Chapter 30 ~ GAIL'S POV NAGISING ako dahil sa bigat ng pakiramdam na nararamdaman ko, Na saan ako? Nandito ako sa lugar na di ko alam. Di ito ang kuwarto ko, yun lang ang alam ko. Kumilos ako para bumangon. "Okay na ba ang pakiramdam mo?" Tinignan ko lang siya dahil di ko naman siya kilala, "Ako si Vera, ang private nurse dito sa retreat house." Nabasa yata niya kung anong iniisip ko. "Ganun ba?" Ano nga bang nangyari sa akin kagabi? Bakit nandito ako sa clinic? Bigla naman, nag-flashback sa isip ko lahat ng nangyari at lahat ng sakit na naramdaman ko kagabi. Kung pwede ko lang talaga iuntog yung sarili ko para lang makalimot ako sa lahat ng pwede kong kalimutan. "Ano, okay ka na ba?" Ulit na tanong niya. "Kumain ka muna then uminom ka ng gamot para medyo gumaan pakiramdam mo. Magdamag

