasunod niya ako hanggang sa makarating kami sa top floor ng building. Nalaglag ang panga ko nang mapansin kong isa pala itong executive penthouse room. Bumukas ang pinto ng room. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang nakahilirang mga babae na pare-pareho ang suot. "Maligayang kaarawan ma'am Samantha!" Sabay sabay nilang bati sa'kin at pare-pareho silang yumuko. Nagtaka naman ako bakit nila ako kilala at paano nila nalaman na kaarawan ko ngayon. "I trust you to handle it. You know what to do." utos ni Pierce sa mga babaeng nakahilera. "Oo nga pala, when it comes to her wardrobe, Vladimir prefers something that exudes radiance. Silk red would be the perfect choice for her attire." Tumango naman ang mga babae na para bang naiintindihan nila ang sinabi ni Pierce. Bago umalis si Pierce, sinabi niya sa'kin na babalikan niya ako quarter to five para ihatid sa restaurant. Tumango nalang din ako bilang pagsang-ayon. Nilibot ko ng tingin ang buong penthouse. Sobrang ganda nito. 'Yong chandelier ang engrande. 'Yong painting halatang mamahalin at mukhang galing pa ng ibang bansa. 'Yong interior design talagang pinaggastusan ng malaki. "Maam dito po tayo." Nagulat ako ng hawakan ng mga babae ang magkabila kong braso. Akala ko kung saan na nila ako dadalhin pero sa bathroom lang pala. Kumislap ang mga mata ko nang makita ko ang bathtub na puno ng mga bula at petals of red roses. Inutusan ako ng mga babae na maligo. Nang lumabas ang mga babae, hinubad ko ang damit ko at pumasok na sa bathtub. Pinaglaruan ko ang mga bula at rosas. Di ko naman maiwasan na isipin si Coreen. Kung nandito lang 'yon siguradong tuwang tuwa siya. Pagkatapos kong maligo, binalikan ako ng mga babae. Nilinis nila ang mga kuko ko sa kamay at paa, at nilagyan ito ng gel nail polish. Binawasan rin nila ang kilay ko. Nilagyan nila ng light make-up ang mukha ko at inayos ang buhok ko. Nagugutom na ako kaya binigyan nila ako ng iba't ibang prutas na makakain habang inaayusan nila ako. Hindi ko naman maiwasan na mapaisip habang kumakain ng apple. Mahigit sampung taon na ang lumipas. Unang bisita ni tito Vladimir sa bahay nasa seven years old pa lang ako. Ano na kaya ang itsura niya ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD