Chapter 12 ~ GAIL'S POV PAGGISING ko, tumingin agad ako sa alarm clock ko. A las nuebe y media, ngayon lang ulit ako nakagising ng ganitong oras, sabagay a las tres na rin naman kasi ako nakatulog. Opps! Sabado pala ngayon, that means walang pasok! Oyeah! Wala na naman akong ibang gagawin kundi ang mag-basa. Sa lahat yata ng University kami lang ang walang pasok ng sabado, para nga lang kaming highschool pero masaya rin kasi di kami nahirapan mag-adjust. Isang taon na lang din ga-graduate na kami, ang bilis ng panahon. Naghilamos lang muna ako at nag-toothbrush bago bumaba. Nakita ko si Alden sa may kusina nagkakape. "Misis, kape gusto mo?" alok naman niya sakin. Psh! Ang lakas naman ng loob niyang alukin ako, parang walang nangyari, eh may kasalanan pa nga siya sa akin. "No thanks!"

