Chapter 32 ~ JANELA'S POV HINDI pa rin ako makapaniwala sa kuwento sa akin ni Gail. Sa mga nakikita ko kasi kay Mr. De Leon alam ko at nararamdaman ko na mahal na niya ang kaibigan ko pero bakit kailangan pa niyang saktan ng gano'n si Gail. Hay! Nalulungkot ako para sa kaibigan ko, noon pa man alam ko na mahal niya si sir kahit ayaw niyang aminin sa akin 'yon nararamdaman ko 'yon. I think I need to do something for my bestfriend! Gora lang Janela! Hay! Naiinip na talaga ako dito sa bahay, bakit ba kasi bukas pa ang balik nila, eh. Di ba pwedeng mamaya na? Okay! I have an idea, I want to have some fun. Kumuha ako ng damit sa closet ko then nagbihis ako makagala muna kahit ako lang mag-isa. Bumaba ako para magpaalam kay Mama. Nakita ko si Mama sa may sala, nanonood ng Showtime infairen

