Chapter 13 ~ GAIL'S POV SASAGOT na sana ako sa tanong na yun ni Alden sakin ng may maamoy ako. Ano yun? "AYYY! Yung niluluto ko!" Sigaw ko sabay takbo sa kusina, nagmamadali akong inangat yung takip. "Ah ah! Awww! Ang init!" Sigaw ko kaya naihagis ko yung takip dahil sa sobrang pagkataranta ko nakalimutan kong mainit yun. "Ano ba 'yan Gail!?" Pasigaw na tanong ni Alden. "Nasunog na Alden. Di na 'to magiging sinigang." Sabi ko sa kanya habang hawak ko yung kamay kong napaso. "Ano? Yan na nga lang gagawin mo di mo pa nagawa ng tama!" Inis na sabi niya sa akin. "Eh, malay ko bang masusunog?" Naluluhang sabi ko, parang gusto kong umiyak. "Sa susunod kasi mag-focus ka sa ginagawa mo!" Sigaw ulit niya sa akin. "Sorry ha! Akala mo kasi ang dali-dali ng pinapagawa mo! Eh di sana ikaw na la

