Chapter 29 ~ CHARLE'S POV DI NA ako nagtaka nung hanapin sa akin ni Gail si Mr. De Leon pansin ko rin kasing kanina pa siya nawawala. Nakita kong palabas si Gail ng retreart house kaya sinundan ko siya. Mabilis siyang nawala sa paningin ko kaya hinanap ko pa siya pero nalibot ko na ang lahat ng lugar malapit sa retreat house na pwede niyang puntahan at lugar na pwede niyang paghanapan kay Mr. De Leon pero di ko pa rin siya nakita. Papasok na sana ako ng may marinig akong may nabasag na kung ano sa may gilid ng retreat house. Nagpasya akong puntahan yung pinanggalingan nung tunog baka kasi si Gail 'yon at baka kung ano na naman ang nangyari sa kaniya. Papaliko pa lang ako ng makabangga ko siya. Nakayuko siya pero alam kong siya 'yon. "Gail?" Tawag ko sa kaniya dahil di pa rin siya nag-

