bc

The Billionaire's Unexpected Wife

book_age18+
87
FOLLOW
1K
READ
billionaire
one-night stand
HE
arranged marriage
playboy
arrogant
heir/heiress
drama
bxg
campus
office/work place
assistant
like
intro-logo
Blurb

Title: The Billionaire's Unexpected Wife

Blurb:

"Magkano ang isang gabi mo? Handa akong magbayad—ibuka mo lang ang mga hita mo at papasukin mo ako."

He's allergic to marriage. Para kay Kendrick 'Uno' Iñigo Hayes, 33 years old, billionaire, playboy, at sanay sa kalayaan, marriage is a trap, a disaster waiting to happen.Pero biglang nagbago ang lahat nang pagbantaan siya ng Lolo niya.

"Mag-aasawa ka... o wala kang mamanahin"

Kaya napilitan siyang humanap ng babaeng pwedeng magpanggap bilang asawa niya, kahit wala sa plano niya ang kahit anong commitment.Thaliene Sienna Rae Mendez 24, maganda, sexy, at star dancer sa isang high-end bar, ang babaeng may sariling laban sa buhay. Dalagang ina, matapang, at desperadong makuha ang isang bagay na tanging si Uno lang ang may hawak.

Matagal na silang pinagtagpo ng isang gabing nabura sa alaala ni Uno.Isang gabing si Sienna lang ang nakakaalam ng buong kuwento.Ngayon, pareho silang may kailangan.

Pareho silang may sikreto.At pareho silang papasok sa isang kasinungalingang mas delikado kaysa sa totoo.Isang pekeng kasal.

Some memories fade.Some lies grow.And some truths.... refuse to stay buried.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Prologue: "Paano mo ipaglalaban ang pag-ibig kung sa simula pa lang, malinaw na hanggang kama ka lang---just s*x, no commitment. Mahal mo siya, pero ikaw, kailanman, hindi ka niya minahal nang sapat para manatili." SIENNA PAGKATAPOS ng mainit naming pagniniig ni Uno ay umalis siya agad sa ibabaw ko, nag-roll over sa tabi ko. Tumagilid ako, pinagmamasdan ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib. Napapikit siya at napako ang mga mata ko sa kanyang mukha, ang matangos na ilong, ang labing bahagyang nakabuka at mapupula, ang pamilyar na anyong ilang beses ko nang inaral sa dilim at liwanag. Saglit kong inisip na ganito na lang sana palagi. Tahimik. Walang tanong. Walang hangganan. Masaya lang pero alam kung malabong mangyari iyon. Itataas ko sana ang kamay ko para haplusin ang labi niya. Pero bumukas ang mga mata niya. Bumangon siya, dinampot ang boxer, pantalon sa sahig at sinuot iyon nang hindi nagmamadali pero halatang may distansiya na. Hindi siya tumingin sa akin. "Tapusin na natin ito," sabi niya, mababa ang boses. Napaupo ako agad, hinayaan kong nakalantad ang hubad kong katawan. "Tapusin...ang ano?" Huminga siya, parang naghahanda ng tamang isasagot. "One month from now, ikakasal na ako." Parang nawalan ng hangin ang loob ng kwarto. Nakatingin lang ako sa kanya, naghahanap ng kahit anong senyales na biro lang ang sinabi niya. "Ikakasal?" tanong ko, pilit na ngiti sa labi. "Hindi ka seryoso, Uno. Nagbibiro ka lang, right?" Tumingin siya sa akin. Diretso. Walang pag-aalinlangan at wala kang makitang kahit na katiting na biro sa mukha niya. "Seryoso ako." May kumirot sa dibdib ko. Hindi biglaan, 'yong tipong dahan-dahan ang pag-kurot na maramdaman mo talaga ang sakit. "So... ito na 'yon?" Tumango siya, walang pagdalawang isip. "Hanggang dito lang tayo." Alam ko naman ang kasunduan namin. Alam ko ang limitasyon. Pero iba pala kapag narinig mo nang malinaw. "You gave me everything," sabi ko, halos pabulong. "Lahat ng kailangan ko. Lahat ng hinihingi ko." Napatawa ako nang mahina. "Pati pamilya ko, inalagaan mo lalo na ang anak ko." Hindi siya agad sumagot. Lumapit siya sa side table at binuksan ang drawer. Kinuha niya ang tseke at nagsimulang magsulat. "This doesn't mean I don't care," sabi niya habang kinukuha ang tseke. "I just don't do commitments. You know that." "Pero ikakasal ka," singit ko. "That's commitment, Uno." Sandaling huminto ang kamay niya. Isang segundo lang. Saka muli niyang ipinagpatuloy ang pagsusulat. "That's different." Mas masakit pa iyon kaysa sa mismong balita. Iniabot niya ang tseke sa akin. "Five million." Napatingin ako roon, saka sa kanya. "Binabayaran mo ba ako?" Umiling siya. "Sinisiguro ko lang na magiging maayos ka. May condo rin," dagdag niya, ini-slide ang tseke papunta sa akin. 'Sa BGC. Sa 'yo na 'yon. Clean title, titirhan mo na lang at may sasakyan din para sa'yo." Gusto kong sabihin na hindi pera ang kailangan ko, hindi materyal. Na hindi iyon ang hinihingi ko mula sa simula. Pero pagod na akong ipaglaban ang sarili ko sa isang laban na hindi naman pala para sa akin. Hindi ko agad kinuha ang tseke. Pero hindi ko rin itinulak palayo. "Okay," sabi ko sa huli dahil wala akong magagawa. Tumango siya, parang may natapos na checklist. Lumapit siya, yumuko at hinalikan ang noo ko, mabilis lang, magaan, parang paalam na hindi dapat balikan. "I'm sorry," sabi niya. Hindi ako sumagot. Hinintay kong lumabas siya ng kwarto. Hinintay kong magsara ang pinto bago ko tuluyang hinawakan ang tseke at doon ko lang naramdaman kung gaano kabigat ang kapalit ng pagiging parausan. Napahiga ulit ako sa kama, nakatingala sa kisame. Hindi ko na alam kung ilang minuto na akong nakatitig doon, basta ang pakiramdam ko, parang may nawala sa loob ko na hindi ko na kayang pulutin. Ang plano lang noon ay akitin siya. Isang bagay na ako pa rin ang may kontrol. Pero nauwi iyon sa pagtatalik, sa pagbibigay ng sarili ko nang paulit-ulit, hanggang sa hindi ko na namalayang naging parausan na lang pala ako. Tinanggap ko iyon dahil mahal ko siya. Napatawa ako nang mapait. Kailan pa ako naging ganito kahina. Ang tapang ko pero naging mahina ako sa kanya. Bakit ngayon lang masakit, kung matagal ko namang alam kung ano lang ang lugar ko sa buhay niya. Sa bagay, hindi rin naman ako nagkamali. Si Uno lang ang lalaki sa buhay ko. Ang una. At malinaw na malinaw sa akin ngayon, siya na rin ang huli. At mas masakit tanggapin na para sa kanya, isa lang akong labasan ng init. Isang katawan gagamitin kapag kailangan. Isang kwentong madaling tapusin, basta may tseke at katahimikan. Nakapako ang tingin ko sa kisame, iniisip kung kailan ko unang napagkamalang pagmamahal ang pagiging pinili lang kapag convenient. Ngunit naroon ang tanong, paulit-ulit na kumakabog sa dibdib ko, kasabay ng t***k ng pusong pilit kong pinapatahimik. Ngayong tinatapos na niya ang lahat sa amin... masasabi ko pa kaya sa kanya na siya ang ama ng aking anak?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
313.3K
bc

Too Late for Regret

read
306.0K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.7M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.3M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
143.7K
bc

The Lost Pack

read
425.5K
bc

Revenge, served in a black dress

read
151.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook