Chapter 31 ~ GAIL'S POV NASA kwarto lang ako maghapon, nakakatamad naman kasi saka wala na rin ako sa mood na mag-enjoy. Ayoko ring makita si Alden. Niyaya ako nila Hana lumabas pero tumanggi ako balak kong lumabas pag medyo madilim na para walang makakita sa akin at para maiwasan ko rin ang mga dapat kong iwasan. Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Nakatingin lang sa kawalan. Maya-maya nakarinig ako ng katok. "Sino 'yan?" Tanong ko bago ko buksan yung pinto pero walang sumasagot. Sila Hana na siguro. Marahan kong binukasan yung pinto. Pero kung sino pa yung pinaka-ayaw kong makita, siya pa talaga yung nasa harap ko ngayon, "Ano'ng kailangan mo?" pinipigilan ko yung sarili ko. "Will you, please, let me in first?" Ang kapal talaga ng mukha, di ko talaga alam kung saan ku

